29

19 24 0
                                    


Chapter 29: Yoona Yoon

"What? Are you sure? Uuwi na talaga si Ate Yoona?"

Gulat na gulat ako sa balita ni Kuya sa akin. Ano? Talaga ba? Tumango si Kuya at uminom nang tubig na nasa harapan niya.

"Nagbibiro ka naman kuya diba?" Tanong ko. Umupo siya. "Kailan siya uuwi?"

"Sabado." Maikling sagot niya. Napatango ako sa sagot ni kuya. "Kumain ka na? Balita ko.... nililigawan mo daw si Jannelyn, pumayag siya?" Tanong niya.


Tumango ako na may ngiti sa labi. "Opo. Tsk. Ako 'to no." Pagmamayabang ko. Ngumiti na lang siya at iniwas ang tingin. Tumayo na at umalis na.



Ngayon ang araw na 'to. Ang pinakahihintay ko! Na sana sagutin ako ni Jannelyn!

"San ka galing?"

Hingal na hingal ako sa pagpasok sa room. Mali pa ang pagkakabotenes nang blouse ko. Kaya agad agad ko yung inayos. Pati narin ang buhok ko na magulo. Nakakainis lang talaga! Kung hindi pa ako nakipag habulan kay Josh edi sana hindi ako na late!


"Wala. Kumain lang." Sagot ko kay Vincent.



Tumaas ang kilay niya sa akin na parang hindi naniniwala sa sagot ko. Umupo na lang siya sa tabi nang upuan ko at hinayaan akong lumapit kay Jannelyn na ngayon busy kausap ang classmate namin na mga babae.




"Hmmm?" Tanong niya sa akin. "Ba't parang pawis na pawis ka?" Napangiti ako dahil sa tanong niya.



"Sumabay tayong umuwi. May sasabihin akong importante." Tugon ko.




Tumango siya. Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ako nagulat dahil sumigaw ang mga kaklase namin. Pumula ang pisngi ni Jannelyn sa ginawa ko.




"B-bakit?" Tanong niya.



"Hmm...Wala lang." Tugon ko. Pero tinapat ko ang bibig ko sa tenga niya. "Sagutin mo na ako ha?" Tanong ko. Nilayo ko ang mukha ko sa kanya. Ngumisi ako kumunot ang noo niya sa akin pero tumawa na lang.



Na bigla ako ka nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. "Kung ayaw ko?" Lumaki ang mata ko. Halos ramdam ko ang labi niya! Tumingin siya sa akin na pilyang mga ngiti. Sinamaan ko siya nang tingin at inirapan. "Umupo ka na." Tugon niya.




Padabog akong umupo sa upuan ko. Nakakainis talaga siya! Walang hindi niyang kayang gawin! Daig pa ako sa kanya! Parang lalaki! Maarte kase ako! Anak kase nang mahirap siya!




Pagkatapos nang test namin. Mabuti nga nag aral ako nang maayos kung hindi, hindi ko talaga masagot lahat kung anong test namin kanina. Magiging college na ako! Hoooo! Maganda nga sa pakiramdam. Kahit sa pagiging soon-to-be boyfriend ni Jannelyn ay pakiramdam ko wala na ang hihigit pa dito.




Hinila ko siya papunta kung saan ko hinanda ang lahat. Lumaki ang mata ni Jannelyn dahil sa nakita niya. Halata sa mukha niya nagulat. Hindi nga siya makapaniwala dahil sa kamay niya nakatakip sa bibig. Napangiti na lang ako.




"Ano ba 'to? Ha?" Tanong niya. Umiling lang ako at pinaupo siya sa upuan. Halata na gulat siya pero pinahalata na hindi daw.



"Ano? Maganda ba?" Tanong ko. Tumango siya. Umupo ako sa harap niya at ngumiti.


"Elias."

"Hmmm?" Inangat ko ang tingin ko.



"Okay ba lang sayo kung itago muna natin yung relasyon natin dalawa?" Napangiti ako.



"Kung ganun sinasagot mo na ako?" Tanong ko. May bahid na saya yun pero bakit parang hindi ako naging masaya sa tanong niya kanina. Hindi muna siya sumagot. Hinintay kong sumagot siya hanggang sa unti unting tumango.




Ngumiti ako. "Oo. Girlfriend mo na ako, Elias." Napangiti ako sa sinabi niyo. Tumayo ako kaya tumayo siya upuan niya. Lumapit ako para yakapin siya. "Elias, sorry.." Kumunot ang noo ko.




"Hindi. Salamat." Tugon ko. Ngumiti ako. Niyakap ko lang siya hanggang sa magsawa na kami dalawa. Tumawa na lang ako at hinatid na siya sa bahay niya. Pagdating ko sa bahay wala ako ginawa kundi ngumiti lang.



"What's that smile ha?" tanong ni Kuya. Napalingon ako sa kanya na ngayon nakakunot ang noo. "Are you okay?" He ask me. Ngumiti na lang ako tumango.



Pagkatapos nun tinalikuran ko na siya. Humiga ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko na tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako na nakita ko ang pangalan ni Jannelyn sa cellphone ko.



Jannelyn:

Hey! Eli! May sasabihin ako! Andiyan ka ba? Hoyy!


Napangiti ako. Nag type ako sa cellphone ko. Para mag reply sa kanya.

Me:

im here. Anong kailangan nang baby ko?

Nag reply agad siya.

Jannelyn:

baby? saan yan? Hahahha! ano? Natapos mo na yung chapter? yung thesis?

Me:

So you're not worry about me?

Jannelyn:

I'm worries


Me:

Na-ahh.... yeap. So, kumain ka na?


Jannelyn:

Oo, kumain ako. Nang etits.

Kumunot ang noo ko sa reply niya.

Me:

Wtf? Jannelyn, im serious!


Napatayo ako nang tumawag siya. Kinagat ko ang labi ko dahil sa ginawa niya.


"You miss me?"


[Assumero! Kumain ka na? Ano ulam mo? Kababago lang natin kain kanina ha? Kumain ka ulit?! Akala ko ba diet ka?]


"So many question." Umikot ang mata ko. "I miss you."


[Ha?"] Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. [Miss din kita. Oa mo. Amputa. Sleep na babe. Hmmm?]


Napakagat ako."Pwede mo ulitin?"


[Ang ano?]


"Yung hmmmm?"


[Ha? Ano? Hmmmmm..] Shit. [Ungol yan ha? Pervert! Matulog ka na. Pinagnanasahan mo na ako ha?]

Tumawa ako. "Hahhaha. Good night babe. I love you." I said.


[L-love you too!]


Binaba niya na ang tawag. Napangiti na lang ako. The weather is not always good. Paiba-iba ang nangyayari sa araw na araw. Sabihin na mga natin ang weather sa buhay nang tao ay wala kasiguraduhan. Pero kung ang pag-ibig mo sa isang tao hindi mawawala kung alam mong mahal mo ang taong yun higit pa sa buhay mo.

:)

Living With Purpose (Young Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon