Kabanata 28

490 15 4
                                    


Kabanata 28
Phonecall



"I do really apologise for my sudden withdrawal."

"It is okay, Ms. Lazarte. Good thing that you informed us ahead of time before Ms. Lyka Zalderial's arrival. The team is accepting new applicants now so we hope it won't concern you," isa sa mga employee ng Feroce.

"I see. Please send my regards to her and also my apology."

Ngumuso ako pagkababa ko ng tawag. I paused for a moment. Sunod na hinanap ang number ni Papa para tanggapin ang trabahong alok niya sa akin.

Nasira na naman ang maganda kong plano para sa amin ng anak ko. I already fixed in mind my goals for our new life in Solarez. I will work as a secretary in Feroce. Jarrie is going to have a normal life, go to school, be home and repeat. Arcus is our closest family relative there. Siya ang makakasama namin kapag Linggo para sa family bonding.

Ang ganda na ng plano ko. The life that awaits us, it is almost perfect. But now that I am under Ryleigh's care, nasira na naman ang plano ko!

Last night, I had a talk with Jarrie. Nasa sala ako at hinahanda na ang papeles na kailangan ko para sa trabaho. Sakto na nang napag-usapan namin ang tungkol paglipat sa Solarez, siya namang pagdating ni Ryleigh.

My daughter asked me to include her father in our talk. Of course, my daughter is enthusiastic about having her father's say about it. Samantalang ako, ayaw kong intindihin ang opinyon ni Ryleigh tungkol sa plano ko. I am used to decide alone for us so considering Ryleigh's say to it is a bit odd.

I put Jarrie on loud speak.

"What do I need to know?" si Ryleigh nang tumabi sa akin.

Bigla kong natanto na mas makabubuti kung kaming dalawa ni Ryleigh lang ang magkakausap tungkol sa paglipat namin dahil sigurado akong pagtutulungan na naman ako ng mag-ama ko!

Halos mapairap na nang naiisip ko palang, pinatunayan na ni Jarrie!

"Mama is going to work in Feroce, Papa. We will move to Solarez for it."

Hindi ko ginantihan ng paglingon ang pagbaling ni Ryleigh sa akin. I got my eyes fixated in front, with my hands busy pinching the throw pillow on my lap.

"Do you want to leave?" tingin koy para sa anak namin 'yon.

Hindi ako sumagot. Tama lang din dahil tama ako na si Jarrie ang kinakausap ni Ryleigh.

"Leaving, as long as you go with us, is not a problem to me, Papa. I hope Mama is fine with that."

Nawalan na ako ng pag-asa. Halatang masaya talaga si Jarrie sa pagsasama namin ng Papa niya na para bang iyon ang gusto niyang mangyari. Na mabuo kaming tatlo.

I don't want to ruin my daughter's happiness kaya kahit pa sinabi kong planado na ang lahat, sinusubukan kong pakinggan ang side ni Ryleigh.

"Papa and Mama will talk about it in private..."

Jarrie giggled. "Sure! Sure! I'll call tomorrow."

Umayos agad ako ng upo nang matapos ang tawag. I composed myself in silence, taking every pause of Ryleigh as a chance for me to gain my confidence.

"You are leaving again," aniya sa mababang boses.

Napalingon ako sa kanya. My gaze remained on him as he loosened up his tie. Sunod na binigyang pansin ang  butones ng mga manggas ng kanyang polo.

"It is for my work."

"In Feroce? As a what?"

Napakurap kurap ako. Sinubukan kong ialis ang atensyon ko sa ginagawa niya na pangkaraniwang lang naman pero manghang mangha na ako. I don't think I have ever seen him loosening his tie this manly and matured!

Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon