13

25 30 0
                                    

Chapter 13: Curious

Flashback

“Fuck! Nasaan ba kayong lahat, ha?!” Sigaw ni papa habang matalim na nakatitig sa mga bodyguard namin. “Bakit nakapasok ang babaeng 'yon?!” sigaw niya ulit.





Halos sinira niya na ang lahat ng mga gamit na nasa loob ng office niya. 






Kung gano'n babae 'yon? Paano naging babae 'yon? Parang lalaki kung makangiti. Naguguluhan ako pero umayos lang ako ng upo. Ayaw ko sanang umuwi at mag-stay lang sa condo ko pero may ibibigay raw sa akin si Kuya.
Kaya nang maihatid si Josh sa bahay niya, umuwi ako pero paglabas ko ng kotse para pumasok sa malaking gate nagulat na lang ako nang parang may tumalon sa harap ko at nakita ko 'yong babae. Babae ba talaga siya? 





“Sir, hindi na mauulit 'yong nangyari. Hindi na po ulit makakapasok kahit sino rito sa opisina niyo." Nanginginig ang tauhan ni papa na nagsalita.
Napairap ako, parang hindi naman sila lalaki kapag nasa harap ni papa. 






“Stupid," bulong ko. 






“Mga bwisit kayo! Wala akong pakialam sa opisina ko! Paano na lang kung nasaktan ang anak ko, ha?! Nasa harapan siya ng bahay namin! At nasa harapan pa ng anak ko!” 






Napalingon ako kay papa. Ako ba 'yong sinasabi niya? Nag-aalala ba siya sa akin? Pero bakit? 
“Magaling siya! Kaya niyang patayin ang anak ko!” sigaw niya. “Elias!” Umikot ang mata ko nang tinawag niya ako. “Alam mo makipaglaban 'di ba?” tanong niya.






Walang gana akong tumango. 
“Simula ngayon, hindi ka aalis sa bahay nang mag-isa lang.”
Kumunot ang noo ko. Ano ako, bata?!







“Pero pa?!” sigaw ko. “Hindi ako bata! Hiindi ako batang babae!” 
“Alam ko. Kung ayaw mo, ito na lang. May bodyguard ka sa condo mo at may bodyguard na nakabantay sa likod mo. 'Wag kang mag-alala, hindi sila laging nakasunod,” saad ni papa. 






“Bakit ba kayo nagkakaganyan?” takang tanong ko.
Hindi siya sumagot. Umiling siya. Wala akong nagawa kundi umupo sa harapan niya. 






“'Yong bracelet, 'yon ang nawawala sa inyo?” mahinahong tanong ni kuya.



Tumango si Papa






“Sinira niya pa ang painting at kinuha ang bracelet."





Nag-aalalang tumingin sa akin si kuya. “I’m sorry, Elias.” 
Tumango na lang ako.





“Goodnight kuya.”
Lumingon ako kay papa. Napatitig din siya sa akin at tumalikod. “Good night, pa," bulong ko.






Sapat na para marinig niya.
Umalis na ako roon para hindi na marinig ang usapan nila. Wala si mama sa mansion. Umalis dahil may aasikasuhin daw at saka kapag nandito siya, lagi naman sila nag-aaway ni papa. Mas maganda may isa sa kanila dalawa ang umiwas. 
Napasandig ako malapit sa pintuan kung nasaan ang opisina ni papa. Kinagat ko ang labi at umiling. Napatayo ako nang makitang lumabas si kuya sa office room ni papa. Ngumiti siya, sumunod ako sa kanya sa kwarto niya. 





“What’s this?” I ask him.
Hawak ko ang bag na binigay niya sa akin. Hindi ito gano'n kabigat.







Nilingon ko si kuya na nakangisi sa harapan ko. “Kuya!” sigaw ko. 




“Just tell her about your feelings!” sigaw niya.





Naguguluhan ako sa kanya. 
“I don’t like her! What's wrong with you?!” sigaw ko.
Umupo ako at binuksan 'yong bag. Puro mga chocolates at rosas! Ano?! Manliligaw ba ako?!
“Oh my god," bulong ko at pinakita sa kanya ang panty na hawak ko.





Diring-diri pa akong nakahawak dito. 





“Mabango 'yan at bago. Gusto raw kasi ng mga babae na binibilhan sila ng panty." Nagkibit-balikat siya. 





“Oh my goodness!" Palihim akong nagmura. “I don’t like her nga, eh! Gosh! How could you…gosh!”




Hindi ako makapaniwala kay kuya! This is not him! I know him! 


“Oa mo, Gago. Umupo ka nga.”
Napailing ako dahil sa pagsasalita niya. Hindi nga siya marunong magmura!





"Kumain ka na?”
Tumango ako.




"Amoy alak ka, anyare sa 'yo?” 
Kumunot ang noo ko.





“Why are you acting like this?” takang tanong ko. 



“Like what?” 



“Your so weird," komento ko.
Umiling lang siya at tumawa.
“So, what about that painting? Sino nagbigay no'n kay papa?”
I asked.





“It’s your mom.”
Napatitig ako sa kanya habang nakakunot-noo. “Ang grandfather mo ang bumili no’n at niregalo niya sa mama mo. Bago mawala ang grandfather mo, binigay ‘yon ng mama mo kay dad. Dahil doon, mahalaga ‘yon kay tita,” sagot niya. “At mahalaga rin ‘yon kay dad because ang mama mo ang nagbigay no’n.” 






Tanging tango lang ang sagot ko.
“How about the bracelet?” 




“It’s yours,” sagot niya.





Umiwas siya ng tingin. 
“Wala akong na naaalala na may bracelet ako.” Kumunot ang noo ko. 






“I know, ireregalo dapat ‘yon ni daddy para sa ‘yo kapag nag-18 ka na. Importante ‘yon kay daddy, Elias.”






“So? Do you think ang trespasser ang kumuha no’n?”
Tumawa siya sa sinabi ko. Pero tumango pa rin ito





“I’m just curious talaga, paano naging babae ‘yon?” 




“I don’t know,” sagot niya




“I…nakita ko siya but I didn’t see her face.” 





“Is she beautiful?” 





“Hindi ko nga nakita ‘yong mukha niya!” sigaw ko kay kuya at binato siya ng unan.




Tumawa siya. Dinala ko yung binigay niya. Paalis na sana ako pero may narinig pa akong sigaw niya. 





“Ibigay mo ‘yan sa kanya! And tell her about your feelings!” sigaw niya. 




Gosh! Sumasakit ang ulo ko kay kuya! Hindi naman siya ganito! Baka siya ‘yong may gusto kay Jannelyn!





But… hindi sila bagay! And kuya is too old para kay Jannelyn! 
Umikot ang mata ko at napailing. 

    
               **********




“Anyare sa ‘yo? Bakit tulala ka?”
Lumaki ang mga mata ko. Halos magkadikit lang ang ilong namin ni Jannelyn! Napatitig ako sa kanya. Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.
“Ano bang iniisip mo, ha?!”
Nawala na lang ‘yong pagpapantasya ko sa kanya nang sigawan niya ako.





 
“Sino bang iniisip mo?” takang tanong niya. 






Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa harapan namin at nakatitig kay Jannelyn. Nilipat ko ang tingin sa babaeng kunot-noong nakatitig kay Marco.






“Marco,” bulong niya.


:)

Living With Purpose (Young Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon