CHAPTER 11: Selos
Kumunot ang noo ko nang makitang sinapak ng isang matangkad na bata ang batang kausap niya.
Highschool na 'yong matangkad na bata. Nakatitig lang siya at saka nagsalita pero nang dumaan na naman 'yong galit niya, nanapak na naman!
Lumapit ako sa kanila nang sapakin niya ulit 'yong bata.
Hinuli ko na ang kamay niya na siyang kinagulat niya. Nagulat din 'yong bata at 'yong mga kasama niya.
Napalingon ako sa matangkad na lalaki na ngayon ay nakakunot na ang noo.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya.
Marahas niyang tinabig ang kamay ko at saka ako tiningnan nang masama. Mukhang galit na nga talaga siya!
"H'wag ka ngang mangialam! Sino ka ba, ha?" Kung pakikinggan ang tono ng pananalita niya ay mahahalatang galit na nga siya. "Kapatid ko siya kaya may karapatan akong pagalitan siya..."
"Alam ko, pero hindi ko alam na kailangan mo pang saktan ang kapatid mo," tugon ni Jannelyn. Napalingon ako kay Jannelyn nang magsalita siya. Sino ba ang kinakausap nitong bata? Ako o siya? At saka akala ko ba mamaya pa siya dadating?
"Tinanong ba kita? Halika na, Steven!" sabay hila niya sa kapatid. "Mga pakialamero!"
"Tsk..." Napairap si Jannelyn. "Naalala ko ang sarli ko sa kaniya. Gano'n din kasi ako sa kapatid ko noon. Lagi kong sinasaktan kapatid ko." Ngumiti siya sa akin. Sinong nagtanong? "Eli, ngayon ko lang naramdaman ang ganito..."
"Ano?" Napaatras ako nang unti-unti siyang lumapit sa akin."Ano bang ginagawa mo?" Ano bang nangyari sa akin? Bakit ako nauutal? Gagi! Para akong bakla!
"Pakiramdam ko gwapo ka sa malapitan..." Mangiinsulto lang pala! Tumayo ako nang maayos.
"Kung gano'n, pangit ako sa malayo?" Tumango siya at tumawa. "Gaga ka ba?"
Tumawa lang siya nang malakas."Ba't ka nauutal kanina?" Bakas ang pang-aasar sa boses niya. Hindi ako sumagot at umiwas lang ng tingin. Bwisit 'to!
Lumapit si Jaeli at may sinabi kay Jannelyn. Tumango naman siya at sumunod sa bata.
Napayuko naman ako nang maalala ko 'yong ginawa ni Jannelyn sa akin. Bakit parang kapag lalapit siya kinakabahan ako? At saka ngayon lang 'to nangyari sa akin! Bakla ba ako?!
Kainis! Hindi naman ako bakla, hindi ba? Paano ko nasasabi na bakla ako kung kay Jannelyn ko lang 'to nararamdaman? Ang kabahan kapag malapit siya sa akin? Hindi kaya...Ano?! Hindi 'yon pwede! Gagi! Hindi. Hindi. Hindi pwedeng mangyari 'yon! At saka kapag nangyari 'yong iniisip ko, alam ko...wala namang kasiguraduhan.
Umiling ako at napalingon kina Jannelyn. Kasama niya ang dalawang bata na abala sa paglalaro.
Hindi ko dapat maramdaman 'yon.
"Ano?" Tumaas ang kilay ko kay Pating nang mapansing nakatitig siya sa akin. Umiling siya at ngumiti kay Jaeli. Umupo ako sa tabi ni Pating at kinuha ang tubig ko sa bag ko.
"Hello, highschool students. Masaya kami na ang elementary school namin ang pinili ninyo..." rinig kong panimula ng emcee. "Pumunta kayo sa basketball court at isama ninyo na 'yong mga bata na pinili ninyo..." Hindi na ako nakinig pa.
Bigla na lang akong naduwal dahil sa sapak ni Josh sa akin. Bakit naman kaya ako sinasaktan? Sinamaan ko ng tingin si Josh.
"Elias, blooming ka ngayon, ha?" sabi ni Andrea.
"Gwapo lang talaga ako," pagmamayabang ko. Kumunot ang noo niya at tumawa.
"Gagi, mas gwapo sa'yo si Daniel Juarez." Mas tumawa pa siya.
"Ah gano'n?" tanong ko. Nilingon ko si Jaeli at pinalapit siya sa tabi ko. Umupo ang bata sa tabi ko. "Jaeli, sino nga ang kamukha ko?" malambing na tanong ko.
"'Yong idol ko!" mabilis niyang sagot.
"Sino 'yon?" takang tanong ni Josh.
"Si Daniel Juarez," sagot ni Jaeli. Nilingon ko si Andrea at nag-smirk.
"Gagi!" pagmumura niya at saka kumuha ng unan para ibato sa akin. "Ang yabang mo, gago!" sigaw niya.
Tumawa ako at pinabalik na si Jaeli sa tabi ni Jannelyn. Baka mamaya kasi ay kung anu-ano pa ang matutunan ni Jaeli na masasamang salita mula kay Andrea.
"Bad ka, Ate..." tugon ni Jaeli at lumapit na kay Jannelyn. Tumawa kami nina Jannelyn dahil sa sinabi ni Jaeli. Sinamaan ako ng tingin ni Andrea.
"Ang cute no'ng bata. Anong pangalan niya?" tanong ni Kyle.
"Jaeli..." sagot ko at tumigil sa pagtawa
"Parang katunog ng pangalan ninyo ni Jannelyn..." Napalingon ako sa kaniya. "Jannelyn, 'Ja'...Elias, 'Eli'." Bahagyang nanlaki ang mata ko. "Jaeli..." pagbuo niya sa pangalan.
Iniiwas ko ang tingin ko at napalingon kay Jannelyn na nakangiti at namumula 'yong pisngi. May gusto ba siya kay Kyle? Kaya pumula 'yong pisngi niya? Umiling ako at tumayo.
"Saan ka pupunta, Eli?" tanong ni Jannelyn.
"Ay, sana all may nickname!" sigaw ni Josh.
"Tara na." Hinawakan ko ang kamay niya. Mas hinigpitan ko 'yon nang magpaalam pa siya kay Kyle. Hawak ko lang ang braso niya habang naglalakad kami.
"Holding hands na lang kaya tayo?" Napalingon ako sa kaniya at lumaki ang mata ko. "Bitiwan mo nga ako!" Iniwas ko ang tingin ko.
"Ang arte..." bulong ko pero mas okay 'yon kung maririnig niya.
Hinawakan ko ang kamay ni Jaeli at tumalikod sa kaniya. "Dito ka umupo, Jannelyn," mariin kong sabi nang makita kong magkatabi sila ni Kyle sa upuan.
Kumunot ang noo niya pero sinunod niya pa rin. Umupo siya sa tabi ko at umurong naman si Jaeli.
"Anong problema? Galit ka ba sa akin?" Umiling ako
Nakakunot pa rin ang noo niya at nilingon sina Jaeli na nakangiti sa harap niya at si Kyle na nakangiti rin sa kaniya. Tumawa rin si Jannelyn dahil sa ginawa ni Kyle.
"Jaeli, mamaya na yan," sabi ko kay Jaeli. "Humarap ka na Kyle..."
Tumaas ang kilay ni Kyle pero nginitian niya lang si Jaeli at si Jannelyn. Kumunot ang noo ko nang ngumisi si Jannelyn sa kaniya.
Pakiramdam ko may gusto sila sa isa't-isa. Umiwas ako ng tingin at nakinig na lang sa teacher.
"Bakit ka nandiyan?" takang tanong ko kay Jannelyn nang makitang katabi na niya si Kyle.
Napababa ang tingin ko sa pagkain nila. Halos magkapareho sila ng kinuha na pagkain. Maputi rin 'yong damit ni Jannelyn at gano'n din 'yong kay Kyle.
"Anong problema?" tanong ni Jannelyn. "Dito ka sa tabi ko." Hindi ako umupo kung saan niya ako pinapaupo. Umupo ako sa gitna nila ni Kyle! "Aray!" reklamo niya.
"Kumain ka na."
"Nagseselos ka ba?" Nagulat ako sa tanong ni Josh.
:)
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomanceYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...