05

31 32 0
                                    

CHAPTER 5: Pretending

"Tapos?" mariin kong tanong.



"Alam ko na. Kaya hindi tayo pwedeng maging magkaibigan dahil hindi ka nakikinig!" sigaw niya sa akin.



"Is that part of the story?" tanong ko. Bumuga siya ng hangin at inirapan ako. Aba, gaga 'to, ah!



"Isang araw, nalaman na lang ng babae na wala lang pala para sa lalaki ang lahat ng ginawa niya, ang mga araw na magkasama at sabay silang kumakain. Lahat ng iyon ay laro lang pala para sa lalaki. At mas humigit ang gusto ng babae na bigyan ng leksyon ang lalaki," sabi niya. Ang nakangiti ang kaniyang mukha ay bigla na lang nalungkot. "Alam mo ba ang sunod na nangyari?" tanong niya sa akin.


Umiwas ako ng tingin. Mukhang ayaw niyang ikuwento ang kasunod kaya kinuha ko ang libro na binasa niya kanina at binasa 'to.


"Pinaibig ng babae ang lalaki. Hanggang sa isang araw, siya na mismo ang nahulog sa bitag na ginawa niya para sa lalaki. Alam ng babae na wala lang iyon para sa lalaki kaya..." Hindi niya na tinuloy.


"Hiniwalayan niya ang lalaki?" sabi ko. Napatingin ako sa kaniya. "Kung gano'n, bakit nakangiti ka kanina?" mahinahon kong tanong sa kaniya. Baka kasi hampasin na naman ako nito.


"Ang pagmamahal nila kasi ay nauna sa pagkakamali kay-" Hindi ko siya pinatapos.


"Kahit gusto kong tapusin mo ang kwento ay mas magandang huwag mo na lang ituloy," sabi ko. Tumayo ako at kinuha ang bag ko.


"Ha? Bakit?" tanong niya sa akin. "Ah, oo nga pala may dinner kayo ulit ng pamilya mo," sabi niya at tumango.


Ngumiti siya sa akin. Tumango ako. Alam ninyo ba kung bakit hindi ko pinatapos sa kaniya ang kwento? Gusto ko kasi na sa susunod naming pagkikita ay hindi na ako magbabasa ng ibang libro. Makikinig na lang ako ng kwentong nasa libro sa harapan niya kanina.


Mukhang hindi ako nahirapan ngayon, ah?

Pero... Ano kaya ang ending ng story na 'yon?

Hindi ko mapigilang hindi masaktan sa nakikita ko ngayon. Alam kong wala akong karapatang magalit sa kanila dahil kung titingnan, wala lang naman ako kay Daddy.


"Mas maganda 'yon!" sigaw ni Daddy sa akin. Hindi ko siya sinagot.


Lahat naman ng ginawa ko ay mali para sa kaniya. Sa tingin ko nga ay hindi niya ako tinuturing na anak. Dahil ba anak ako sa labas?

"Pa..." tawag ni Daniel sa kaniya.  "Tumigil na kayo," sabi niya.


Hindi ko ka narinig kung ano pa ang sinabi niya kay papa dahil umalis na ako sa harapan nilang dalawa. Wala akong pakialam dahil wala din naman silang pakialam sa akin. Paano nila malalaman ang gusto ko kung ayaw nila akong pakinggan?



Pumasok ako sa kwarto ko. Nakaupo ako sa kama ko. Tinapon ko ang bag ko roon at kinuha ang cellphone ko nang tumunog 'to.


Jannelyn:

Siya nga pala 'PRETENDING' ang title ng story na kinuwento ko sayo kanina.


Binalik ko ang cellphone ko sa bulsa at humiga na.


"Pretending," bulong ko.



Napag-isipan kong kailangan bang mag-pretend ng isang tao para matago ang nararamdaman niya? Kailangan ba 'yon? Hindi ko alam ang sagot kaya pinikit ko na lang ang mata ko. Pagod ako ngayon, ha?



Nagulat na lang ako nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya napaupo ako nang wala sa oras. Napabuntong-hininga ako nang makita kong si Daniel ang nagbukas no'n.



"Anong kailangan mo?" takang tanong ko. Lumapit siya sa akin bago umupo sa kama ko.


"Kumusta ka?" tanong niya sa akin. Alam ko nag-alala siya sa akin dahil sa nangyari kanina pero alam niya naman na galit ako sa kaniya. "Nabalitaan ko kay Josh na napaaway ka kay Marco. Niligtas daw kayo ni Jannelyn?" Nagulat ako sa sinabi niya.



"Kilala mo si Jannelyn?" naguguluhan kong tanong. Ngumiti siya at tinanguan ako.


"Oo, malamang kilala ko siya. Hindi ba siya ang President ng school ninyo?" nagtatakang tanong niya. Kaya pala... Tumango ako. "Matulog ka na. Ako na ang bahala kay Marco," sabi niya.



Naguhuluhan ako sa sinabi niya pero binalewala ko na lang 'yon. Natulog na ako. Pagkagising ko sa umaga, pumasok kaagad ako sa school at hindi na kumain. Alam ko nag-alala na naman si Manang pero ayaw ko talagang kumain.


Ang totoo niyan ay hindi talaga ako kumakain ng breakfast.


Pagpasok ko sa school, nakita ko si Jannelyn na natutulog. Ba't siya natutulog? Napailing ako bago umupo sa upuan ko.



"Jannelyn," tawag sa kaniya ng kaibigan niya na classmate rin naming dalawa.



"Hmm?" ungol niya at saka nag-angat ng tingin.



"Gising na," sabi sa kaniya ng babae. "Ba't ka ba puyat, ha?" tanong ng babae sa kaniya. Pero hindi na hinintay ang sagot nito dahil dumating na ang teacher namin.


Inikot niya ang mata niya. Nang nagtama ang tingin naming dalawa ay ngumiti siya sa akin. Binalewala ko lang 'yon at tumingin sa harapan kung saan nagdi-discuss ang teacher namin. Boring talaga ang Filipino.



Napailing ako at napalingon kay Jannelyn. Seryoso siyang nakatingin sa harap at parang may iniisip. Mahilig mag-aral 'to kaya wala talagang madaming kaibigan pero kilala naman siya rito dahil siya ang presidente rito sa school.





Pagmamay-ari ng pamilya ko ang school na 'to at alam kong wala ako sa parteng 'yon, dahil hindi ko sila pamilya kundi si mama lang.



Anak ako sa labas. Walang nakakalam no'n dahil tinago ng pamilya ko na anak ako sa labas at wala ring nakakalam na kapatid ko si Daniel dahil kahit siya ay tinago niyang pamilya niya kami.


Hindi ko alam ang lahat ng nangyari noon.


"Are you okay?" tanong sa akin ni Jannelyn. Nagulat ako nang nasa harapan ko siya. "Ipasa mo sa likod mo," sabi niya sa akin at may binigay na bond paper. Kinuha ko 'to at tumango sa kaniya.


Pinasa ko 'to sa likod ko. May test pala ngayon? Kumunot ang noo ko nang may nakita akong papel sa mesa ko.



             [Kung naiintindihan mo 'yong pinabasa ko sayo kahapon masasagot mo 'yan, Eli. Fighting!]



Napatingin ako kay Jannelyn. Nang nagtama ang mata namin ay kumindat siya sa akin. Nabasa ko naman kahapon  'yong pinabasa niya sa akin kaya baka may maintindihan naman ako at baka masagot ko 'to. Nang nasagot ko na ang lahat tumayo ako at pinasa ang papel do'n sa harapan.



Kumunot ang noo ko nang sabay lang kami ni Jannelyn magpasa. Nang nilagay na naming dalawa ang papel ay patalikod na nagsalita siya.



"Nasagot mo?" tanong niya sa akin. Tumango ako at umupo na sa upuan ko. Paglingon ko sa kaniya ngumiti siya sa akin at pinalakpakan ako nang mahina.



Umiwas ako nang tingin pero nakangiti ako nang palihim.



"'Yong mga tapos na umuwi na kayo," sabi ni Jannelyn. Tumayo ako at kinuha ang bag ko.

:)

Living With Purpose (Young Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon