CHAPTER 7: Quote
"Ano?" gulat na tanong ni Josh. "Nakakakilig na tula? Kaya ko 'yan! Paano ba 'yan?" Umiling ako dahil sa tanong niya kay Francine.
Bilog ang itsura ng upuan namin ngayon dahil sa sinabi ng teacher. Kagrupo ko si Kyle, Josh, Francine, Andrea, at Jannelyn. Hindi na rin ako nagulat na sa sobrang ingay ni Josh halos kanina pa pinapagalitan ng teacher namin.
Mabuti nga kagrupo namin si Jannelyn. Hinayaan ko silang apat habang nakatingin sa bintana. Ang ingay ni Jannelyn at Josh. Halatang ayaw nila sa isa't isa.
"Be swift to hear, slow to speak." Halos mabulunan ako sa sinabi ni Kyle kay Josh. Binilang ko kung nakailan na ba si Kyle na grabe kung makapagsalita. "Don't yell, Josh. Can you lower your voice?"mariing tugon ni Kyle.
"Pakialam mo ba, ha?" Umiling ako. "May pakialam sa pera? O sa oras?"
"Mayro'n."
"Sa tingin ko wala."
"Time is money," simpleng sagot ni Kyle.
"Paano mo naman nasabi?"
"It's Proverbs," sagot ni Kyle. "You, Halimbawa ng Proverbs?"
"Hmm... Ask no questions and you will be told no lies," sagot ni Josh. Tumawa si Jannelyn at inawat ang dalawa. Ano naman problema ng dalawang 'to? Parang mga bata!
"Hindi natin kailangan ang Proverbs! Quotes!" tumatawang sigaw ni Jannelyn. "Bingi ba kayong dalawa? Gusto ninyo ba dalawa na magdala pa ako ng speaker?!"
"Gagi, Jannelyn-ay President, hindi mo na kailangan sumigaw." Napailing ako habang nakatangin sa dalawa. Pinitik ni Jannelyn ang noo ni Josh. "Aray!"
"Gusto mo suntok?"
"Tumigil na nga kayo dalawa," awat ni Francine. Tumingin siya kay josh at pinandilatan 'to ng mata. "Humanap ka ng quotes, Josh."
"Sino partner ko?" takang tanong ni Josh.
"Si Jannelyn." May hawak si Francine at may binigay kay Kyle. Nginitian siya ni Kyle at umupo ulit.
"Hell, no! Ayaw ko sa kaniya!"
"Ayaw ko rin sa'yo, gago!" Siningkitan ni Josh si Jannelyn at nilingon si Francine na nakatitig sa kaniya. Alam kong may gusto talaga 'to si Francine kay Josh.
"Partner ko si Elias kung gano'n partner na lang kita, Josh... Okay lang ba sa'yo?" Napansin kong kinabahan siya.
"Partner tayong dalawa? Sige ba! Yehey!"
"Tsk." Umiling ako at napatingin kay Jannelyn na nakangiti sa sa dalawa.
"Bagay kayong dalawa," tugon ni Jannelyn. Lumaki ang mata ng dalawa at akward na tumawa. "Pakasal na kaya kayo?"
"Ni hindi pa nga nagiging sila, pakasal agad?" takang tanong ni Andrea na kababago lang dating.
"Pwede naman 'yon, kung okay lang sa kanilang dalawa. Ninang ako, ha?!" Tumawa nang malakas si Kyle at umiling. Tumayo si Kyle at hinarap si Andrea.
"Partner daw tayong dalawa." Ngumiti ang dalawa sa amin at nagpaalam. Umalis sila dalawa.
Nailang naman tumayo ang dalawa. Inirapan lang ng dalawa si Jannelyn.
"Hays! Tsk. Crush naman nila dalawa." Nilingon ako ni Jannelyn. Sinong kinakausap niya? "Partner daw tayong dalawa? Ay, alam ko na! Date na ba 'to sa susunod?" sigaw niya.
Kumunot ang noo ko. Paminsan-minsan hindi ko siya naiintindihan. Umiling ako at tumayo. Inayos ko ang upuan ko at umupo ulit. Nang natapos na ang pagtuturo ng teacher namin ay umalis na rin siya kaya uwian na.
***
Tumawa si Josh. "Mas gusto ko ng cake ayaw ko ng friend chicken! Ano ba 'yan? Manok? Tsk. Sawa na talaga ako sa manok."
Kanina pa nagrereklamo si Josh dahil puro mga manok ang ulam. Nandito sila sa bahay ko. Kasalanan ko ba? Alam ko naman na pupunta sila rito pero hindi ko alam na ayaw ng tukmol na 'to ng manok.
"H'wag ka nang mamili, Josh. May pang-ambag ka sa project?" Kinain ni Jannelyn ang kinuha niyang manok at nilingon si Josh na nagrereklamo. Nako!
"Anong project? Gumawa ng baby? Ay mayro'n ako niyan! Pero hindi ko ibibigay sayo." Umirap ang dalawa.
"Ayaw ko rin niyan, kay Francine mo ibigay." Namula naman ang ilong ni Francine at ang pisngi niya dahil sa sinabi ni Jannelyn. Tumayo si Josh at may kinuha sa bag niya, akmang itatapon 'yon kay Jannelyn.
Pero dumating na ang late.
"Saan kayo galing dalawa? Nag-date kayo, 'no?!" Umupo si Kyle sa harap ko at nakatingin kay Josh.
"Hoy, Josh. Bakit namumula 'yang ilong mo?" takang tanong ni Andrea.
Malamang kinilig.
Hindi sumagot si Josh at umupo na lang. Nang tapos na kaming kumain, pumasok kami sa library habang may hinahanap. Mahirap maghanap ng words na pwedeng maging tula. Bakit ba ganito pa ang project?
Umupo ako sa harapan ni Jannelyn na may ka-text. Binaba niya ang cellphone pero nag-beep naman ulit. Kinuha niya 'yon at napangiti pero bigla naman iyong napalitan ng pagkairita.
"Tsk. Fuck you, Marco." Narinig kong bulong niya. Kung gano'n si Marco ang ka-text niya? Umiwas ako ng tingin at nagbasa na lang. Sa gilid ng mata ko ay kita kong binaba niya na ang cellphone. "May nahanap ka na?" tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Tahimik ka yata ngayon, may problema ba?" tanong ni Kyle. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kinuha ko ang cellphone ko habang nakatitig doon.
Kailan kaya dadating si Daniel? Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanila kung nalaman nila na Kuya ko si Daniel at wala akong planong sabihin yon...
Mag sisinungaling na lang ako.
"Teka, si Daniel 'yon hindi ba?" takang tanong ni Andrea. Lumaki ang mata ko at napalingon sa likod ko. Halos gusto kong magmura! "Teka, anong ginagawa dito ni Daniel?" takang tanong ni Andrea.
Lumulunok ako at umiwas nang tingin pero sa pag-iwas ko ay napalingon lang ako kay Jannelyn na kumunot ang noo. Kinagat ko ang labi ko at tumayo.
"Wala rito si Daddy. May kailangan ka?"
"Hala ka!" komento ni Josh.
Please, Daniel ayaw kong sabihin na kapatid kita. Please magpanggap ka!
"Gano'n ba? Ha.." May halong pag-aalinlangan siyang ngumiti sa'kin at napabaling kina Jannelyn. "Hi, boys. Hi, girls... Okay then, aalis na lang ako." Umiling ako dahil sa sobrang galing niyang umarte!
"Oh, by the way, pakisabi na lang sa daddy mo, okay?" Tumango ako at naiilang na niyakap siya. "I'm sorry..." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ba dapat ako ang magsabi no'n?
Umalis na siya. Kinagat ko ang labi ko. Tama ba ang ginawa ko? Hindi ko alam kung paano ko ie-explain 'yon kay Daniel but...I shouldn't care about him. At isa pa, ayaw ko ng gulo. Ayaw kong maging katulad niya because I hate him.
:)
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomanceYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...