Chapter 19: Hospital.
I bit my lower lip, trying to find Jannelyn. Nang natapos na ang pag-uusap nila ni kuya, umalis na lang siya habang kumakain ako. Hindi man lang nagpaalam!
Napatigil ako sa paghakbang nang nakita ko siya. Nakatayo siya at parang may hinihintay. Lalapit na sana ako nang may nakita akong lalaking palapit sa kanya at binigyan siya ng payong. Napaatras ako nang may tumulo galing sa ulap.
"Umuulan pala," bulong ko.
Nilingon ko si Jannelyn na nakangiti sa lalaki- si Marco ang lalaking 'yon. Nakangiti lang ang dalawa at humakbang palayo sa akin.
"Tsk."
"Saan ka galing?" nasa harap ko si Mama na nakakunot ang noo sa akin. "Sumunod ka sa akin, Elias."
I rolled my eyes. Sumunod na lang ako hanggang sa nakarating na kami sa office niya.
"What now, mom?" takang tanong ko at umupo sa couch. Nakatitig lang siya sa akin habang may hawak na baso.
"Kumusta ang pag-aaral mo?" she asks me. I don't know why pero pakiramdam ko may kulang talaga. "Are you okay lang ba kapag nandito ka?"
Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa bintana habang nakaupo sa harapan nito.
"I said naman sa 'yo sumama ka na sa akin, Elias."
"Wala akong planong sumama sa inyo," bulong ko. Hindi ako makatingin kay mama. "Can I go now?" I ask her.
She just nood.
Pagkatapos no'n pumasok ako sa kwarto saka binagsak ang katawan sa kama.
Napatayo ako nang bumukas agad 'yong pintuan ng kwarto ko. Napairap ako nang nakita ko si kuya.
"Kumatok ka naman."
"Sige, take 2," sabi niya.
Lumabas siya at sinara 'yong pintuan. Ano bang nangyari kay kuya?
*Tok! Tok*
"ELIAS!" sumigaw siya nang buksan niya an pinto.
"Ano ba, kuya?!" sigaw ko. "Ano bang problema niyo?!" sigaw kong muli.
Ngumisi ito. "Akala ko pa naman matatawa ka. Tsk! Ito naman 'di mabiro."
Napa -irap ako. "Pwede bang sumama ka sa akin? Kailangan kita sa hospital."
"Anong gagawin natin sa hospital?"
*********
May lumabas na dalawang doctor galing sa operating room. Walang alinlangang tinapon ng doctor na babae ang kanyang mask sa harap ng kasamang doctor.
"Ano bang problema mo?" takang tanong ni Jaena sa kasamang doctor. "First time mo 'yon, hindi ba?"
Walang ganang humarap sa kanyang kasamang doktor. "Oo. Eh ano ngayon sa 'yo?"
"inatake ng cardiac arrest ang pasyente kanina. Kung hindi siya inoporehan agad, mamamatay siya nang wala pang isang oras. Pero sa ginawa mo kanina, kahit nasa operating room na siya mamamatay pa rin siya nang dahil sa 'yo!" sigaw ni Jeana "Doctor ka ba?"
"Ano bang gusto mo? Itigil 'yong ginagawa ko kanina?" tanong ng kasama nito.
"Mas mabuti pa 'yon kaysa unting-unti mong pinapatay ang pasyente!" sigaw ni Lin." Alam mo naman na naka-experience na ako ng gano'ng operation," hindi mapigilang magmura ni Jeana sa harapan nito
"Sana binigay mo na lang sana sa kin ang trabaho mo!" sigaw ni Jeana "Sinabi mo sana sa akin!"
"Wala rin akong pakialam sa 'yo, Jeana. Kaya 'wag mo akong pakialaman."
"Naroon pa lang tayo sa E.R tinanong na kita kung may experience ka na ba. Ang sagot mo "oo!". Tapos ngayon nalaman ko na lang -ano 'to?! Hanggang kailan ka magiging ganito?!"
"Na ano?"
"Na maging sinungaling?!" tanong ni Jeana. "Nakatayo tayo sa harap ng pasyente, nililigtas siya sa kapahamakan. Hindi masamang gawin mo ang lahat, Lea. Pero kung alam mo naman ang mga bagay na hindi mo kayang iwasan... hindi mo na 'yon matatakbuhan."
Alinlangan tumango ang kasama niya. "Alam mo ba ang ayaw ko sa lahat?" tanong ni Jeana "Ayaw ko sa lahat ang perpektong tao. Kapag naging perpektong tao ka na, ikaw na lang ang masusunod, Ikaw na lang ang gagawa, hindi mo na kailangan ng opinion ng ibang tao dahil alam mo tqma ka, perpekto ka, Ikaw lang 'yong tama."
"Sorry," bulong ni Sam
"Sa mundo, kailangan mo ng opinion ng ibang tao. Tandaan mo 'yan." Tinalikuran ni Jeana si Sam
Nakatayo si Wer sa harapan nilang dalawa habang nakasandig sa tapat ng pintuan. Habang nakakagat-labi.
Naglakad palapit si Jeana sa harapan ni Wer. "Anong ginagawa mo rito, bata?"
"Hindi na kaya ako bata." Umirap si Wer kay Jeana
"Tsk."
"Ano bang problema?" tanong ni Jeana "Anong ginagawa mo rito?"
"Wala naman akong problema. Narito lang ako para magpa-check up." tugon ni Wer. "Napag-isipan ko lang pumunta rito. By the way, anong nangyari kanina? Bakit sinigawan mo si Sam?"
"Kung doctor ka lang, sigurado akong gagawin mo rin 'yon".
"Oo, gagawin ko 'yon. Pagsasabihan ko siya pero hindi ko siya sisigawan," sabi ni Wer. "Magkaiba ang mga tao, Jeana sana naman tinanong mo muna siya."
"Ang mga doctor kapag nakita na nila ang ginagawa ng kanilang kapwa doctor malalaman na nila ang problema," tugon ni Jeana "Pinag-praktice-an niya ang taong mamatay na."
"'Yon talaga ang dahilan kung bakit ka nagalit?" takang tanong ni Wer. "Naintindihan kita pero sana naman 'wag mong sigawan si Ate Sam."
"Kahit talaga kailan! Bahala! Ah, Basta!" singhal ni Jeana "Ano bang masakit sa 'yo?" pag-iiba ni Jeana ng usapan.
"Wala naman. Nagugutom ako simula kahapon, sumasakit na 'tong tiyan ko. Ano bang problema nitong tiyan ko?" tanong ni Wer habang hawak ang tiyan.
"Naku. Malamang kasi gutom ka! Hindi ka ba kumakain sa tamang oras?"
"Hindi," sagot ni Wer.
"Anak ng! Hay naku!" Tumayo si Jeana at kinuha ang coat niya. "Tara kakain tayo. Kumain ka na ba?" Umiling si Wer. "Kailan yung huling kain mo?"
"Kaninang umaga."
"Anong oras?"
"7 am yata."
"Gago ka ba?! Gusto mo yata magka-ulcer!" singhal ni Jeana "Tara na nga. Kakain tayo pagkatapos niyan magpa-check-up ka."
Umirap si Wer.
"Hindi mo naman kailangan sumigaw." Tumayo na lang si Wer at sumunod kay Jeana na galit sa kanya. "Hoy! Hintay!"
:)
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomanceYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...