09

30 30 0
                                    

Chapter 9: Jannelyn Salvador




Kasama ko si kuya habang naglalaro kami ng basketball. Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos dahil bigla na lang akong inimbitahan ni kuya na gusto niyang maglaro kami ng basketball.





"Hi, Daniel!" kumunot ang noo ko dahil narito si Jannelyn na kararating lang. Halatang nag-make up ang gaga.






"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. "Hoyyy!!" sigaw ko nang tinalikuran niya ako at pumunta kay Daniel.





Kumunot ang noo ko nang nag-smirk si kuya! Teka, anong...





Lumapit ako at may binigay kay Jannelyn. Kumunot ang noo niya sa akin.





"Jannelyn, ibili mo nga ako ng soft drinks." utos ko.






"Bwisit ka," bulong niya at tumingin kay Daniel. "Coke o Pepsi?"





"Coke," sagot ko.



"Diet o regular?" Binalingan ko siya pero nakangiti si kuya sa harap namin. Alangan namang maging rude ako sa babaeng 'to sa harap ni kuya?





"Regular," diin kong tugon.




"Bote o in can?"


Nagtataka akong tumingin sa kanya. Bakit ang dami niyang tanong?!





"Bote," sagot ko at kinuha ang tubig sa bag ko pero wala nang laman 'yon!




"8 oz o litro?"





"Bakit ang dami mong tanong?!" sigaw ko. "Punyeta tubig na nga lang!" sigaw ko.





"Mineral o distilled?"





Napatawa ako dahil sa dami ng tanong! Ano ba 'to?! Ganito ba 'tong babeng 'to? Uhaw na ako!




"Mineral," sagot ko.




"Malamig o hindi?"



"Gagi! Hayop ka!" Tinapunan ko siya ng bag ko pero umiwas ang gaga kaya natamaan si kuya! Tumawa lang si kuya at inis akong napabaling kay Jannelyn na tumatawa rin.


"Baka o kambing?!" tumawa pa!




"Bwisit ka! Alis!" sigaw ko.





Tumawa siya at tinalikuran ako. Bumili na yata. Napabaling ako kay kuya na tumatawang nasa harapan ko. Umupo siya at Uminom sa tubig niya. Uhaw na kaya ako! Gusto yata ni Jannelyn na mamatay ako sa uhaw!





"She's cute, you like her?"





"Hindi!" sigaw ko.




Kumunot ang noo ko nang malakas itong tumawa.



"Remember what I told you, Elias? Don't be assuming. Dahil sa pagiging assume-ero mo mabibiktima ka."




"Ng ano? Ng bagyo?" pilosopo kong tanong.





Tumawa siya at kinuha ang bag niya.





"Aalis na ako. Take care of yourself, my brother." Tumango ako at niyakap siya. Pag-alis niya sakay ng kotse saktong dumating si Jannelyn na mukhang may hinahanap.





Living With Purpose (Young Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon