31

17 23 0
                                    

Chapter 31; Allergy



Jannelyn Point Of View.



Kinagat ko lang ang labi ko habang nakatingin sa mga kamay ko nanginginig. Kasalanan ko. Kung hindi ko siya pinilit hindi sana na-ospital si Elias. Meron siyang allergy. Dahil sa pinakain ko na sandwich.




Bakit ngayon ko lang nalaman ang ganung bagay?




"Jannelyn." Napaangat ang tingin ko sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Tumayo ako at hinarap ang mommy ni Elias. "Where is he? Is he okay?" Halata sa mukha niya kung gaano siya nag alala sa anak niya.





"Hindi ko pa po alam Tita. I'm sorry po. Kasalanan ko po." Sincere na sabi ko.




Tumingin lang sa akin si Tita at hindi na nagsalita. Nangako ako sarili ko na kahit kailan hindi ko sasaktan si Elias sa lahat nang plano ko. Hindi ko siya idaamay. Hindi ko hahayaan na mawala siya sa mundong 'to nang dahil lang sa akin.





Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala siya. Hindi ko alam kung gusto ko na ba si Elias but nangako na ako noon. Ang panggamit da kanya ang kailangan ko lang. Gagamitin ko lang siya para makalapit sa pamilya niya. Pero ang saktan siya ay wala sa plano ko.






Hindi ko planong saktan siya at wala din sa plano ko na mahalin niya ako o gustuhin niya lang ako. Ang mapalapit sa kanya ay napakahalaga. Pero bakit lahat nang pinaghirapan ko ay unting unti nasayang dahil lang kay Elias? Bakit siya pa? Anak siya nang tao na kung bakit kami naghihirap ngayon! Ang Ama niya nag dahilan kung bakit— BAKIT NAMATAY SI PAPA!






Hindi ko matatanggap. Papatayin ko parin si Mr, Fedelin. Napatayo ako dahil lumabas na ang Doctor. Ngumiti sa akin si Dr, Yoon at napalingon kay Mrs, Fedelin na ngayon nakatitig sa kanya.





"Is he okay?" Tanong ni Tita. Tumango si Dr, Yoon. Umupo na lang ako at hindi na nakinig sa mga sinabi ni Dr, Yoon. Pumasok ako sa kwarto para tingnan si Elias na ngayon nakahiga.






Umupo ako at hinawakan ang kamay niya. Napatigil ako dahil unting unti dinilat ni Elias ang mga mata niya.







"Elias? Gising ka na? May masakit ba sayo?" Nag alala kong tanong. Napangiti ako dahil tumango siya. "Hintay lang ha? Tatawag lang ako nang Doctor." Tumalikod ako at binuksan ang pintuan.





Paglabas ko sa kwarto. Napatingin ako kay Mr, Fedelin na ngayon nakatingin sa akin. "Gumising na ba siya?" Napalingon din sa akin si Mrs, Fedelin. Tumango ako.





Nakatingin lang ako sa kanila dalawa at tumalikod na si Mr, Fedelin nang natapos na May sinabi siya kay Mrs, Fedelin. Kinagat ko ang labi ko at hindi nakapag salita dahil hindi pumasok si Mr, Fedelin. Pero sa mukha niya kanina halata na nag alala siya kay Elias.






Napabaling sa akin si Tita at ngumiti. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Wag mong sabihin sa kanya na nang galing ako dito ha? At ang papa niya ha?" Napatango na lang ako. "Papunta na dito si Daniel. Just ask him kung may kailangan ka o si Elias and tell me kung may nangyari problema ha? Please, Jannelyn take care of him." Tumango ako.





Pagkatapos nun tinalikuran niya na ako. Kumunot ang noo ko pero hindi na ako nagulat 'doon. Noon pa naman alam ko na ginagawa na nila 'to at doon ako nagugulahan. Bakit sila patago nag alala kay Elias?




Pumasok na lang ako sa kwarto. Lumapit agad ako kay Elias na ngayon naka upo na. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. Napangiti na lang ako dahil hinaplos niya ang kamay ko.




"Sorry," Panimula ko. "Kasalanan ko 'to, Elias." bulong ko. Napaangat ang tingin ko dahil tumawa siya. "Bakit ka tumatawa?" takang tanong ko.





"Walang May kasalanan. Gusto ko lang kanina yun dahil doon ko talaga nalaman kung gaano kita kamahal." Tumigil ako sa pag iwas nang tingin sa kanya. "Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko si Jannelyn. Yun ang una pumasok sa isip ko laya ginawa ko yun." Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang pag iyak.






Hindi ako umiiyak dahil kasalanan ko kung bakit siya nandito. Nasaktan ako dahil sa sinabi niya ngayon. Sigurado akong masasaktan siya kapag nalaman niya ang totoo. Bakit? Bakit ako pa ang minahal mo?





Gusto kong tanungin yun sa kanya pero hindi ko ginawa. Dahil pakiramdam ko ayaw kong masaktan siya dahil lang sa taning yun. Patawarin mo ako, Elias kung ginamit kita. Kung masasaktan ka sa gagawin ko.




"Mahal din kita." Niyakap ko siya at hinalikan sa noo. Tumawa siya at niyakap din ako.




"Okay ka lang? Nabalitaan ko na galing si Elias sa Hospital? Ano bang nangnyari?" Tanong bi So. Umupo ako at hindi sinagot ang tanong niya.




Narinig kong bumukas ang pinto na parang galit ang bumukas nun. Sinalo ko ang kamay ni Andrea na sasampalin niya sana ako.



"Ano?" Tanong ko. "Ano nanaman ba, Andrea?" Takang tanong ko.





"Hinayaan na kita na lumapit kay Elias. Pero kapag nalaman ko na sinaktan mo siya alam mong anong gagawin ko. Papatayin kita." Tugon niya. "Ang sabi mo gagamitin mo lang siya at hindi mo siya sasaktan! Pero ano 'to? Nasa hospital siya nang dahil sayo?! Sinasadya mo ba 'to?!" Sigaw niya.





"Andrea, wag kang gumawa nang gulo." Tugon ni So sa kanya.



"Pagbibigayan kita ulit, Jannelyn. Pero kapag  naulit 'to katapusan mo na." Tinalikuran niya ako.






"Sa tingin mo ba hindi siya masasaktan kapag nalaman niyang ginamit ko siya?" Tanong ko. "Sinabi niya kanina sa akin. 'Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko si Jannelyn. Yun ang una pumasok sa isip ko laya ginawa ko yun' Yun daw ang dahilan kung bakit niya ginawa yun. Kung bakit niya kinain yun. Kung bakit siya nandun! Kung bakit siya nahirapan kanina!" Sigaw ko.






Hinarap niya ako. "Anong gagawin mo? Kapag nasaktan siya?"





"Anong gagawin ko? Ikaw? Ano g gagawin mo? Kapag bs nalaman niyang ginamit ko siya at nasaktan siya sa ginawa ko papatayin mo ako?" Tanong ko.



"Oo, papatayin kita, Jannelyn. Kaya tumigil ka na." Tinalikuran niya ako.






"Titigil man ako o hindi. Kung malalaman niya parin. Masasaktan parin siya kaya walang dahilan para itigil ko 'to." Tugon ko. Hindi siya nagsalita at umalis na lang tuluyan sa kwarto.





"Hindi mo ba inisip Jannelyn na masasaktan si Elias sa gagawin mo?" tanong ni So sa akin. Hindi ako sumagot sa tanong niya.

:)









Living With Purpose (Young Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon