Chapter 38: Gun
Nakatalikod ako sa bahay ni Andrea habang nakatakip ang bibig. Hindi ako makahinga. Bakit ganito? Bakit ko kailangan masaktan dahil lang sa mga kasinungalingan ni Jannelyn?
Bakit ko kailangan maghirap nang ganito? Bakit ngayon ko lang naalala ang lahat? Bakit huli na? Hindi ba ako pwede maging masaya?
Naglakad-lakad ako at tumigil ulit.
Napaupo ako at hindi makapagsalita.
Tangina! Nasa'n na ba 'yong kotse ko?! Nababasa na ako ng ulan! Tinatakpan ko ang bibig ko kahit umaagos ang luha sa mga mata ko. Naiinis talaga ako! Nakakainis! Nasasaktan ako. Bakit?
"Elias?"
Nag-angat ako ng tingin sa taong nagsalita sa harapan ko. Laking gulat ko nang si Junjun 'yon.
"Si Jannelyn? N-nasaan siya?" bakas sa mata niya ang pag-alala.
May payong siyang dala at nakakunot ang noo.
Napailing ako dahil isa rin siyang sinungaling. Kaibigan at girlfriend ko, bakit? Bakit sila nagsinungaling sa akin?! Tumayo ako at matalim na tumingin dito.
"Si Jannelyn, nasaan?" Nag-alala ang kanyang boses.
Hindi ako sumagot at umiling na lang saka ito nilagpasan. Kinagat ko ang labi at napalingon sa kanya nang hawakan nito ang kamay ko. Nagpumiglas ako at matalim na tumingin sa kanya.
"Elias? A-anong problema? Nakita mo ba si Jannelyn? Pumunta siya rito para puntahan ka. Nakita mo ba siya?" tanong niya. "Hinahanap kanya at nag-alala na siya sa'yo. Saka anong ginagawa mo rito sa bahay ni Andrea?"
"Hindi ko alam kung nasa'n siya at 'wag mo nang banggitin ang pangalan niya sa akin," sabi ko.
Tinalikuran ko siya at yumuko. Napaangat ang tingin ko nang humarang ito.
"May problema ba?" tanong niya. "Si jannelyn, sigurado akong pumunta siya rito para kunin ka. Hindi mo ba siya kasama?" tanong niya. "Nag away ba kayo?"
"Jun, nagsinungaling ka rin ba?" tanong ko. "Sabihin mo sa akin, ano ba talagang dahilan kung bakit nagpapanggap kang patay na tatlong taon ang nakalilipas?"
Umiwas siya ng tingin. "May rason ako. Kailangan kong gawin 'yon. Dahil kung hindi, baka madamay kayo ni Marco. Kailangan kong gawin ang mga bagay na ikasasakit niyo." Napailing siya. "Alam kong alam mo na ang lahat. Sinabi sa'yo ni Andrea, 'di ba? Elias, masasaktan ka nga dahil sa nalaman mo pero hindi mo ba naisip na mas lalong masasaktan si Jannelyn dahil sinaktan ka niya?"
"Hindi ko kasalanan ang lahat. Siya ang nagsimula nito! Bakit siya masasaktan?! Hindi niya ba ako inisip nang ginagawa niya 'yon?!" sigaw ko.
Umatras ako at hindi na makapagsalita.
"Anong gagawin ko ngayon ha, Elias? Sabihin mo sa akin anong gagawin ko para mawala ang sakit?"
Napalingon ako kay Jannelyn na ngayon ay nababasa na rin ng ulan.
"Jannelyn!" sigaw ni Junjun. Lumapit siya rito. Pinayungan niya ito kaya siya naman ngayon ang nababasa. "A-ano bang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Junjun kay Jannelyn.
"Sabihin mo sa akin, anong gagawin ko, ha?" tanong ni Jannelyn.
Napailing ako.
"Sinungaling ka. Napakasinungaling mo! Ang sama ma mo, Jannelyn. Hindi ko kayang lunukin ang kasinungalingan mo!" sigaw ko. "Bakit ka narito ka, ha? Ano, dahil ba nalaman mo na ang totoo, 'no? Hindi ang papa ko ang pumatay sa papa mo!" sigaw ko.
"Anong ibig niyang sabihin, Jannelyn?" nagugulahang tanong ni Junjun.
"Ano? Ha? Naalala ko na! Ako ang batang 'yon! Hindi mo ba naisip na ako ang masasaktan?! Nagtatago ako sa kasinungalingan dahil baka ikasira lang ng buhay ko ang nangyari 5 years ago!" kinagat ko ang aking labi. "Jannelyn, bakit, bakit hindi mo na lang sinabi sa akin? Kaysa gamitin mo ako! Kaysa saktan ang feelings ko!" sigaw ko.
"Elias, please, nauulanan ka na," pagmamakaawa niya at akmang lalapit.
"Please, tell me. Jannelyn, inisip mo ba ako habang nagsisinungaling ka? Wala lang ba talaga ako sa'yo?!" Mahigpit kong hinawakan ang braso nito.
"Elias, nasasaktan ako," narinig ko ang paghikbi niya.
Hindi ko alam kung ulan ba o luha ang nasa pisngi nito. Hindi ko makita dahil maitim ang langit. Pakiramdam ko kahit ang kalangitan nasasaktan din.
"Napakasinungaling mo. Dapat lang sa'yo ang masaktan. Kung pwede lang magpakamatay ka na dahil sa lahat ng kasinungalingan mo," tugon ko.
"Patawarin mo ako,"
Tinalikuran ko siya pero napaatras ako nang may lalaking nakahawak ng baril na nakatutok sa akin. Kumunot ang noo ko nang makitang galit na galit ito. Hindi ko siya kilala pero bakit parang nakita ko na siya noon?
"Ikaw si Elias, hindi ba?" tanong niya. "Nagbago ba ang plano mo, Jannelyn?"
Napalingon ako kay Jannelyn na ngayon ay matalim na nakatitig sa lalaki.
"Anong ginagawa niyo rito?" matigas na tanong ni Jannelyn sa kanya. "Plano niyo ba lahat ng 'to?"
"Oo, pinlano ko nga lahat. Alam mo kung bakit?"
"Bakit, Tio? Bakit?! Anong ginawa kong kasalanan para gawin niyo 'to?!" sigaw niya. "Bakit? Bakit niyo sinira ang buhay ni Elias?"
"Hindi lang ang buhay niya ang nasira. Kahit ang buhay mo sinira ko rin. Ginamit kita dahil alam kong mapakikinabangan ka, I mean magagamit kita." sabi ng lalaki.
Ka-edad siya ni papa at hindi maikakailang gwapo ito.
"Itong lalaking 'to ay papatayin ko." Tinapat niya ang baril sa dibdib ko.
Napataas ako.
"'Wag niyong gawin yan. Tio, pag-usapan natin 'to," sabi ni Jannelyn.
Isang kurap ko lang bigla na lang nagsuntukan ang lalaki at si Junjun habang hawak ng nauna ang baril.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakatutok 'yon sa akin at agad na pumutok. Pumikit ako at inaasahang tatama 'yon sa akin. Dinilat ko ang mata at nakita si Jannelyn na natutumba.
"Jannelyn!" sigaw ko.
Sinalo ko ang likod niya kaya napaupo ako. "Jannelyn," humikbi ako.
Tinakip ko ang kamay sa dumudugo niyang tiyan. Niligtas niya ako! Tangina! Kasalanan ko 'to!
"Elias!"
Napaangat ang tingin ko sa taong sumigaw. Napakagat-labi ako at mas lalong umiyak dahil nakita ko si papa na tumatakbo palapit sa akin.
:)
Last 2 chapter!
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomanceYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...