CHAPTER 4: Thank you
"Ikaw pala 'yan, Jannelyn," sabi ni Marco. Tumayo siya nang maayos at nilagay niya ang kaniyang kamay sa bulsa. "Wala ka pa ring pinagbago," sabi niya.
"Ikaw rin," sabi niya. "Ano bang nangyayari at ba't mo sila pinapabugbog?" tanong ni Jannelyn.
Ngumiti si Marco at tumingin sa akin habang hawak ako ni Josh at pilit na tumatayo. "Tanungin mo ang lalaking 'yan," tugon ni Marco at saka tumingin kay Jannelyn.
Sinamaan niya ng tingin si marco. "Kilala kita Marco, kaya h'wag mo akong lokohin." Napatingin sa akin si Jannelyn. Napalitan 'to ng pag-aalala. "Hindi ako makikialam sa away ninyo pero pwede bang pakawalan mo muna sila?" tanong niya kay Marco.
Tumango si Marco. Umirap si Jannelyn at lumapit sa akin. "Okay ka lang?" tanong niya kay josh. Tumingin sa akin si Jannelyn. "Okay ka lang?" Puno ng pag-aalala ang mukha niya. Tumango na lang ako at nakahinga naman siya nang maayos. "Tara na," sabi niya.
Naglakad kami papunta sa malaking gate. Nakatingin sa amin si Marco at ang mga kasama niya. Palapit na kami sa gate pero parang palapit na rin kami kay Marco.
"Hintay lang," sabi ni Marco. Hawak pa rin ni Jannelyn ang braso ko at pinatong niya 'yon sa likod niya habang hawak ang kabila kong bewang. "Hindi pa tayo tapos, Eli." Masama ang tingin niya sa akin at gano'n din ang ginanti ko. Napatingin siya kay Jannelyn. Hinaplos niya ang mukha ni Jannelyn at nilapit ang mukha niya rito. "Ang bango pa rin ng hininga mo," sabi niya. Binitiwan niya na ang baba ni Jannelyn. "Bye, my love!" sigaw ni Marco nang nakalabas na kami.
Nang marating namin ang kotse ko ay ako na ang una nilang ipinasok. Sumunod naman agad si Josh at si Jannelyn naman ang nagprisintang magmaneho.
"Magkakilala kayo?" tanong niya. Tumango ako. "Ex-boyfriend ko siya. Fifteen pa lang ako no'n kaya kung nagtataka kayo kung paano ko natutunang makipaglaban, siya ang nagturo sa akin. Pero siya rin ang dahilan kung bakit..."
"Nagkahiway kayo?" tanong ko. Tumango siya sa akin. "Mayro'n lang kaming hindi pagkakaintindihan." Iyon ang sinabi ko kahit alam kong tatanungin niya.
"Ahhh..." tango niya. "Saan? Sa hospital o sa condo mo?" tanong niya.
Napangiti ako dahil mukhang alam niya na talaga ang papunta sa condo ko. Matalino nga siya. Hindi na ako magtataka kung bakit siya ang president ng buong school namin.
Napatingin ako sa kaniya at inirapan siya kaya natawa lang ang gaga! Nang malapit na kami sa condo ko, tinigil muna ni Jannelyn ang kotse.
"Bibili lang ako ng gamot at noodles," sabi niya. Tumango ako.
Pagkatapos no'n ay nakarating na rin kami sa condo ko. Nakatulog na si Josh sa kotse ko. Ginamot lang ni Jannelyn ang sugat niya at pinakuha ko na sa bodyguard.
Nang makaalis na si Josh ay ako naman ang ginamot niya. Nakahiga ako sa kama ko habang pinipikit ang mga mata ko dahil sa sakit.
"Dapat sinabi mo sa akin," sabi niya. Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kaniya habang siya naman ay ginagamot ang sugat sa bibig ko. "Hindi na rin ako nagtaka kung bakit ayaw sa'yo ni Marco," sabi niya. Mukhang insulto 'yon, ah?!
"Hindi na rin ako nagtaka kung bakit kayo naghiwalay ni Marco, dahil napakainga-ARAY!" Napasigaw ako nang diinan niya ang sugat ko. "Masakit!" sigaw ko. Tumawa lang siya habang ginagamot ang bibig ko.
Pinakain niya ako ng noodles. "Salamat kanina," sabi ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Tumawa lang siya sa akin.
"'Yan ang kauna-unahang beses na nagpasalamat ka, Eli," sabi niya. Nilapag niya ang dala niyang panyo sa mesa. "Anong plano mo ngayon?" tanong niya.
Hindi ko alam. Hindi ko na siya sinagot.
"Aalis na ako," sabi niya sa akin. Tumango lang ako.
"Pumunta ka rito bukas," sabi ko. Kumunot ang noo niya sa akin. "Tungkol sa pagtuturo mo sa akin," sabi ko. Ngumiti siya sa akin habang tumatango-tango.
"Sige, magpahinga ka na," sabi niya sa akin. Kahit alam kong hindi kami gano'n ka-close at hindi kami magkaibigan alam ko pa ring siya pa rin si Jannelyn, ang babaeng kinaaayawan ko sa lahat.
Kinabukasan, nagising ako nang maaga. Nagulat na lang ako dahil pagbukas ko ng pintuan ay nando'n si Jannelyn.
"Kakatok na sana ako," sabi niya. "Nakalimutan ko 'yong cellphone ko rito," sabi niya.
Pinapasok ko na siya. Kinuha niya lang naman ang cellphone niya at lumabas na kami para kumain sa labas. Pumunta lang kami sa Jollibee. Inabot kami nang twenty minutes do'n at pumunta na kami sa library para mag-aral.
"Teka, ito ba 'yong..." Hindi siya makapaniwaka dahil sa nakita niyang libro. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Ito 'yong sikat na libro ngayon!" sigaw niya.
Umalis siya sa harapan ko habang hawak-hawak ang libro na nagustuhan niya.
"Wow!" sabi niya at nakatingin pa rin sa hawak na libro. Hawak ko ang libro na pinababasa niya sa akin habang siya ay nakangiti sa harap ng libro.
Napabuntong-hininga ako. "Nakakasakit ang mga libro sa ulo. Kaya ayaw ko nito, eh," sabi ko. Nagulat na lang ako nang makitang nakatingin na pala siya sa akin. "What?!" tanong ko.
"Basahin mo 'yan" madiin niyang utos. Nakakainis talaga 'tong babaeng 'to. Ang sarap sapakin! Hayst!
Padabog kong binuksan ang librong nasa harapan ko. Masama naman ang tingin ang natanggap ko mula sa kaniya. Nagbasa lang ako hanggang sa ma-gets ko kung anong binasa ko.
"Gets mo na?" tanong niya sa akin.
"Ikaw, gets mo na rin ba? Pinagbasa mo lang ako habang nakangiti ka riyan sa librong kaharap mo."
Nag-peace sign siya sa akin bago bumili ng makakain namin. Tumawa lang siya dahil sa mga sinasabi ko. Hindi ko alam na ganito 'tong babaeng 'to. Mas joyful pa kung mas kasama mo siya.
"Ano ba 'yang binabasa mo?" naguguluhan kong tanong. Napalingon siya sa akin nang dahil sa tanong ko. Nginitian niya ako bago kinuha ang book na binabasa niya kanina.
"Tungkol 'to sa love..." Halata sa mukha niya ang kilig habang nagsasalita.
"Anong kwento?" tanong ko habang nakasandal sa upuan ko.
"Sige, ikukwento ko sa'yo," sabi niya. Umayos siya ng upo. "Isang araw, may isang lalaki na ang pangalan ay Jun. Mabait 'yong lalaki pero may pagka-playboy. Kahit anong gusto niya, nakukuha niya. Pero may isang bagay na hindi niya makuha, ang pag-ibig ng babaeng mahal niya. Alam naman ng babae na pinaglalaruan lang siya ng lalaki..."
"Then?"
"Tinanggap ng babae ang pag-ibig ng lalaki. Pero hindi naman alam ng lalaki na katulad niya ay naglalaro lang din ang babae. Isang pagsubok 'to para sa lalaki para bigyan siya ng leksiyon ng babae na hindi na manakit pa ng ibang babae," sabi niya.
"Kung gano'n, ba't ka ngumingiti-ngiti sa librong 'yan?!" sigaw ko. Nagulat siya sa sigaw ko, pero mas nagulat ako nang ihampas niya sa ulo ko ang hawak niyang libro!
"Makinig ka kaya muna?! Hindi ko pa natapos ang kwento!" sigaw niya at pinaupo ako ulit.
Inis akong umupo dahil sa hampas niya kanina sa ulo ko. Naiinis talaga ako sa babaeng 'to.
_____________________________________________________________________________
:)
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomantikYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...