CHAPTER 17: Moment of Jannelyn 'My Feelings'
Sa buhay ng isang tao, may mga bagay tayong kailangan aminin sa sarili. Hindi ko alam kung paano ko ba naamin sa sarili ko na nagustuhan ko na nga siya talaga, pero bakit ganito?
Naguguluhan pa rin ako. Dahil ba natatakot ako? O dahil wala akong alam sa nararamdaman niya? Gusto niya ba ako? Mahal niya ba ako? 'Yong nararamdaman ko ba nararamdaman niya rin?
'Yan ang laging tumatakbo sa utak ng mga tao kapag hindi nila alam ang nararamdaman ng taong gusto nila.
..
Pwedeng nag-assume lang sila dahil gusto nila 'yong tao, pero ang totoo niyan, nahihirapan ang mga tao sa lalabas na resulta dahil sa ginawa nila, sa naramdaman nila. Hindi mo kayang tanggapin ang bagay kung alam mong nasaktan ka na."Paano mo nasabi?" Hindi ako umiwas ng tingin kay Jannelyn. Nakatitig lang ako sa kaniya at gustong malaman ang tanong niya.
Umiwas siya ng tingin habang nakakagat sa labi. "Jannelyn..." tawag ko sa kaniya.
"May itatanong ako, Eli."
"What is it?" tanong ko. Hindi muna siya sumagot. "Hey..."Nakatingin siya sa akin pero bigla niya 'yon iniiwas.
"Ano sa tingin mo ang love?"Nagkibit-balikat ako. "I don't know," sabi ko.
"There a thing in 'love', Eli. Kapag nagmahal ka, masasaktan ka. Kapag nasaktan ka emotionally, hindi mo alam kung anong gagawin." Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Kung physically naman ang pag-uusapan, kaya kong saktan nang physical pero hindi ko makakayang saktan ka emotionally.."
"Hindi ko pa sinasagot ang tinanong mo kanina," sabi ko.
"Wala akong pakialam sa sagot mo, Eli, but please h'wag mo akong gustuhin, h'wag mo akong mahalin."
"Why?"
"Dalawa lang 'yan. Ang una, pwede kitang masaktan. Ang pangalawa, hindi ko masasalo ang pagmamahal mo sa 'kin. Kaya hangga't maaga pa pigilan mo na."
Hindi ko siya naiintindihan. Hindi na lang ako sumagot. Alam ko na ang sagot, she's still into Marco. Hindi ko alam kung bakit ko gusto magmukmok sa kwarto ko at hindi na gumising. Bakit parang naging bakla na ako?
Alam ko hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko pero bakit ako nasasaktan? Mahirap mabuhay sa mundo kung alam mong lagi kang nasasaktan. Wala na sa akin lahat, ang kayamanang mayro'n ako ngayon ay hindi naman sa akin, eh.. Sa papa ko 'yon, sa family ko, not mine.
Wala akong alam sa pagmamahal dahil kulang ako sa pagmamahal. But I know kung sigurado na ako sa nararamdaman ko kay Jannelyn, sisiguraduhin kong magiging akin siya. Hindi ko siya sasaktan tulad ng nangyari kina mama at papa.
Ayaw kong saktan siya. Becouse I love her, the way I love her, kaya kong gawin lahat para lang maging akin siya, I swear.
"No, I don't like you, Jannelyn."
Sa dulo, hindi ko kayang ipaglaban ang nararamdaman ko. Pero alam kong kapag sigurado na ako wala akong magagawa kundi sundin ang tinitibok ng puso ko.
"Mabuti nang sigurado," bulong niya kahit narinig ko naman.
"Okay na kayo ni Marco?" Tumango siya. "You're still into him," komento ko. Nagkibit-balikat siya sa sinabi ko.
Sa hindi niya pagsagot ay may parte sa dibdib ko ang parang kinurot. Hindi ko alam kung bakit ko ba 'to nararamdaman sa kaniya. Pero alam kong naramdaman ko na 'to.
Mali ba 'to?
Pagkatapos no'n hindi na kami nagsalitang dalawa, walang imikan.
Awkward ang atmosphere naming dalawa habang nasa library kami.
May mga taong nagbabasa, pero nakatitig ako sa kaniya habang siya'y nakakagat ng labi habang nakatitig sa libro na nasa harap niya.
Nang umuwi na ako, wala akong ginawa kundi tumingin lang sa cellphone ko para i-check kung nag-text si Jannelyn sa akin kanina.
Paggsing ko sa umaga hinahanap ko ang text niya, tungkol sa study naming dalawa kapag Sunday at Sabado.
Hindi rin talaga ako nag-aaral pero kapag nagagalit siya sa akin o anong gagawin niya para magbasa ako ulit wala akong magawa kundi gawin ang gusto niya.
Pagpasok sa school mas gusto kong nakikita ko siya kaysa absent siya, gusto kong maingay siya, na lagi niya akong pinapagalitan.
"Kainin kaya kita?" tanong niya sa akin.
Nakaharang ako sa kaniya habang umiiwas siya sa tingin ko. Nag-smirk ako bago siya bigyan ng daanan. Alam ko kinabahan ako do'n pero nakaya ko pa rin na lumapit sa kaniya
"Sapakin kita diyan." Babatukan niya sana ako.
Tinaas ko ang kilay ko. 'Yan ang gusto ko, Jannelyn, kahit hindi mo alam ang nararamdaman ko alam ko mararamdaman mo rin 'to. Kung paano ako kabahan kapag malapit ka.
"Tumakbo ka na gago." Sabay irap niya sa akin.
"Nauna na ang puso ko tumakbo, Jannelyn," tugon ko. Kumunot ang noo niya sa akin.
"Nauna na? Saan lumabas? Sa titi mo?" Naguguluhan niyang tanong.
"Bad word. Tsk." Inirapan niya lang ako.
Tumakbo na lang ako habang nakatayo lang si Jannelyn at pinapatakbo ang mga kaklase namin. Napatigil ako sa pagtakbo nang may humarang sa dadaanan ko.
Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang principal na nakatitig sa akin.
Umiwas ako ng tingin at nilingon sila Jannelyn na nakangisi sa akin.
"Hindi ka pumasok nung Friday, Elias. Nakipag-away ka pa sa mga taga-ibang school..." panimula ng principal.
"It's not my fault. Sila ang nauna." Pinakita ko 'yong sugat ko sa bandang leeg. "Ayan nakita ninyo? Ang dami ng sugat ko!"
"Hindi ka ganito noon..." Kumunot ang noo ko sa principal. "Hindi ka nagpapaliwanag kahit kasalanan mo o hindi. What happened to you? You changed." Umiwas lang ako ng tingin. "Simula nang naging tutor mo si Jannelyn hindi ka na nakapunta sa opisina ko para mapagbuntunan kita ng galit ko."
Hindi ko na lang siya pinansin. "I also want you to change, Elias. Sana gano'n ka na lang palagi..." bulong niya.
"Anong nangyari?" bungad sa akin ni Jannelyn pagkalabas ko ng office ng principal.
Kumunot lang ang noo niya habang naghihintay sa isasagot ko. Napalipat ang tingin ko kay Marco na nakatayo rin sa harap ko.
"This." Binigay ko kay Jannelyn 'yong bag ko na puno ng bond paper. "Ubusin daw natin."
"Ha?" takang tanong Jannelyn. "Ano?!" sigaw niya. "Ano? I regret na tinulungan kita!" sigaw niya.
Napangiti na lang ako dahil sa sama ng tingin ni Jannelyn sa akin.
:)
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomanceYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...