Kabanata 20
Going HomeSandaling umikot ang paningin ko kaya hindi pa man tuluyang nakakapagmulat ng mga mata, mabilis kong naipikit ulit. Sumabay pa ang kaonting pananakit ng tiyan, mas ginusto ko nalang na nakapikit habang pinapakiramdaman ang mga magulang.
I am lying on a soft bed. Siguro'y nasa ospital ako o sa kwarto ko lang kung pwede ang family doctor. Alin man sa dalawa, alam kong kailangan ko ng medical attention. Dati ko pa napapansin ang pagrereklamo ng katawan ko mula sa lahat ng ginagawa ko sa sarili. I starved and locked myself in my room for the past month. Hindi ko na masyadong ginagawa iyon ngayong buwan pero kontrolado ko pa rin ang pagkain.
Kung hindi lang sumasakit ang tiyan ko, siguro'y nasa parehong routine pa rin ako.
"Nakita mo na ang nangyari? Hindi ka pa rin nadadala, Jana," boses ni Papa ang narinig ko.
One of the reasons why I am staging an act right now is to eavesdrop. Hindi ko gawain 'yon pero kailangan kong marinig ang pag-uusap nilang dalawa. May hinala rin ako na malalaman ko ang kondisyon ko kapag nakinig ako. It's just that... they won't talk about it when I am around. This is my chance to hear things I need to hear.
May narinig akong mahihinang hikbi. Ayaw kong pangunahan ang nangyayari pero tingin ko'y kay Mama 'yon.
"Your daughter lost consciousness! What more do you want to happen to realize that this is no future for Sanja?"
"Ngayon pa ba ako titigil, Sandro? Alam ko kung ano ang nangyari at hindi ko alam kung kakayanin ni Sanja ang responsibilidad! She needs to get married," Mama argued.
Kakayanin ang alin? Responsibilidad? Anong responsibilidad?
Papa cursed at his frustration. "Iyan ka na naman. Padalos dalos ka ulit, Jana. Come on! Sanja will depend on us! She doesn't need a man to take the responsibility!"
Naguluhan ako saglit. What responsibility are they talking about? Sa pagpapakasal na naman ba? Ano?
"Anong gusto mong sabihin? Na hayaan nalang siya at huwag bigyan ng asawa? Kilala ko ang anak natin! Hindi kakayanin ni Sanja kaya nga ginagawan ko na ng paraan! It's either she gets married or I'll have her under---"
"Hindi kita mapagbibigyan sa pagkakataong ito!" galit na putol ni Papa. "Kilala ko rin ang anak ko! Sanja is a strong woman and I know... I am sure that she will be able to raise---"
"Be practical! Kung hindi siya magpapakasal sa lalaking makakatulong sa kanya, walang patutunguhan ang buhay ng anak mo!"
"She was fine in the hands of that young Fidallego pero ano? Kinuha mo siya ng Altaguirre at inilayo sa lalaking mahal niya! Nagpadalos dalos ka ulit kaya mahihirapan si Sanja na sabihin kay Ryleigh ang tungkol sa---"
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Sandro?!" boses ni Mama na umalingawngaw sa buong silid.
"How can you be so sure that it's him?" Mama asked Papa, provoking.
Sandali silang natahimik. Dahan dahan akong nagmulat. Masyado silang nadala sa pinag-uusapan kaya hindi agad napansin na gising na ako at dinig na dinig na silang magsigawan.
Nasa kwarto nga ako. Mama was on the single seater couch, frustrated. Nakatayo naman si Papa malapit sa kanya at sapo ang kanyang noo. Si Mama lang ang nakapaharap sa akin samantalang si Papa ay nakatalikod sa banda ko.
"Caligo told me to withdraw from my plans in betraying him," umiiyak na si Mama. "Gusto ko si Ryleigh para sa anak ko pero..."
"Pero ano?!" dugtong ni Papa sa sasabihin ni Mama'ng hirap siyang ituloy.
BINABASA MO ANG
Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)
Romance(COMPLETED) Sanja Acquenesse Lazarte is a femme fatale almost worshipped by those boys. Walang hindi nahuhumaling. Walang hindi baliw sa kanya. No one dares to ignore her. One command is all it takes for them to have their downfall. It is not her r...