Chapter 30: She's worried
"Si Yoona, nasa kusina."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya sa akin. Napalingon ako sa likod niya na ngayon na nakangiti sa akin. Lumaki ang mata ako at tumakbo para yakapin si Ate Yoona.
"Ate Yoona!" Sigaw ko. Tumawa siya dahil sa ginawa ko.
"Musta?" She ask me. "Narinig ko may girlfriend ka na daw ha? Wow. Hindi yan fling no?" Tanong niya.
"I love her, Ate. Anong oras ka dumating? Akala ko ba sunod pa na araw?" Tanong ko.
"Yeap. Actually...magsta-stay ka ako dito." Lumaki ang mata ko at ngumiti. "Wow! Your so gulat!" Tumawa ako sa sinabi niya.
"Hahahha!" Tumawa na lang si Kuya kay Ate Yoona.
Nag usap lang kami kung paano mamuhay sa Korea. Sa Korea siya nag trabaho bilang isang Doctor. Namatay na ang Mama ni Ate Yoona. She's my cousin. May kapatid siya na babae at ka-edad yun ni Kuya. Isa ding Doctor pero Resident pa. Her step sister.
Si Ate Yanna.
"Eli!" Napalingon ako kay Jannelyn na ngayon nakangiti sa akin. Nakatayo siya sa pintuan ng winagayway ang mga kamay. "Hoyyy!"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Inimbita ako nang Kuya mo. Sabi daw dumating daw yung ate mo na maganda! Sikat daw! Sino ba yun? Ahhh! Si Yoona Yoon! Yung sikat na General Surgeon!" Sigaw niya. "Ano? Nasaan siya?" Tanong niya.
Tumawa ako at pumasok kami sa dinning room. Napangiti na lang ako dahil bigla agad nag bow si Jannelyn sa harapan ni Ate Yoona.
"Hello po! Ako po si Jannelyn Salvador!" Napalingon ako kay Ate Yoona na ngayon kumunot ang noo. "Gusto ko po din maging isang Doctor." Tumawa lang ako.
Napangiti na lang ako dahil tumawa na din sila Mama at kuya dahil sa ginawa niya.
"Jannelyn Salvador?" Takang tanong ni Ate Yoona. Tumango si Jannelyn. "So ikaw pala yun.." Kumunot ang noo ko.
"Po?" Inangat ni Jannelyn ang ulo niya para makita si Ate Yoona.
"You know Roman? Roman Milbrae Salvador?"
"Po? Opo! Kuya ko siya! Ahmm..Pinsan ko po!" Sigaw niya.
"Ohh...So girlfriend ka ni Elias?"
"Opo. Girlfriend po ako ni Eli." Proud niyang sabi at inangat ang tingin kay Ate Yoona. Napangiti ako at lumapit kay Jannelyn.
"Kumain na tayo." Tugon ni Mama. Tumango kami sa sinabi niya. Umupo ako at nagsimula na kaming kumain. Katabi ko si Jannelyn habang kausap niya si Ate Yoona.
"Kung ganun po mahirap po pala talaga maging isang General Surgeon?" Tanong niya.
"Yeap." Sagot ni Ate Yoona. Kumakain lang ako habang nakatingin lang kay Jannelyn. Palipat lipat ang mga mata ko kay Ate Yoona at kay Jannelyn kung mag salita ang dalawa parang hindi lang sila ngayon nag kita.
"Grabe! Sa lahat nang sakit nang tao alam nang isang General Surgeon?! Grabe! Ano po ba yung expertise niyo?"
"Hmm...Sa tiyan." Tumango si Jannelyn. "Ang sabi mo gusto mo maging isang Doctor?"
"Opo."
"Why? Bakit mo gusto maging isang Doctor?
"Dahil kay Mama." Sagot ni Jannelyn. Napalingon ako kay ate Yoona na ngayon nakatitig kay Jannelyn. "Gusto kase ni Mama maging isa akong Doctor. Kaya ang sabi ko. Magiging isa akong Doctor. Pero nang narealize ko kung paano ka-importante ang maging isang Doctor. Nalaman ko hindi lang pala yun kay Mama kundi yun talaga ang pangarap ko. Pangarap ko na maging isang Doctor." Sagot ni Jannelyn.
Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. Ngumiti ako sa kanya kaya ngumiti din siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Ngayon ko lang narinig ang ganun. Na mga pangarap ni Jannelyn na sana andun ako sa tabi niya kung kailangan niya ako.
"Katulad pala tayo dalawa." Napalingon kame dalawa kay Ate Yoona. "Naging isa akong Doctor dahil kay Mama." Kinagat ni Ate Yoona ang labi niya at yumuko.
"Sigurado ako masaya po siya." Tumango si Ate Yoona.
"I hope so."
Pagkatapos nun. Nag date kami ni Jannelyn. Wala akong narealize ngayon kung gaano ko ba siya talaga ka gusto. Kapag ba dadating ang oras na kinakatakutan ko kaya ko ba siyang pakawalan.
"Anong iniisip mo? Babae?" Tumawa ako sa sinabi ni Jannelyn. Sumingkit ang mga mata niya na parang may ginawa akong masama. "Hoyy! Yung apoy oh!" Sigaw niya.
Kinuha ko ang tubig at binuhusana ang apoy. Nagulat ako dun. Tumawa nang malakas si Jannelyn na hindi nga yun apoy na totoo! Napalingon ako kay Jannelyn na ngayon tawa nang tawa. Sinamaan ko siya nang tingin.
"Ayan! Ano bang iniisip mo ha?!" Sigaw niya.
"Ikaw!" Sagot ko. Kumunot ang noo niya. "I-ikaw. Mag ferris wheel tayo!" sigaw ko. Tumawa lang siya.
"Tsk. Ako lang talaga ang iniisip mo no?" Kumunot ang noo ko at hindi nagsalita. Umirap na lang ako at hinayaan siyang hila na hila ako. "Masarap?" Tumango ako.
"Ano ba 'to?" Takang tanong ko. Napailing si Jannelyn sa akin.
"Quek quek yan."
"Ha? Ano?! Quek quek? Ano yun? Lumilipad?" Tanong ko.
"Hahahha..Nalaman moo talaga na lumilipad talaga ha? Hahahha! Kumain ka na lang gago!" Sigaw niya. Hinayaan ko na lang siya ng tawa nang tawa. Sa hilig niyang tumawa hindi ko alam kung alala niya ba paano mag seryoso sa akdang usapan.
"Ano 'to?" I ask her. Habang nakatingin doon sa pinapakain niya sa akin. "Ano ba yan?!" Sigaw ko.
"Ano ka ba?! Masarap yan! Hahha. Arte nito!" Sigaw niya. Iilang pa sana ako pero nilagay niya na sa bibig ko kaya kinain ko na lang. Lumaki ang mata ko na bigla na lang sumakit ang dibdib ko. "Hoy! Anyare sayo?"
Napahawak ako sa braso ni Jannelyn at umupo sa harapan niya. Habang hawak ko parin ang dibdib ko. "I - I can't breathe." Bulong ko.
Umupo siya para tingnan ako. "Elias..E-elias anong— anong problema?" Nanginginig ang boses niya. Wala na ako nakita at napahiga na lang. The last thing I know Jannelyn is screaming. Fuck. She's worried.
:)
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomanceYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...