Kabanata 1

1K 35 3
                                    


Kabanata 1
Rain




"Tita..." suminghap ako, hindi alam kung ano ang idudugtong. "It's your seventh glass for today."

Hindi niya ako nilingon at nanatili lang ang tingin sa malayong tanawin ng Altaguirre. I get it. I know that she is devastated with her situation right now. But drinking this much won't ease her burden.

"I'm fine. I can handle up to fifteen so you don't have to worry," malamig ang boses niya at muling sumimsim sa kanyang inumin.

I don't know what to do anymore. May kaonting distansya ako mula sa kanya. Nasa labas siya ng terasa habang ako naman ay nasa hamba ng pinto, may pag-alinlangang lumapit siya.

Tita has this strict and stern appearance. Not that I only care about her strong physique, I also concern about her possible treatment to me. Dati pa lang, mataray na talaga siya at may kalupitang pinamalas. Ngayon na nawalan siya ng asawa, at nagluluksa pa rin, hindi ko tansyado ang mga kilos ko maging ang kanyang reaksyon.

Ilang linggo na rin akong nasa Altaguirre pero wala akong maalala na nagkausap kami ni Tita ng isang minuto. I'll ask and she'll answer. Pagkatapos nun ay nawawala rin agad ang usapan at pareho kaming matatahimik.

Siguro dahil nasasaktan pa rin siya at nangungulila sa namayapang asawa. Pagkatapos ng libing, at nang nakauwi na kami sa bahay, ganito agad ang naging araw ni Tita.

She has been drinking quite a while now. One bottle of wine for a day or two.

"Just let her. It might be her way of coping up so just let her."

Bumuga ako ng hangin. "Pero, Ma... hindi ba 'yon makakasama sa kanya?"

"I don't think so, Sanja. Ganyan na ang Tita mo noon pa lang. Kahit anong suway mo, mas ginaganahan pang uminom kaya wala tayong magagawa kung gusto niyang magpakalunod sa wine. It won't surprise me to know that she's using it for a bath instead of water!"

"Hahayaan? Does that mean I can now process my papers for the university?"

"Hindi na kailangan. Naayos na 'yon ng Papa mo kaya pwede kanang bumisita ro'n kapag may oras ka. Altaguirre's universities are small than the city campuses so don't exaggerate your expectations on your school. It doesn't help," aniya na para bang alam niya na ang naiisip ko.

"Yeah, I know," at wala rin naman akong expectations sa utak ko.

Sa second sem na ang pasok ko sa university dahil natapos ko na rin naman ang first sem at pasado pa kaya walang problema. Sa Lunes pa ang pasok ko, at dahil Biyernes ngayon, at free time ko pa ang buong hapon, pwede akong bumisita ro'n.

I prepared and ate my lunch first. Nagpaalam na rin ako kay Tita na nasa labas at malayo pa rin ang tanaw. Umiinom na naman. I just can't help to ignore the beautiful scenery of this town from the view we have in this area and at this distance.

"You like the view?" tanong ni Tita pagkatapos kong magpaalam.

"Opo. Maganda..."

She took a quick sip on her wine. Mahinang tumatapik sa kanyang nakakrus na mga braso ang mga daliri. Nilingon niya ako.

"This is the boundary of Altaguirre and Palmes. Medjo malayo sa kanayunan kaya wala masyadong gusali na nakaharang sa tanawin. Sa pusod ng nayon ay ang mansyon ng mga Fidallego," she explained in the coldness of her voice.

Napatingin ako sa kanya. Hindi pa nagtatagal ang titig ay napansin na agad ang pagkakahawig nila ni Mama.

They both have almost the same features. But my Mama's were soft and Tita's were all looking stern and strong. Para bang sa isang maling galaw lang, magagalit na at magwawala.

Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon