Chapter 14: Junjun
"So, you're saying na gusto mong umalis ako? Pero kata-transfer ko lang."
Nakaupo si Marco sa harap ko habang nakakagat-labi at nakatago ang mga kamay sa bulsa niya.
"Isa sa atin ang aalis sa school na 'to. Ikaw o ako."
Ngumisi siya. "But I don't. 'Di ba ikaw naman ang may ayaw sa school na 'to? Ikaw na lang kaya ang umalis?"
"So, hindi ako ang dahilan kung bakit nag-transfer ka rito?"
Tumango siya at tumayo.
"Yeap. I'm here because of Jannelyn. Pagbabayarin ko siya sa lahat."
Napangisi ako dahil sa sinabi niya. "Hindi ko alam na pumapatol ka na ngayon sa babae. At sa ex mo pa? Are you nuts?"
"What if I am?" tanong niya.
Lumapit siya habang nakakagat-labi. "You don't know me, Elias."
Napangiti ako sa kanya at mas lumapit.
"You don't know me too, Marco." Lumayo ako. "Tandaan mo 'tong sinabi ko. 'Yong sinabi ko kanina sa 'yo, warning na 'yon," tumitig ako sa kanya bago tumalikod.
"Nabalitaan kong pinasukan mansion niyo. Hindi kaya gusto niya talaga patayin ang tatay mo? Hindi pa rin ba nagbabago ang papa mo sa pagiging corrupt?" Kinagat ko ang labi para magpigil. "Mukhang kahit ang kuya mo, masama na-"
Natigil ito dahil sa suntok ko. Napatingin siya sa ibang direksyon. Kinuwelyuhan ko siya.
"Hanggang kailan ka ba ganiyan, ha? Ba't ka ba nangingialam, ha?!" sigaw ko.
Tumingin siya sa akin bago dinura ang dugo na lumabas sa bibig niya.
"Wag mong banggitin ang kuya ko sa marumi mong bibig, Marco," mariin kong saad.
Hinawi niya ang damit at tumingin sa akin nang matalim. "Ako lang ba ang marumi rito? Hindi ba kasalanan ng kuya at papa mo ang pagkamatay ni Junjun?!" sigaw niya. "Dahil sa 'yo, kinamuhian na kita! Dahil sa 'yo, namatay siya! Dahil sa 'yo! Dahil sa pamilya natin! At kasalanan mo yun!"
Umiwas ako bago siya tinalikuran. "Ikaw pa rin ang inaalala niya sa huli niyang hininga, Elias. At alam kong galit ka sa sarili mo pero hiindi mo kayang ipaglaban ang tama."
Humakbang ako palapit sa pintuan. "Hindi mo kayang ipaglaban ang tama."
Umalis na ako nang tuluyan. Umupo ako habang nakayuko. Pinikit ko ang mga mata ko.
"Ahhh!" rinig kong sigaw ni Marco.
"Okay ka lang?"
Napatakip ako sa bibig para pigilan ang paghikbi. Nagulat ako nang nakita ako ni Jannelyn na nakaupo sa harap niya.
"Anong nangyari? Bakit namumula ang mga mata mo?"
"Sinuntok ko ang ex mo, puntahan mo siya sa loob," bulong ko at tinalikuran si Jannelyn.
Tumigil ako sa paglalakad nang marinig kong bumukas ang pinto.
Lumingon ako sa likod at napatingin kina Jannelyn at Marco na nakatitig sa isa't isa.
"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ni Marco.
"Wala ka pa ring pinagbago, Marco," mariing saad ni Jannelyn.
May kinuha siya sa bag niya at binigay 'yong band aid. "Gamutin mo 'yang sugat mo. Hindi mo pa rin ba kayang ilagan ang lahat ng suntok palapit sa mukha mo? Gusto mo ba, turuan pa kita?!" sigaw niya.
"Jannelyn," tawag nito pero umalis na si Jannelyn at nilagpasan ako.
Nakatitig ako sa papel habang nag-di-discuss ang subject teacher namin. Hindi ko kayang aminin sa sarili ko kung kaya ko bang ipaglaban ang tama, takot ako na lahat ng pinaghirapan ko para lang maabot ang gusto ko ay hindi ko maabot.
Takot ako. Alam kong mahina ako pero sa mundong 'to, kailangan mo lang mag-isip, magtiwala sa sarili ko, pero hindi ko kayang gawin 'yon dahil kahit kailan walang nagtulak sa akin na ipaglaban ang gusto ko.
"Eli." Tumingala ako ko kay Jannelyn. Malamig ko siyang binalingan. "May itatanong lang ako."
Walang gana akong tumango. "Sinuntok ka ba ni Marco?"
Uminit ang ulo ko pero hindi ko pinahalata. "Bakit? Dahil ba natatakot kang isusumbong ko siya sa principal?" takang tanong ko.
Hindi na yata ako tama ngayon. Nagagalit ako dahil sa nangyari kanina sa amin ni Marco.
"Ganun ka ba talaga? Mahilig mangialam ng buhay ng ibang tao?""Hindi naman sa gano'n. Ayaw ko lang mag-away kayong dalawa." Tumayo ako at malamig siyang tinitigan.
"'Wag kang pahalata, Jannelyn na hanggang ngayon may pakialam ka parin kay Marco. Kung nag-aalala ka sa kanya, siya ang tanungin mo hindi ako." Nilagpasan ko siya.
"Ang pag-aalala ng isang tao, walang pinipili kahit sino pa 'yan. Wala akong pakialam sa away niyong dalawa. Pero kung sakali man sumali na ako, isa lang ang ibigsabihin no'n, isa sa inyong dalawa ang dapat kong iligtas." Napalingon ako sa kanya.
Tumawa ako. "Si Marco?"
Umiling siya.
"Edi sino? Ako? Ililigtas mo? Saan? Kay Marco? Kaya ko ang sarili ko," mariin kong tugon.
"Kung kaya mo ang sarili mo," Lumapit siya sa akin.
Sinira niya ang pagitan naming dalawa. Halos magsitayuan ang balahibo ko nang bumulong siya sa tainga ko. "Wag ka magpabugbog kahit kanino o kahit kay Marco."
Hindi ko mapigilang hindi mailang sa ginagawa niya.
"Dahil sa oras na nagpabugbog ka, sasabihin ko sa sarili mo na napakahina mo. Hindi mo kayang itama ang mali kung hindi mo kayang gawin yun. Tumakbo ka na lang na walang nakaaalam na tumakas ka."
Hindi ko siya naiintindihan. "Dahil kapag tumakas ka na, sasama ako. Nandito lang ako sa tabi mo," bulong niya.
Isang kurap lang nawala na siya sa paningin ko. Bakit ba gano'n 'yong babaeng yun? Hindi ko naman alam na siseryosohin niya ang sinabi ko. Wala akong planong magpabugbog kay Marco o kahit kanino.
"Elias, saan ka galing?" takang tanong ni Josh sa akin.
Hindi ko siya sinagot at napalingon kay Francine na matamis ang ngiti ngayon.
"Bat nakatitig sa girlfriend ko?"
"Maganda si Francine dude.."
"Ano?!"
Tumawa ako sa reaksiyon niya. "Easy, wala akong planong ligawan ang halukaret na 'yan."
"Dapat lang." Inirapan niya ako.
Nag-smirk ako at binalik ang atensiyon sa papel na hawak ko.
:)
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomanceYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...