Kabanata 4
Play WellAng lakas ng loob kong hamon hamunin ng gano'n si Ryleigh dahil ang buong akala ko hindi niya ako papatulan. He is cold and strict! Kaya ko nga siya sinusubukan dahil alam kong hindi ko siya kayang landiin.
But what now? Ako pa itong umiiwas dahil hindi ko matanggap na nagawa niya akong landiin ng gano'n! At hindi ko pa napanindigan! Hindi ko naihanda ang sarili ko. Nagulat ako at nawala na sa plano.
Mariin kong naipipikit ang mga mata sa tuwing naaalala ko kung paano ako natameme sa gabing 'yon. Samantalang si Ryleigh, nagawa pa akong ihatid sa bahay na parang hindi man lang sineryoso ang sinabi.
I stopped. Wait... o baka ako lang din ang masyadong nadala sa usapang 'yon? Paano kung gaya ko, sinusubukan lang din ako ni Ryleigh?
Right! He moves surprisingly. Ryleigh is strategic and unpredictable. He is humble. And I know he knows what he possess and why girls are into him crazily. Bakit hindi ko agad naisip na... baka ito nga ang laro niya?
Siguro nga. Maaari. Kaya kung may dapat man akong gawin ngayon, hindi ang problemahin pa ang nangyari. Dapat nag-iisip na ako kung paano siya yayanigin. Hirap akong lumandi sa kanya dahil tiklop ako sa isang 'yon. Hindi ko siya kaya sa parteng 'yon pero...
"I'm really sorry, Sanja. Ganito, kakausapin ko si Ryleigh. Lilinisin ko ang pangalan mo. And for a bonus, ilalakad kita sa isa ko pang kakilala. Si Martin..."
Pairap akong bumaling kay Miquesa. Wala na akong balak pa na pumatol ulit sa mga nirereto niya. Nadala na ako at kung may papatulan man ako, si Ryleigh 'yon.
He is the real challenge. Sa lahat ng lalaki rito, siya dapat ang inaatupag ko.
"I don't like the bonus, Mique. At huwag mo na rin kausapin si Ryleigh. Ako na ang bahala sa kanya."
"Tama ba ang narinig ko? Ikaw ang bahala kay Ryleigh?"
Pareho kaming napalingon sa nagsalita. Lumapit sa amin si Misty, nakataas ang isang kilay at matalim ang tingin sa akin.
Bumuga ako ng hangin. Nasa pathway kami. Kung gagawa man ng eksena itong si Misty, labas ako ro'n. Isa pa, walang mawawala sa akin. Sa kanya meron. She's a member of the student council so getting into a fight will taint her name. She'll lose her pride and honor.
"Bakit? Anong gagawin mo, Sanja?" balik niya sa akin nang natahimik ako.
"Kakausapin ko lang, Misty... tungkol sa nangyari. Nothing more," magalang kong sinabi.
"Nangyari?" may diing sabi niya. "Ano ba ang nangyari?" lumambot din ang boses pero may bakas ng iritasyon.
I don't have time to story her everything... like in a very detailed way. At hindi pa ako baliw para patulan ang tiyak niyang galit ngayon at selos. Base sa naging reaksyon niya sa sinabi ni Mique noon, alam kong may malaking pagkagusto siya kay Ryleigh. Telling her about it will make her mad at me.
I didn't know that people here eventually irks me for some reason. They stressed me more than my studies.
"How about next week? Makakapaghintay naman ako, Sanja," si Alfeo pagkatapos kong tanggihan ang pag-aaya niya ng date.
Ngumiti ko para itago ang kaonting inis sa tungo ng usapan.
"Babalik ako ng Davao sa susunod na linggo. Hindi ko alam kung kailan pa ang balik ko kaya hindi ako makakapangako," at ayaw ko rin naman talagang mangako!
Dismayadong tumango si Alfeo sa akin bago sumulyap sa mga kasama niya. Sumulyap din ako sa banda nila at nahuli silang may kung anong idinidikta kay Alfeo. I raised my brow. Hindi ibinaba kahit hinarap na ako ni Alfeo.
BINABASA MO ANG
Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)
Romance(COMPLETED) Sanja Acquenesse Lazarte is a femme fatale almost worshipped by those boys. Walang hindi nahuhumaling. Walang hindi baliw sa kanya. No one dares to ignore her. One command is all it takes for them to have their downfall. It is not her r...