CHAPTER 3: Her Ex Boyfriend
"Bakit mo ako dinala rito?" she asked me.
"Hindi ba dito ang bahay mo?" tanong ko.
"Dito nga," sabi niya sa akin. Ano bang nangyayari sa babaeng 'to? Ang gulo niya! "Teka!" tawag niya sa akin nang talikuran ko siya.
"What?"
"Salamat," sabi niya sa akin. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ito yata ang unang pagkakataon na nagpasalamat siya sa akin. "Walang klase bukas kaya pupunta ako sa bahay ninyo para turuan at tulungan ka. Sana may matutunan ka sa akin," sabay kindat niya at umalis nasa harap ko.
Ano kamo?!
Napairap ako at sumakay na sa kotse ko. Hindi niya naman alam kung saan 'yong bahay ko, eh. Bahala siya d'yan.
"How... How did you..." Hindi ako makapaniwala nang makita ko siya sa harapan ko nang sumunod na araw.
"Hi!" malakas na bati niya sa akin. Pumasok agad siya sa condo ko.
"Hey! How dare yo-" sigaw ko.
"Hala ka!" sigaw niya. "Bakit may boxer dito?!" sigaw niya.
Napasapo ako sa noo ko. Shit! Nagmamadali kasi akong magbihis kanina!
"Anong ginawa mo kanina?"makahulugang tanong niya sa akin habang naniningkit ang mata. Napailing siya at tumawa. "May dinala kang babae rito?" nauutal na pag-uusisa niya.
Bakit ba siya nauutal?
"Wala," mabilis na sagot ko. Bigla na lang siyang tumalikod sa akin.
"May lakad ka ngayon? Bihis na bihis ka, eh," puna niya.
"Actually, I have a date," sabi ko. Napatingin siya sa akin. Napatigil siya sa paglakad at tumingin sa
"Kung gano'n, hindi muna matutuloy ang pagtu-tutor ko sa'yo?" Tinanguan ko siya. "Okay, aalis na lang ak-"
"Okay," sabay thumbs up ko. Napailing na lang siya at umalis na sa harap ko.
May tumawag sa akin.
"Elias!" sigaw ni Josh mula sa cellphone.
"Bakit?!" ganting sigaw ko.
"Aray naman! Kailangan ka rito! Nandito sila Marco, magsisimula naman ng away!" sigaw niya.
Sabi ko na nga ba! Kainis! Kailangan ko pang pumunta sa dinner ng pamilya ko, eh. Pero bahala na! Baka mamaya maulit na naman 'yong nangyari kay Josh noon.
Kinuha ko ang coat ko at susi saka agad-agad na pumunta sa kotse ko. Bullshit.
"Fuck!" sigaw ko. Hindi ko ba alam pero umuulan na naman! Kainis talaga! Bigla na lang akong napatingin sa ibang dereksyon. Nakita ko si Jannelyn.
Payat nga siya pero bagay sa kaniya ang bagong gupit niyang buhok. May sinisipa siya at parang naiirita. Nang biglang dumaan ang isang kotse sa harapan niya ay natalsikan siya ng tubig ulan mula sa kalsada.
"Shit!" sigaw niya. Nasa harapan ko lang siya dahil sa traffic kaya naman dinig na dinig ko ang ingay niya. Ang bagal naman kasing umandar nitong kotseng nasa harapan ko!
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomanceYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...