40

48 27 5
                                    

Part 1 Of Epilogue


Wala naman talaga akong alam sa pagmamahal. Ang alam ko ay mag-aral at gawin kung anong gusto kong gawin noon pa. I'm 17 years old. Bata pa ako para makaranas ng mga bagay na hindi ko dapat maranasan. Bilang isang student, mahalaga sa akin ang magiging masaya kapag highschool ka na.







"Kailangan ko ng tulong mo, Wer. Please tulungan mo ako. Ayaw kong masaktan ang pamilya ko at mga kaibigan ko dahil sa nalaman ko," pagmamakaawa ni Junjun.





Hawak niya ang braso ko habang nakatalikod ako sa kanya. Takot na takot siyang baka saktan ang pamilya niya. Gusto niyang magtrabaho na lang sa amin at itago na lang nalaman niya sa amin. Mamamatay siya dahil sa nalaman tungkol sa amin. Kasama na rito ang pamilya niya.





15 years old palang ako. Hindi pa ako gano'n katalinong tao para magdesisyon sa buhay ko. Kaya ang ginagawa ko lang ang lahat ng inuutos ni tito sa akin.





Masaya nga kapag highschool na. Pero kapag iniisip ko ang lahat, kung bakit ako narito at kung bakit kailangan mag-aral nang mabuti.






Dahil sa lalaking 'yon. Dahil sa anak ng taong pumantay sa papa ko. Hindi nga ako tapat sa nararamdaman ko pero hindi ko alam kung may pagsasabihan ba ako ng totoo kong nararamdaman.





Pumayag ako sa gusto ni Junjun. Nag-aaral siya pero sa Mafia School. Lagi niya rin akong tinatanong kung anong balita kina Elias at Marco.






"Ikaw kaya ang magbantay sa kanila? Dinadamay mo pa ako." Pinagpag ko ang damit ko dahil sa naulanan ako kanina. Napairap na lang ako dahil malungkot ang mukha ni Junjun. Hindi siya pwedeng umalis. "Okay lang sila. Ayaw ko talaga kay Elias, mag-hire ka ng spy para may magsasabi sa'yo kung okay ba sila o nasa langit na," mariin kong saad.






"Jannelyn naman, wala akong pera at saka nag-aalala lang talaga ako. Siya nga pala, ano kaya kung maging tutor ka na lang ni Elias?" Umangat ang tingin ko habang diring-diri na nakatitig sa kanya. "Hindi ba sabi mo kailangan mo makalapit sa kanya? Ano ba talagang dahilan at kailangan mo makalapit kay Elias? Hindi kaya may gusto ka sa kanya?"





Napailing na lang ako at hindi siya sinagot sa mga ilusyon niyang walang katotohanan. Pero tama siya. Ang bobo ni Elias, halatang ayaw mag-aral baka mapalapit ako sa kanya kung magiging tutor niya ako.





"You will be his tutor, Salvador," wika ng principal.





Napangisi ako dahil pagtanggi niya. Tingnan na lang natin, kung kaya mo ba ang ako.

Bumaling ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Tinapat ko ito sa tenga bago nagsalita. "Hello po?" pormal kong turan habang nakatingin kay Elias na kausap si Vincent.





[Jannelyn, siguraduhin mo na hindi magka-cutting si Elias, ha?]





"Ako na po ang bahala, Mrs. Fedelin," paninigurado ko.




Tinago ko ang ngiti ko at sinundan ng tingin si Elias na ngayon ay iritadong pumasok sa kotse niya. Tumingin muna ako sa paligid bago tumalon sa building na second floor lang.





Pinagpag ko ang paldang suot bago tumakbo. Tumatawa lang ako hanggang sa nakuha ko na ang kotse niya. Napatingin ako sa taong  nakatayo sa harapan ko. Binigay ko ang susi sa kanya at pinapaalis ang kotse ni Elias sa harapan ko.





Naiirita ako sa mga gamit ng mayayaman.





Napangisi na lang ako dahil nakatayo si Elias at parang may hinihintay. Iniisip niya yata na dadaan ako kung sa'n siya dumaan kanina. Tumalon ako at napunta na sa building.





Living With Purpose (Young Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon