02

43 37 1
                                    

Episode 2: Tutorial

"What did you just say?" tanong ko kay tanda.

"Sir, ano ho bang pinagsasabi ninyo? Bakit ako? Alam ninyo naman na lagi kaming dalawa magkaaway tapos..."

"Kaya nga, eh. Ang daming nagrereklamo sa inyong dalawa dahil maingay kayo at lagi kayong nag-aaway. Ito lang din ang paraan para tumaas naman ang grado mo, Elias," sabi niya.

"This is the only way? Are you out of your mind?"

"Teka lang, Sir. Kakausapin ko muna siya!" sabay hila sa akin ni Jannelyn.

Binawi ko ang braso ko mula sa kaniya. "What's your problem, ha?" tanong ko.

Humarap siya sa akin. "Alam mo, alam kong anak ka ng may-ari ng school na 'to pero sana marunong ka namang rumespeto!" sigaw niya sa'kin. Akala ko nagbibiro lang siya pero seryoso ang mukha niya.

Shit. Napaiwas ako ng tingin. "Tinatanong ko ba ang opinion mo, ha?" tanong ko.

"Wala!" Sigaw niya sa akin.

"'Yon naman pala, eh kaya hayaan mo na ako!" sigaw ko at tatalikod na sana.

"Dahil sa pinapakita mo ngayon sa akin, nagdesisyon akong pumayag na maging tutor mo," sabi niya sa akin.

Napaharap ako sa kaniya. "What?! You're absolutely crazy!" I shouted at her.

"And you are bullshit, too!" sabay iling niya sa akin bago pumasok pabalik sa loob.

Napailing ako sa sinabi niya sa akin. Hindi na ako ulit pumasok sa opisina ng principal. That was bullshit! Kainis! Bakit siya pa?


"Oh, Elias!" tawag sa akin ni Josh. Nilagpasan ko lang siya at kinuha ang bag ko.

"Is there any problem?" tanong sa akin ni Kyle. Hindi ko siya sinagot at umalis na sa room na 'yon.


Bakit ba ang dami kong problema? Shit! Pinaandar ko ang kotse ko.

"Eli! Hintay lang!" sigaw ng babae. Hindi ko 'yon pinansin pero napagtanto ko na nasa harapan ko na ang babaeng tumatawag sa akin. "Lumabas ka nga riyan! Mag-usap tayo! May sasabihin ako!" sigaw niya sa akin.

I rolled my eyes. Nilabas ko ang ulo ko sa bintana ng kotse ko. "Umalis ka nga riyan!" sigaw ko.

"Bumaba ka muna!" sigaw niya.

Hindi talaga siya aalis riyan! Anong gusto niyang mangyari? Sagasaan ko siya?!

Lumabas ako sa kotse ko at hinarap siya. "What your proble-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Teka, kailangan kong sumakay sa kotse mo. ha? Pasakay, please!" sabi niya sabay pasok nang walang paalam sa kotse ko.

Kumunot ang noo ko. "Hoy! Hoy!" sigaw ko. Pinaandar niya ang kotse ko na siya lang ang nakasakay.

"Sorry, Eli. Napag-utusan lang ako ng Mama mo!" sigaw niya sa akin at saka tuluyang umalis sa harapan ko na tangay ang kotse ko!

"Teka lang! Jannelyn! Papatayin kita bukas!" banta ko sa kaniya. Kinaway niya lang ang kamay niya sa labas ng bintana ng kotse.

Shit. Si Mommy!

Tinawagan ko si Mommy. "Ma! yong kotse ko!" pambungad na bulyaw ko.

"Bakit ka ba sumisigaw, ha? Nabibingi ako! Umuwi ka rito mamayang uwian. Pumasok ka, 12:00PM pa lang, Elias!" inis na sigaw niya mula sa kabilang linya.

Ilang saglit lang ay binaba na niya ang tawag. Kainis! Ayaw kong pumasok! Patay ka ngayon sa akin, Jannelyn. Alam kong papasok ka ngayon!.

Isang oras na ang nakalipas at kanina pa ako naghihintay sa babaeng 'yon.

"Oh, Elias! Anong ginagawa mo rito?" tanong sa akin ni Josh. "Akala ko umuwi ka na?" tanong niya sa akin.

Nakapamulsa si Kyle at si Vincent. Nakatingin naman si Kyle sa kalangitan.

"Ano tinitingnan mo, Kyle?" tanong ni Josh. "Langit?" naguguluhan niyang tanong kay Kyle. "Gusto mo na bang pumunta sa langit?"

"Himala yata pumasok kayo ngayon," sabi ko.

"Ha? Oo, Si Jannelyn kasi, eh. Kapag lumabas daw kami kakainin niya kami nang buhay," sabi niya.

"Ano? Nando'n si Jannelyn?" tanong ko. Tumango siya sa akin.

Shit. Kanina pa ako naghihintay sa kaniya tapos nandito na pala 'yong bababeng 'yon? Kainis! Tumakbo ako at iniwan silang dalawa.

"Hoy! Elias, saan ka pupunta?!" sigaw niya.

Tumigil ako sa pintuan ng room namin. "Anong problema? Papasok ka?" tanong ni Josh.

"Jannelyn!" sigaw ko. Bigla siyang tumayo sa inuupuan niya at saka nagkunot ng noo nang tumingin sa gawi ko.

"Bakit?" nauutal na tanong niya sa akin. Iniiwas niya ang tingin mula sa mata ko. "Alam mo may saltik ka talaga sa utak at masakit ka sa ulo. Bakit ka ba gan'yan makatingin sa'kin, ha? Parang may ginawa akong kasalanan, ah?" kabadong saad niya.

"Where the hell is my car?!" tanong ko sa kaniya.

"Chill, Bro," awat ni Josh. "Jannelyn, ano bang nangyari?" mahinahong tanong niya sa kaniya.

Bumuntong-hininga muna siya. "Sige na nga!" sigaw niya bago ako hilahing bigla papunta sa kung saan.

"Bakit mo ako hinihila!?" naiiritang tanong ko.

"Ito na!" sigaw niya. Pinakita niya ang kotse ko. "Sorry, ha? Inutusan lang naman ako ng Mommy mo at kailangan kong sumunod dahil siya ang boss ko at sak-"

"Paano ako? Kailangan mo rin akong pakinggan at anak ako ng boss mo!" sigaw ko.

"Binabayaran mo ba ako?!" sigaw niya rin.

"Ang dami kong pera, bibigyan kita ng milyon-milyo-"

"Teka nga! Wala ka na do'n! Aalis na ako, eh!" sigaw niya at tinalikuran ako.


Napairap na lang ako dahil sa babaeng 'yon. Matapang pero umiiwas naman kapag nakatingin ako sa kaniya. Pumasok ako sa kotse ko at pinaandar na ito. Nagulat na lang ako nang biglang umulan.



"Kainis! Ang sama mo talaga!" sigaw ng babae na nasa harapan ng kotse ko.

Nagulat ako nang makitang si Jannelyn 'yon. Bumaba ako sa kotse ko. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Umuulan. Magkakasakit ka niyan!" sigaw ko.


Tiningnan niya ako nang masama. "Alam mo, may saltik ka talaga! Ako pa 'yong tinatanong mo nang gan'yan, eh ikaw 'tong may sakit sa atign dalawa!" sigaw niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Anong pinagsasasabi mo?" tanong ko. Wala naman akong sakit.

"Alam mo kung bakit? May sakit ang ulo mo at kahit kailan ay hindi na 'yan magagamot!" sigaw niya sa akin.

"What?!" sigaw ko.

"May sakit ka sa utak!" sigaw niya sa akin.

Ano? Ano ulit ang sinabi niya?! Hindi ko siya naiintindihan!

"Hoy!" sigaw ko.

"Ano ba?!" sigaw niya sa akin.

"Pumasok ka! Kita mong umuulan, oh!" sigaw ko sa kaniya. Humikbi siya. "Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kaniya.

"Kainis ka!" sigaw niya sa akin. Hindi ko siya naiintindihan.

"Ihatid na kita. H'wag ka nang umiyak, hindi kita naiintindihan," sabi ko.

"Kainis! Nang dahil sa pag-una ko sa'yo, nahuli ako sa date ko," bulong niya.

"What?" naguguluhan kong tanong.

______________________________________________________________________________

:)

Living With Purpose (Young Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon