Kabanata 9

475 18 6
                                    


Kabanata 9
Busy



Hindi ako lumabas para kitain si Ryleigh. Hindi rin nag-abala na tugunin ang text niya. Sumilip ako sa labas mula sa maliit na siwang sa aking bintana, takot na baka makita niya ako. I saw him leaning on his car, staring at his phone seemingly waiting for a text.

Gustong gusto ko siyang lapitan. Pero pagkalipas ng ilang sandali, at mukhang inakala niyang tulog na ako kaya hindi na nakapag-reply, umalis din siya. Akala ko no'n mapapanatag na ako. Ngunit hindi rin ako nakatulog.

No matter how hard I try to fall into sleep, my mind would still wake me up to think of things again. This time, it's not just Ryleigh, but everyone that concerns me the most.

I was in guilt for the past weeks. I didn't know what to think. I didn't know who should be tended first. It was again another series of despair. Ang tungkol kay Tita, ang makasariling plano ni Mama, si Ryleigh... at ako. I couldn't think of anything so I distanced myself from anyone. Maging sa mga kaibigan.

Sa university, may mga pagkakataon na nagkakatagpo kami ng landas nina Heidi. At sa tuwing nagkakausap kami ng kaonti, lagi kong tinatanggihan ang pag-aaya nila. Ni isa, wala akong pinaunlakan.

"Pangatlo na 'to ngayong buwan, Sanja."

I feel sorry for my friends. Ayaw kong dumidistansya pero tingin ko'y makabubuti ito para sa akin at sa kanila. The past few days were light and easy for them while I was struggling for unknown reason. I was heavy loaded of negative feelings. And being with them would only mean sharing them my burdens.

Kahit gusto ko nang sumama sa kanila at makipag-inuman sa kapatagan, pinigilan ko ang sarili mula sa makasariling ideya. I have to go on with this set up for few more days... or who would know if this requires months.

Patapos na rin naman ang klase. Ilang linggo na lang at bakasyon na. Siguro doon ako babawi sa mga kaibigan. Kaya kung titiisin ko ang mga paparating na buwan para ayusin ang nararamdaman ko, at ang sarili, baka mapagbibigyan ko na sila ngayong bakasyon.

I didn't mind the Fidallegos wandering around the campus. Kapag nagkikita kami ni Terrell, umiiwas agad ako. At kapag si Ryleigh naman ang palapit, iniiba ko agad ang tinatahak na daan. I lived for days avoiding them. Not accepting even a tiny little chance of getting in touch with any of the two.

Sinadya ko ang lahat ng nangyari. I thought, and I believed, that I really failed in all of my responsibilities. Now that I realized it, I have to act on it. Kamakailan ay sinubukan kong manatili sa bahay para paluguran ang pangungulila ni Tita. Rason kung bakit hindi rin ako nagpapaunlak ng kahit anong pag-aaya para magliwaliw sa kanayunan.

Tita and I are sipping champagne on the balcony while appreciating the view of the high mountains of Altaguirre every weekends. Weekdays after my class, we are having fun doing the garden or buying stuffs in Palmes.

"What more do you want?" si Tita pagkatapos maibaba ang inumin.

Palubog na ang araw nang naisipan naming uminom dito sa labas. I don't know what she's talking about so I glanced at her. Nasa harap lang ang tingin niya.

"Po?"

Saka niya lang ako nilingon. Tipid na nginitian. "Your clothes. What more do you want?"

I was relieved. Akala ko may iba siyang gustong sabihin.

"I got enough for the whole summer. Wala naman po siguro akong idadagdag sa ngayon."

Her gaze remained at me for a moment. Sa sandaling 'yon, nagkaroon ako ng pagkakataon na masilip ang inaasahan kong lungkot sa mga mata niya. And yet I was surprised to see nothing but a fire or relief. Sa mga nagdaang araw ay lagi kong pinapansin ang emosyon sa kanyang mga mata. May nakita akong lungkot doon noong nakaraan kaya ngayon na wala akong makitang kahit ano na ikababagabag ko, at sa gaan din ng tingin niya sa akin, para akong nabuhayan.

Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon