42

26 18 0
                                    

Part 3 Of Epilogue

"Hello?"




[Yoona, kailangan ko ang tulong mo. Puwede bang pumunta ka rito?]




"Col! Anong problema?! I-message niyo po sa akin ang address! Pupunta po ako!" sigaw niya. Kumunot ang noo niya nang biglang nawala ang linya.





Pero tumunog ulit ang cellphone niya nang may mag-text.






Dali-dali siyang pumasok sa office ng profesor at kinuha ang susi. Tumakbo siya papunta sa carpark. Pumasok siya sa kotse at pinaandar ito.




"Saan ba 'yon?" naguguluhan tanong nito sa sarili.





Inikot niya ang mga mata sa paligid para makita ang abandonadong building. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang matandany palapit sa kanya habang dumudugo ang mga paa nito. Dali-dali siyang lumapit dito at tiningnan ang sugat.


"Hala ka! Lolo, anong nangyari? Bakit dumugo ang paa niyo?" gulat niyang tanong. "Akin na muna po ang dala niyo. Gagamutin ko po kayo."



"Sige, salamat ha?"


Ngumiti siya at tumango si matanda. Nang magamot ito ay muli siyang nagpasalamat.
"Salamat talaga. Ija, ngayon lang kita nakita rito, saan ka ba pupunta?" tanong ng matanda


"Sa abandunadong building po. Alam niyo po kung saan po 'yon? Bago lang po kasi ako rito,"
Ngumiti ang matanda at sinabi sa kanya kung saan ang abandunadong building.


"Sige, salamat po, lo. Mag-ingat po kayo," nagpaalam na siya sa matanda at naglakad patungo sa abandunadong gusali.

Nagulat siya sa narinig na mga putok na hindi niya maintindihan. Bakit may mga nagbabarilan dito? Nagtago siya sa gilid ng pinto at inikot ang mga mata. Natatakot siya na baka matamaan siya ng ligaw na bala. Ayaw niya pang mamatay!


"Lord, patawarin niyo po ako sa kasalanan ko. Lord, sana hindi ako matamaan ng ligaw na bala, wala pa naman dito ang professor ko," bulong niya.



"Carlo! Please gumising ka!" rinig niyang sigaw.


 

Nanlaki ang mga mata niya nang nakita niyang nawalan ng malay si Elias. "Elias! Anak ko!" sigaw ni Eliazar, ang kanyang tito.


Lumapit siya. Nagulat ito at dahil naroon siya. "Yoona, bakit ka narito?"


"Ano po bang nangyayari?" Hawak niya ang tiyan na dumudugo.


Living With Purpose (Young Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon