Chapter 39: Last tears.
Chapter 39 : Last Smile
"Elias,"
Kinagat ko ang sariling labi habang nakatingin sa ambulansiya kung saan unti-unting pinapasok si Jannelyn na nakahiga sa stretcher. Tinakpan ko ang labi. Napaupo ako dahil sa sakit na nararamdaman.
Inangat ko ang tingin. "Hindi ka ba sasama?" tanong ni Junjun. Umiling ako at tinago ang mukha sa palad ko. "Sumunod ka na lang," turan nito.
Tumango na lang ako habang nakatakip ang mukha. Narinig ko ang yapak ni Junjun palayo kaya nag-angat ako ng tingin para makita ang papalayong ambulansiya.
"Elias?" Napalingon ako kay papa sa likuran ko. Umupo siya at ngumiti. "Okay ka lang ba? May masakit ba?" nag-aalalang tanong nito. Lumapit siya kaya bigla ko itong niyakap at kinulong ang buong mukha sa bisig niya.
"Opo, masakit. Masakit pa," tugon ko at humikbi. "Anong— a-nong g-gagawin k-ko n-ngayon?"
"Shhh, Okay lang 'yan, magiging okay rin ang lahat," pagpapatahan nito.
Pakiramdam ko kasalanan ko 'tong lahat! Ako! Ako dapat ang natamaan! Sa akin dapat 'yon! Niligtas niya ako kahit pinagsalitaan ko siya ng masama! Napakasama ko! Ang sama-sama ko! Nakakainis!
"Elias?!" sigaw ni mama na ngayon ay nasa harapan ko. Tumakbo siya at umupo para makita ang mukha ko.
"Mama," bulong ko. Nag-alala ang mukha niya at niyakap ako.
Umiyak ako na parang bata say mga bisig nito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon pakiramdam ko hindi ko kayang mabuhay sa mundong wala si Jannelyn.
Napalingon ako kay kuya na ngayon nakatayo sa harapan ko na umupo rin tulad ni mama. May kinuha siya sa likuran niya at binigay sa akin. Kumalas ako ng yakap kay mama. Si Mamon!
"Ito, hawakan mo. Favorite 'yan ng anak ko. Siya si Mamon. Alam mo bang malambot ang puso niya kaya lagi siyang nasasaktan? Pero alam mo napakabait niya kaya maraming nagmamahal sa kanya. Kaya sana alagaan mo siya, ha?"
Mas lalo akong umiyak at niyakap si mama. Umiiyak ako habang yakap ang si Mamon. Kinagat ko ang sariling labi.
"Anong ginawa mo, Daniel?" naguguluhang tanong ni papa.
"Binigay ko lang yung bear niya," sagot ni kuya.
"Eh, bakit umiyak? Pinaiyak mo ang kapatid mo!" sigaw ni Papa sa kanya. "Ikaw! Patahanin mo!"
"Papa! Kanina pa 'yan umiiyak, eh!" sigaw ni kuya. Pero tinaasan lang siya ng kilay ni papa.
"Elias, anong problema? 'Wag ka nang umiyak, hmm? Para ka namang bakla," saad nito.
Mas lalo akong umiyak dahil sa narinig.
"Daniel!" sigaw ni papa rito.
Tulala lang akong nakatingin sa labas ng operating room habang hinihintay ang doctor na lumabas. Si Ate Yoona ang nag-opera kay Jannelyn. Hindi ako mapakali at tinatago lang ang mukha sa palad ko.
"Elias?" Inangat ko ang tingin ko kay kuya.
Napansin kong napatayo sina mama at papa nang lumapit sa akin si kuya. Iniisip yata nilang paiiyakin ulit ako nito.
"Ah, ito. Nakita ko 'yan sa kotse mo. Alam ko galing 'to kay Jannelyn. Buksan mo. Sa tingin ko importante 'yan," saad nito.
Gift ni Jannelyn sa akin.
Kinuha ko ang gift na binigay ni Jannelyn. Kinagat ko lang ang labi habang nakatingin dito. Napatingin ako kay mama at papa nang tumayo at nagpaalam sila sa akin. Umalis sila nang tuluyan kaya hindi ko maiwasang umiyak. Binuksan ko ang gift niya at kinuha ang papel.
Dear, Elias 'My life'
Alam ko mabait kang tao noon pa. Hindi lang mabait, masungit pa. Noong una kitang nakilala, alam ko sa sarili kong mahirap kang lapitan kaya baka hindi ko magawa ang gusto kong gawin. Pero sa tuwing iniisip ko na baka nga ang isang katulad mo ang kailangan ng buhay ko, naisip kong kailangan talaga kita. Hindi dahil may gusto akong makuha kundi may gusto akong ma-realize. Napilitan akong gawin ang mga bagay na ayaw kong gawin.
Ayaw kong sabihin sa'yo ang dahilan at kung bakit pero kung nasasaktan ka ngayon nang dahil sa akin sana patawarin mo ako. Elias, ang laki ng kasalanan ko. Napakalaki. Hindi ko kayang lunukin ang lahat ng kasalanan ko kaya sana... kalimutano at patawarin mo na lang ako.
Hindi ko pa 'to nasabi sa'yo, mahal talaga kita. Mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung kailan pero naramdaman ko na ito. Elias, ikaw ang buhay ko, noon pa. Sana patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko.
Mas lalo akong naiyak. Tangina! Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan. Parang alam ni Jannelyn na mangyayari talaga 'to. Pero ano 'to?
"Elias? Pwede bang sumunod ka sa akin?"
Napalingon ako kay Maco at Junjun na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Tumayo ako at tumango. Pinasok ko ang papel sa gift. Sinundan ko sila.
Kunot ang noong tumingin ako kay Maco.
"Office 'to ni Ate Yoona," tugon niya. Tumango ako. "Mas mabuting magpahinga ka muna."
Tumango ako.
Napalingon kami sa pintonang bumukas ito. Napaiwas ako ng tingin nang makitang si Andrea ang pumasok saka tumitig sa akin.
"Sorry, Elias. Sorry sa ginawa ko," hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. "Patawarin mo ako. Kasalanan ko 'to."
"Wala kang kasalanan, Andrea." Napalingon ako kay Maco. "Sabihin nga natin na naging mas magulo nga ang lahat pero mas mabuti nang nalaman ni Elias ang lahat," turan niya.
"Anong ibig mong sabihin, Marco?" naguguluhan kong tanong.
Nakatingin kaming tatlo sa kanya at kumunot ang noo.
"P-plano talaga ni Jannelyn na hindi sabihin sa'yo lahat. Ayaw niyang masaktan ka kaya ang plano niyang umalis na lang. Maglaho na lang na parang walang nangyari. At kalimutan mo na lang siya. Hindi niya sinabi kay Junjun ang plano niya dahil siguradong tatanungin mo si Junjun sa pagkawala niya." mahabang paliwanag nito. "Pero Elias, alam kong nasaktan ka sa ginawa niya. Pero hindi mo ba din naisip na mas nasaktan siya dahil siya ang nananakit?"
"Marco," saad ni Junjun.
"Nang nalaman niya ang lahat, na ikaw ang batang k-in-idnap at hindi ang papa mo ang pumatay sa papa niya, nasaktan siya," saad nito at tila hindi niya kayang ipagpatuloy ang sasabihin. "Ang sabi niya 'sobrang sakit' dahil sinaktan niya ang lalaking mahal niya. Nabuhay siya sa kasinungalingan ng tito niya. Napakalaking kasalanan ang gumawa ng gano'ng bagay, lalo na sayo."
Maaari mo ngang sabihin ang mga bagay na akala mo mangyayari. Hindi sapat ang nakita mo, hindi rin sapat ang narinig mo. Ang solusyon lang sa mga bagay na akala mo mangyayari ay gumawa ng paraan upang hindi iyon maisakatuparan.
:)
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomanceYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...