16

26 28 0
                                    

Chapter 16: App 'Tarot Life's

"Eli?"


Napalingon ako kay Jannelyn na nakatayo sa harapan ko. Umupo siya sa tabi ko habang may hawak na cellphone.


"Naniniwala ka sa Tarot?"



Nagkibit-balikat ako. "'Di ko alam. Bakit mo natanong?"



"Gusto mo i-try?" Pinakita niya 'yong cellphone niyang may app na Tarot Life.




Tumango ako.


"Elias Fedelin. July 19, 1998." Sabay pindot niya sa cellphone.



Nang may lumabas na. "Life path number, 8. Destiny number, 11. Maturity number, 1. Personality number, 22." Tumango ako habang nakatitig sa kanya na nagbabasa sa cellphone.




"Ikaw magbasa." Binigay niya 'yong cellphone niya sa akin.



Tinanggap ko ito at binasa ang nakasulat sa cellphone niya. Kumunot ang noo ko. "You are a person with great vision ang high ambition," hindi ko na tinapos at binigay 'yong cellphone sa kanya.



"Bakit? Ayaw mo ba? Maganda naman 'yong feedback, ah?" takang tanong niya.



"I don't know, Jannelyn. I just- hindi rin ako naniniwala riyan."



"Alam ko naman. Pero maganda nga ang feedback ng tarot sa'yo, oh," sabi niya. "Tingnan nga natin 'yong positive aspects of your personality."


"Independent, Ability to judge, Inspirational, Confident, and wow! Goal oriented and ambitious! Grabe!" nakangiti siya sa harap ko. "'Yong negative naman." Tumango lang ako habang nakakagat-labi.



"Dictatorial, too materialistic, isolated," natawa ito. "Disapprove other's opinion. Ano 'to? Obsessed? Obsessed ka? Saan?"



Hindi ko siya sinagot."Gagi, baka niloloko lang ako nito, ha?"


"App 'yan, Jannelyn. Kung gusto mo ng totoo, magpahula ka." Kinuha ko cellphone niya at t-in-ype 'yong pangalan at birthday niya sa Tarot Life.



"Life path number, 9-" 'di ko 'yon natapos dahil kinuha niya ang cellphone sa kamay ko.



"Tsk. Padaan!" sigaw niya kay Josh.



Tumawa ako dahil sa asal niya. Napalingon ako kay Josh na malagkit na makatingin.


"Ano yun? Aguy!" Pinisil ni Francine ang pisngi niya at pinalo siya sa ulo.

Tumawa ako.

...

Jannelyn Salvador

October 17, 1998

Life path number- 9
Destiny number- 7
Maturity number- 7
Personality number-4

Positive aspects of your personality

Compassion and generous- check
Trustworthy- check
Humanitarian- check
Friendly- check
Selfless- check

Negative aspects of your personality

Lack personal ambition
Oversensitive
Dissatisfied
Probe to suffering because of others
Inability to face competition


'Yan ang nabasa ko sa cellphone ko, pagkatapos mag-download ng Tarot Life.

"She's good," napangiti ako.

Napalingon ako kay Jannelyn na nakangiti sa cellphone niya.

"So, ano? Nagustuhan niyo ba ang Tarot Life?" tanong nang reacher namin.

I bit my lower lip. Hindi mo kailangan ang anumang bagay para malaman ang mga mangayayari sa buhay mo, you just want to know. Pero kung ang resulta ay hindi mo tanggap, mao-offend ka.

"Ano ba naman 'to?" Nilingon ko si Josh na nakatitig sa cellphone niya.

"Supportive? Ako na 'yon! Creative! Wow! Tsk. Sabi ko na nga ba," nakangiti siya sa harap ng cellphone pero bigla na lang kumunot ang noo niya. "Non-committal? Ano?! Self-absorbed? Tsk. Idealistic. Ano ba naman 'to?" Inilapag niya ang cellphone sa mesa niya.

Tumawa lang si Francine sa asal niya.

"Ang pangit ng buhay mo, Josh," saad ko.

"Ikaw nga rin, eh. Obsessed? Saan ka obsessed? Baka sa baka?"tuumawa siya nang malakas.

"Okay na rin 'yon kahit papaano, Josh. Birth chart, major challenge in life. Wow, saan ka na-challenge?" barumbadong tanong ni Jannelyn habang nang-aasar na nakatingin kay Josh.

"Sapakin kaya kita?" sumama ang tingin ni Francine kay Josh.

"Si Marco kaya?" takang tanong ni Jannelyn sa sarili.

Umiwas ako ng tingin at napalingon kay Marco na natutulog sa likuran.
"'Wag kayong maingay, ha?" malakas na tumawa si Jannelyn sa harapan namin.

"Optimistic, social and open, creative, expressive. Parang hindi si Marco ang sinasabi rito, eh." Umiling si Jannelyn. "Slow thinker," natawa ito. "Mahina pala ang utak ni Marco," dahil sa tawa niya, nagising si Marco.

"Wala ka na bang nagawa sa buhay mo, Jannelyn at dinamay mo pa ako?" takang tanong ni Marco.

Pinigilan kong tumawa.

"Akin na 'yang cellphone mo."

Hindi siya pinansin ni Jannelyn at bigla na lang tumakbo.

"Okay na yata sila dalawa," rinig kong bulong ni Andrea kay Francine.

Napaiwas ako ng tingin at tumitig sa cellphone kung saan lumabas 'yong kay Jannelyn sa App Tarot.

Nang natapos na ang klase, umuwi na kami. Si kuya ang sumundo sa akin kasi may lakad kaming dalawa. Sinandal ko ang likod sa kotse ni kuya habang umiinom ng soft drinks.

"How's school?" tanong ni kuya.

"It's okay," sagot ko.

"Ano, nasabi mo na?" Umiling ako. "Tell her, Elias, you should tell her."

Hindi ko siya sinagot.

Umiwas ako ng tingin. I bit my lower lip. Bakit ko gagawin 'yon? Hindi ko pa nga alam kung gusto ko talaga siya.

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Alam kong pwedeng magustuhan ko si Jannelyn, pero ang bilis naman yata. Hindi ka dapat nag-aalala sa sarili mo kung alam mong ikaw lang ang nahihirapan.

"May problema ba?" takang tanong sa akin ni Jannelyn.

Umiling ako habang nakatitig sa libro na pinabasa niya sa akin. "Eli..."

"Hmm?" Lumayo ako ng konti nang lumapit siya sa akin.

"Bat ka lumalayo?" takang tanong niya.

"Don't."

Lalapit pa sana siya sa akin.

Kumunot ang noo niya. Ayaw komg lumapit siya sa akin. Baka naman nagugustuhan ko lang ang pagkatao niya pero hindi siya.

Matapang, mabait, at matalinong babae. Kung ang isang katulad niyang babae ang magiging para sa 'kin, hindi ko alam kung paano ko siya aalagaan.

"May gusto ka ba sa akin?"

Lumaki ang mata ko. Nakatingin lang ako sa kaniya. Pinoproseso ang sinabi nito. Pakiramdam ko nahuli ako sa nararamdaman ko. Pero ano bang dapat kong sabihin?

Tatanggi o umamin na lang?

Living With Purpose (Young Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon