CHAPTER 10: Elementary School
Kinagat ko ang labi ko at umupo malapit sa pintuan na kaharap ko ngayon. Halos magwala na kanina si Jannelyn dahil sa mga walang kwentang sinasabi ni Josh.
Ayaw talaga nila ang isa't isa. Hindi ko lang alam kung dadating ba 'yong araw na halos kakailanganin nila ang isa't isa.
"Umupo ka na nga!" sigaw ni Jannelyn. Napakamot si Josh sa ulo niya at umupo.
Bakit parang magkatulad sila ng ugali? Umismid ako at napatingin sa pintuan nang may pumasok doon.
"Jannelyn Salvador and Elias Fedelin, sumunod kayo sa akin."
"Kami na..." bulong ko. Tumayo ako at napalingon kay Jannelyn na may dala-dalang bag.
Lumapit siya sa akin at may binigay. Binigay niya 'yong kailangan ko.
"Tara?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang para sumunod sa teacher. "Goodluck sa'yo, Andrea! Goodluck sa inyong lahat!" sigaw niya.
"Para namang hindi sila magkikita mamaya..." bulong ko.
Inirapan ko siya at pumasok sa malaking van. Partner ko siya kaya naman papunta kami sa ibang school.
Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko do'n pero napapayag ako ni Jannelyn! Wala talaga akong ganang kausap siya pero paminsan-minsan hinahanap ko siya kapag boring ako.
Umupo ako at tumabi naman si Jannelyn sa akin. Nginitian niya ako. Napalingon ako nang parang may sasabihin siya dahil kinalabit niya ako. Tinaas ko ang kilay ko.
"Uhm... Eli, pwedeng diyan ako malapit sa bintana?" Umiling ako. "Eh, kasi naiinitan ako, baka kung anong mangyari sa akin..." Kumunot ang noo ko nang nag-puppy eyes siya. Gagi! Hindi bagay! Umiling pa rin ako pero nagulat ako nang umupo siya sa legs ko!
"Hoy!" sigaw ko. Napalingon naman ang mga kaklase namin dahil sa sigaw ko. "Anong ginagawa mo?" madiin kong tanong. Gagi!
Umurong na lang tuloy ako para makaupo siya malapit sa bintana. Kaninis!
"Salamat, Eli..." Nag-peace sign pa ang gaga! Umirap ako at umayos na ng upo. Bwisit!Kahapon pa ako nagtataka. Lahat ng tao "Elias" ang tawag sa'kin, samantalang itong isang 'to ay
"Eli." Tunog pangalan ng babae!"We're here!" sigaw ni Jannelyn sa mga kasabay namin sa van.
Parang bata...Kinuha ko na lang ang gamit ko sa kabilang van at hinintay siya. Ayaw kong ka-partner siya! Ang problema nga lang, hindi ako makatanggi dahil sa ugok na principal na 'yon!
"Ay, sorry nakalimutan kita..." Napangiwi ako sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at sumunod sa teacher ng ibang school. "Eli, nakalimutan mo, oh!" Sabay lahad niya sa akin no'ng cellphone ko.
"Salamat..." Tumango siya. Nabigla ako nang hawakan niya ang braso ko. May sinulat siya na
'Jaeli!' "Ano yan?!" sigaw ko.
"Pangalan ng anak natin." Nanlaki ang mata ko! "Hanapin mo 'yong gano'ng pangalan sa Grade 3, Section Sunflower. May hahanapin din ako na bata, dalian mo." Pinandilatan niya pa ako nang mata. "May 30 minutes ka lang..."
Umirap ako. "Ikaw, may isa ka na lang, papatayin na talaga kita," madiin kong tugon. Tinaas niya ang kilay niya at umiling lang habang tumatawa! Tinalikuran niya ako.
Mayabang din talaga ang babaeng 'yon! Matalino kasi! Tsk, porket presidente sa school namin, mayabang na!
Umiling ako at naglakad. Nilagay ko ang gamit ko kung saan ako nakaupo.Nakatingin ako sa mga building ng mga elementary habang kumakain ng burger. Kinagat ko ang labi ko nang mapansin ko ang nakatayong batang babae sa harapan ko.
"Anong pangalan mo, Kuya?"
Kumunot ang noo ko pero sinagot ko pa rin siya."Eli–I mean, Elias. Elias Fedelin." Umiwas ako ng tingin. Nilingon ko siya at kumagat sa burger ko. "Bakit?"
"Kamukha ninyo kasi 'yong idol ko..."
"Sino?"
"Si Daniel Juarez..." Napangiti ako.
"Lumapit ka.." Umupo siya sa tabi ko at nginitian ako. Binigay ko sa kaniya ang isa kong burger."Anong pangalan mo?"
"Jaeli..."
Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. "Anong grade ka na?"
"Grade 3 Section Sunflower..." Binuo niya! "Kuya, taga-ibang school ba kayo? Highschool po?" Tumango ako.
"Halika..." Hinawakan ko ang kamay niya at kinuha ang bag na dala ko. May kinuha ako sa bulsa ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. "Ano?!" pasigaw kong tanong.
"Bakit ka ba sumigaw, ha?!" sumigaw rin siya. "Nasaan ka na? Nahanap mo na? Nahanap ko na 'yong batang ki-kidnap-in ko..." Nagbiro pa talaga. Hindi ba siya nag-aalalang baka matakot sa kaniya 'yong bata?
"Oo..." Tumingin ako sa batang babae na nakangiti sa akin habang hawak ang burger na binigay ko kanina sa kaniya. Nginitian ko siya. Ang gaan ng loob ko sa mga bata. "Bakit?"
"Close ka ba sa mga bata?" Lumaki ang mata ko nang may nagsalita sa likod ko at alam kong boses 'yon ni Jannelyn. Napalingon ako sa kaniya at napatingin sa batang kasama niya. "Siya si Shark. Shark Rodriguez..." Tumango ako.
Nakakatawa naman 'yong pangalan niya. Ang dami namang ibang pangalan kaya bakit Shark pa ang naisip ng nagpangalan sa kaniya?
Napatigil ako sa pagtawa nang mapansing nakatitig na sa'kin nang masama 'yong bata. Tinaasan ko siya ng kilay at saka nilingon si Jannelyn na ngiting-ngiti sa batang kasama ko.
"Jaeli pangalan mo 'di ba?" tanong ni Jannelyn. Tumango 'yong batang babae. "Anong apelyido mo?"
"Salvador..." Lumaki ang mata ko. Kumunot ang noo ko nang ngumisi si Jannelyn.
"Pinsan ko siya, pero ngayon lang kami nagkita..." Tumango ako. "Maglalaro tayong apat. Sa pagkakaalam ko magaling daw kayo maglaro sa bolo?"
Hinayaan ko na lang siya habang kausap 'yong dalawang bata. Natigil 'yon nang dumating ang teacher.Tumayo ako at ako na lang ang nagdala ng mga gamit ni Jannelyn dahil utos ng Gaga! Gagi! Bakit ba ganito 'tong babae na 'to? Kaya niya lang akong utos-utusan!
"Pating, kunin mo nga 'yong bag ko..." Kumunot ang noo ng bata sa akin. Nakatitig lang siya sa akin at umiling. Hinintay ko na kunin niya 'yong bag ko na nasa tabi niya pero hindi niya kinuha! "Hoy, Pating!" sigaw ko.
Napayuko ako nang bigla akong sapakin ni Jannelyn sa ulo at tumabi sa sa akin. Anong?! "Shark ang pangalan niya, gago.." Inirapan ko siya,
Wala akong ginawa nang ilang minuto. Nang umupo siya ulit sa tabi ko matapos umalis saglit kanina ay hinila ko ang bangko niya kaya napaupo siya sa lupa.
Malakas akong tumawa. Napatigil 'yon nang samaan ako ng tingin ni Jaeli. Grabe makatingin, ha?"Bad kayo, Kuya. Bad..." Mas malakas tumawa si Jannelyn sa akin dahil binalaan pa ako ni Shark! Pinagtulungan pa ako!
"Tsk..." Napairap na lang ako.
:)
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomanceYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...