Kabanata 38
Pauwi Na"She's a Fidallego..."
Nilingon ko si Ryleigh. Mukhang tapos na siya sa paghahanda ng spaghetti para sa mga bata at ngayon ay nagpupunas na ng kamay.
Sumulyap siya sa akin. Hindi rin nagtagal ang tingin dahil agad na bumalik ang mga mata niya sa batang kausap ni Jarrie sa sala.
"You don't know her?" I asked when he seemed like observing the girl.
Umiling siya. "Kilala ko siya."
Dinala ulit ng tingin sa akin. "She let Jarrie borrow her PE shirt so I knew..."
Napaisip ako sandali. The scene seems familiar.
"The shirt with S. Fidallego print?"
He nodded. Kumuha ako ng tray at nilagay na ang pagkain para sa dalawang bata. I was about to bring it when Ryleigh insisted. Tumango ako at hinayaan siya.
Nakitaan ko agad ng pagkamangha si Ryleigh nang nakauwi kami dala ang pamangkin niya. I thought he'd be surprised to see his niece pero mukhang masaya pa ito na makitang kasama ng anak namin.
Naputol ang kwentuhan ng dalawa nang matanaw kaming palapit. Jarrie is so happy to see what her father has prepared for them. Siyempre, mas magaling magluto si Ryleigh kesa sa akin kaya tanggap ko na na siya dapat ang pinagbibigyan ang anak namin pagdating sa pagkain. Tariah suggested spaghetti so Ryleigh cooked it for them.
"Thank you, Papa!" si Jarrie sabay lingon sa akin.
"Thank you, Mama!"
Hindi ko alam kung magiguilty ba ako o tatanggapin ang pasalamat ng anak. Well, I sliced the solid ingredients so I guess I deserve a share of her gratitude.
Ngumiti ako.
"You're welcome," malambing kong haplos sa buhok niya.
Ryleigh then glanced at me. Alam niyang nalilito pa rin ako kaya nang inaya ako ni Jarrie na maupo sa tabi niya, nangusap agad ang mga mata ni Ryleigh sa akin na sumunod sa kanya.
"Mama's gonna talk to Papa, first, Jarrie."
Hindi naman nagtanong at nagpumilit si Jarrie at tumango na lang para hayaan akong sumunod sa Papa niya. Tariah smiled at me before I turned my back at them and followed Ryleigh.
Nasa kusina ulit kami. Maganda na tanaw pa rin namin ang mga bata kaya kahit malayo man kami sa kanila, napagmamasdan ko pa rin si Tariah.
"Did you plan this, too?" wala sa sarili kong tanong sa kanya.
I heard him laugh a bit. "Ang alin, Sanja?"
Nanliliit ang mga mata ko saka siya nilingon, kunwaring naiirita.
He laughed his amusement off. Patalikod na sumandal sa counter bar ng kusina. Hindi pa rin siya pinapakawalan ng tingin ko. Ryleigh bit his lower lip as his arm gently crawled around my waist. At sa mahinang hila ay dinala ako sa tabi niya.
Humalukipkip ako at kalaunan ay sumandal din gaya niya.
"It was not my doing," balik niya sa nabiting usapan.
"Then whom?" ngumuso ako. "Alam mo ba kung gaano ako nabigla isang araw na nakita ko si Jarrie suot ang t-shirt na 'yon! That got me real scared, Rai!"
"Why would it scare you? Jarrie is a Fidallego," nilingon niya ako. "And you wore my shirt with my name before, Sanja."
Ayaw ko siyang lingunin. Nahihiya.
"Exactly! The scene triggered my memory but anyway," I snapped myself. "Kaninong anak si Tariah?"
BINABASA MO ANG
Whisper of Her Lies (Nayon Series 2)
Romance(COMPLETED) Sanja Acquenesse Lazarte is a femme fatale almost worshipped by those boys. Walang hindi nahuhumaling. Walang hindi baliw sa kanya. No one dares to ignore her. One command is all it takes for them to have their downfall. It is not her r...