Chapter 24 : To be
Nakatayo lang ako sa harapan nang tree house habang nakatitig dito. Wala parin pinagbago maganda parin tingnan. Hindi parin nagbabago ang tree house na ginawa namin tatlo.
Ang bahay ng kung saan kami pupunta kapag may problema kami tatlo. Aalis kapag may bibili nang pagkain, aalis kapag gustong maglaro nang basketball na magkakasama kami tatlo. Hindi ko nakalimutan ang lahat na nakasa ko si Junjun.
Napakahalaga niya sa buhay ko, kay Marco, sa pamilya niya. Hindi ko alam yung babaeng laging dumadalo kay Marco na kailangang niyang may karamay ay di Jannelyn pala yun. Bata pa kami nun kaya medyo hindi ko talaga naalala ang mukha niya at nililigawan siya ni Junjun nun...yun ang sinabi niya sa akin.
"Oh, andito ka pala, Eli!" Kumunot ang noo ko at napalingon ako sa likod ko. Lumaki ang mata ko na nakita ko si Jannelyn na nakatayo sa harap ko at may dala nang mga bag. Parang nahihirapan siya. "Tulungan mo ako!" Sigaw niya.
Lumapit ako at kinuha ang ibang bag na malaki. "Bigat nito ha? Para saan ba 'to?" Nagugulahan kong tanong.
"Wag mong itanong yan sa akin. Sa kanya." May tinuro siya sa likod namin at napatingin naman ako nun. Si Marco ang tinutukoy niya. "Dalian natin. Ang init! Wow, ang ganda nang tree house ha?! Wala parin pinagbago!" Sigaw niya.
"Ha? Nakapunta ka na dito?" Talang tanong ko.
Tumango siya. "Dito kami nagde date ni Marco noon kase daw dito ang favorite place niya. Kanino ba 'tong tree house? Parang professional ang gumawa ha?" Takang tanong niya.
"Kaming tatlo." Sagot ni Marco. "Let's go." Tumango ako at tinulungan si Jannelyn.
"Ha? Tatlo? Sino yung isa?" Nagugulahan niyang tanong." Ah! Si Junjun..." Binulong niya yung huling salita kahit rinig ko naman.
Nilagay ko na yung mga gamit at bag kung sana gusto ni Marco ilagay ang mga yun. Wala siyang ginawa kundi laging pagalitan si Jannelyn.
"Bakit ba kase diyan mo nilagay?!" Sigaw niya. Nakangiti ako habang inaayos ang tent na binili ni Marco para kay Jannelyn. Nilingon ko sila parang mga bata, aso at pusa. Ewan ang ingay nila.
Padabog tinapon ni Jannelyn ang uling sa ibang dereksyon. "Kung ikaw kaya gumawa?! Kanina ka pa, ha?! Konti ka na lang, Marco susuntukin na kita!" Sabay dirty finger ni Jannelyn sa mukha ni Marco.
"Bastos yan! Isusumbong kita sa boyfriend mo!" Sabay turo ni Marco kay Jannelyn na parang gulat na gulat. "Halaka!" Sigaw niya. Nagulat nga talaga siya.
"Sige! Isumbong mo! Wala naman ako boyfriend!" Sabay irap niya.
"Elias! Fuck you daw sabi ni Jannelyn!" Tumawa lang ako at muling nilingon si Jannelyn na nakatingin nang masama kay Marco ngayon.
"Aba. Gago to, ah!" Sigaw niya.
Hinayaan ko na lang sila at nagsimula nang gumawa nang apoy para mag luto nang kanin. Pagbalik nila dalawa nagulat na lang ako na walang nangyari sa dalawa. Pero si Marco halata wala sa mood at ganun din si Jannelyn pero nang nakita niya ako biglang ngumiti at lumapit sa akin.
"Marunong ka pala mag saing, Eli?" Nagugulahan niyang tanong sa akin. Tumango ako. "Wow. Congrats." Sabay palakpak niya. Sinamaan ko siya nang tingin at di na pinansin.
"Ano 'to? Marshmallow? Bakit ang konti lang?" Nagugulahan tanong ni Jannelyn.
"Meron sa bag ko. Kunin mo na lang." Ngumiti sa akin si Jannelyn nang sinabi ko yun. Umalis na siya. Napalingon ako kay Marco na katabi ko ngayon at sinusunog yung marshmallow na kakainin niya.
Nang naluto na yung akin inabot ko sakanya. "Here." Tumango siya at kinain yun. Inikot ko ang ulo ko para makita ang kabuuan nang tree house at ang paligid nang labas kung saan kami naka upo ngayon ni Marco.
May kandila sa tree na para kay Junjun lang talaga. May mga pagkain dun. Hindi ako pumupunta sa cementery para bisitahin si Junjun kung sana siya naka libing. Dito lang ako pumupunta pero kapag pumupunta ako dito sa ganung araw kung kailan namatay si Junjun may mga flower ang puno ni Junjun at kandila na isa.
Paminsan naman dumagdag nang dalawa o tatlo. Basta ang sigurado ako nun si Marco ang isa sa mga nun.
"May ibibigay pala ako sayo, Elias.." Napalingon ako kay Marco na ngayon nagsalita na rin. Napataas ang kilay ko sa isang box na bigay niya sa akin. "Gift yan sayo ni Junjun. Para sa birthday mo sana yan kaso....sorry.."
Umiling ako. "Wala kang kasalanan. Bakit ka nag so-sorry?"
"Hindi ko alam. Sinisi kita kasi ang alam ko ang kuya ni ang pumatay kay Junjun. Sorry sa lahat nang ginawa ko."
"Anong sinasabi mo?" Nagugulahan kong tanong.
"Hindi ang Kuya mo ang nakasagasa kay Junjun, Eli." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Kung ganun sino?" Nagugulahan kong tanong. Hindi siya nag salita. "Sino ang nakasagasa sa kanya?" Tanong ko.
Sasagot na sa siya pero biglang sumingit si Jannelyn sa harapan namin ni Marco. "Anong pinag uusapan niyo?" Nagugulahan niyang tanong sa amin dalawa ni Marco.
Hindi nagsalita si Marco at kumain na lang nang marshmallow na hindi naluluto. Okay lang naman yun kahit di na dinig ang marshmallow.
"Eli, bakit madami ang marshmallow mo?" Tanong niya.
Ngumiti ako. "Favorite ni Junjun ang marshmallow." Sagot ko. Tumango siya at kumain. "Iwanan mo ako." Bilin ko. Umirap lang siya. Tumawa na lang ako at uminom nang tubig.
"Matutulog na ako." Tumayo si Jannelyn. "Good night sa inyong dalawa. Sa tree house ako natutulog ha?" Pipigilan ko pa sana siya pero hindi ko na lang ginawa.
May pag-uusapan pa kami ni Marco tungkol kay Junjun. Nakatingin lang siya sa apoy at malalim ang iniisip. May iniisip na malalim parang hindi gusto itago ang nararamdaman.
"Marco." Tawag ko sa kanya. Napalingon siya sa akin. "Yung tinanong ko kanina.." Umiwas siya nang tingin at nakatingin lang sa ibang dereksyon.
"Elias, may itatanong ako."
"Ano yun?" Tanong ko.
"Gusto mo ba si Jannelyn?" Nagulat ako sa tanong niya.
Pero tumango parin ako. "Oo, gusto ko siya. Gustong gusto." Tugon ko. "Bakit mo natanong?" Talang tanong ko.
"Ang sumagasa kay Junjun Elias ay si Jannelyn." Tugon niya.
_______________________________________________________________________________
:)
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomantikYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...