CHAPTER 6: Lunch Bag
"Eli! Hintayin mo ako, ha?" tanong ni Josh sa akin. Sasagutin ko sana siya nang magsalita si Vincent.
"Galingan mo," sabi ni Vincent. Kaya hindi ko na sinagot si Josh at umalis na sa harapan niya habang tumawa kami ni Vincent.
"Hoy!" sigaw niya nang nasa pintuan na kami. "Kainis!" sigaw niya kay Jannelyn.
"Mag-aral ka kasi," Iyon ang huli kong narinig. Ngumiti lang ako.
Tumambay ako sa gym habang umiinom ng Royal at nakatingin sa naglalakad na mga babae at lalaki.
"Hoy!" sigaw nang babaeng nasa likod ko. Napalingon ako at nalamang si Jannelyn pala ang nasa likod ko. "Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," sabi niya at umupo sa harap ko.
Hindi ko na siya pinansin at pinatuloy lang ang pagkakain. Gusto ko sanang kumain nang kanin at ulam dahil sa gutom na naramdaman ko ngayon. Hinawakan ko ang aking tiyan.
"Gutom ka pero umiinom ka ng soft drinks?" naguguluhang tanong ni Jannelyn. Napalingon ako sakaniya. Paano niya nalaman? "Heto, kainin mo 'to." Binigay niya sa akin ang pagkain na nasa harapan niya.
"Wag na," sabi ko.
"Gusto mong subuan pa kita?" takang tanong niya sa akin. Kumuha siya ng kutsara at nilagyan 'to ng manok at isusubo na sana sa akin pero kinuha ko na 'to.
"Ako na. Salamat," sabi ko.
"Ay. Marunong ka pala
magpasalamat?" barumbado niyang tanong.
Nakatitig lang siya sa akin habang kumakain ako. Hindi ako makakain nang maayos dahil sa titig ng babaeng 'to.
"Masarap ba?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot at binilisan na lang kumain.
"Jannelyn!" sigaw ng isang babaeng tumatakbo. Tumayo si Jannelyn at pinagpag niya ang likod niya.
"Bakit?" tanong niya.
Tumigil ang babae sa harap niya at napatingin sa akin. Kumain na lang ako.
"May naghahanap sayo," sabi nang babae.
"Sino?" takang tanong ni Jannelyn.
"Hindi ko alam pero Marco daw ang pangalan niya," sabi ng babae.
Napaubo ako at napatingin naman sa akin si Jannelyn na hindi mapakali.
"Anong ginagawa ni Marco rito?" tanong niya sa kaniyang sarili pero nakatingin sa akin.
Iniwas ko ang tingin ko. Wala akong nagawa kundi tumayo at puntahan na lang si Marco. Kumunot ang noo ko nang hinawakan ni Jannelyn ang braso ko. Tumaas ang kilay ko sa kaniya.
"Ako na ang harap sa kaniya kaya dito ka muna," sabi niya. Magsasalita na sana ako nang nagsalita siya. "Gutom ka kanina at uminom ka ng soft drinks siguradong sasakit ang tiyan mo kapag makipag-away ka pa sa kaniya," sabi niya.
Umiling ako. "Sasabihin ko na lang na absent ka. At saka sinabi ko naman sa kaniya na hindi ako makikialam sa away ninyong dalawa pero nasa school kayong dalawa at ako ang nasusunod dito," sabi niya.
"Sige na, Eli. Ayaw ko ng gulo." Tumango na lang ako. Nagmamadali siyang umalis.
"Hoy!" Kumunot ang noo ko kay Josh na ngayon lang dumating. "Close na kayong dalawa ni Jannelyn?" tanong niya.
"Hindi," sabi ko. Tumango siya habang ang mga mata niya nakatingin lang sa akin. "Bahala ka!" sabi ko. Umupo ako at pinagpatuloy na ang pagkain.
"Sayo 'yan? Hindi ba hindi ka nagbabaon?" tanong niya habang naniningkit ang mata.
"Nawawala ang mata mo," sabi ko. Tumawa siya sa akin.
"Oh, Vincent!" tawag ni Josh kay Vincent. Napalingon ako kay Vincent na kumakain ng lolipop. Lumapit siya sa amin ni Josh.
"Nakita ko si Marco. Puntahan natin? Hindi ko muna siya hinarap mukhang naghahanap ng gulo, eh," sabi niya sa akin.
"Wag na," sabi ko. "Si Jannelyn na ang bahala sa kaniya," sabi ko. Tumango na lang silang dalawa at sumunod sa akin habang dala-dala ko ang baon ni Jannelyn.
"Hala ka!" sigaw ni Josh. Napalingon ako sa kaniya na parang titig na titig siya sa likod ko. Napalingon ako sa likod ko.
"Marco!" sigaw ni Jannelyn kay Marco. "Anong ginagawa mo?!" sigaw niya.
"Nasa'n siya?! Ba't mo siya tinatago?!" sigaw ni Marco. Napalingon lang ang mga estudyante sa kanilang dalawa.
"Sino bang hinahanap mo, ha?!" sigaw ni Jannelyn.
"'Yong lalaking pinalit mo sa akin!" sigaw ni Marco. Akala ko ano. Ako lang pala ang hinahanap ng lalaking 'to. Medyo OA.
"Tangina!" Lumapit si Jannelyn kay Marco at... SINUNTOK?! "Kung ayaw mo umalis dito sa school namin, sisipain kita!" sigaw ni Jannelyn.
"Wala ka pa rin pinagbago," sabi ni Marco at umiling. Napalingon siya sa lahat ng student hanggang sa magtama ang tingin namin. Lumapit siya sa akin. Ano na naman kailangan nito, ha?
"Dito ka pala nag-aaral, Elias?" tanong niya sa akin. Oo, may problema ka?
Umirap ako at iniwan siya roon. "Hey, wait!" Hinila niya ang braso ko at sinuntok ako.
"Tangina! Marco, anong problema mo, ha?!" sigaw ni Jannelyn kay Marco.
Napalingon ako kay Marco na nakatingin kay Jannelyn. "Babalik ka sa akin, Jannelyn. I promise that," sabi ni Marco at umalis na.
Tanginang 'yon! Hindi ako nakaganti. Binalingan ko si Jannelyn na nakatingin sa akin. Umirap ako. Gagi! Kainis! Hindi ako nagpapasuntok sa kahit sino kung alam ko wala akong kasalanan!
"Elias, I'm sorry..."
"Bitiwan mo ako!" sigaw ko. Nagulat siya sa sigaw ko pero bigla na lang siyang umiwas ng tingin. Binitiwan niya ang braso ko at tumalikod.
"Tara na?" Tumango ako kay Josh at pumasok sa room. Nakatayo sa harap si Jannelyn habang may kausap na babaeng classmate namin. "Siya nga pala, ayaw mo nang kumain? Sayang 'to, oh! Sino ba nagbigay nito?" naguguluhan niyang tanong.
Oo, nga pala! Napalingon ako kay Jannelyn na nakatingin din pala sa akin pero biglang umiwas at umupo sa upuan niya. Binigyan niya ako ng pagkain pero hindi man lang ako nanghingi ng sorry sa kaniya dahil sumigaw ako kanina! Naging harsh na ba ako?
"Si Jannelyn," tugon ko.
"Ano? Si President ang nagbigay sa'yo nito?! Bakit niya gagawin 'yon?! Hala ka! May gusto siya sa'yo?!"
"Kailangan ba talagang sumigaw, Josh?" Napalingon ako kay Kyle na nakatingin sa lunch bag na hawak ni Josh. Umiling ako at tumayo na lang, kinuha ko ang lunch bag na hawak ni Josh. "Anong gagawin mo riyan?"
"Kakain? Itatapon? Ano?! Ahhh! Isauli! Tama ba?" Tumawa ang mga classmates namin sa kaniya dahil sa sigaw niya. "Hi, girls!" sabay lingun kay Francine. Kinindatan niya si Francine.
Kumunot ang noo ko nang makitang namula ang ilong ni Francine at umiwas ng tingin. Teka, anong nangyari?
:)
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomanceYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...