Happy New Year! I'm sorry for long long updated!Hindi ako nakapag update because im busy talaga this day + i have a fever guy's mahigit isang linggo na din ako may sakit kaya hindi man lang ako nakapag hawak nang cellphone but andito na!
Chapter 20 and Chapter 22 is ON!
********
Chapter 20: ULCER
"Sabi ko naman sayo, Kuya ayaw kong pumunta dito." Pagmamaktol ko. Sinamaan niya ako nang tingin.
"Wala akong pakialam, Okay? Kailangan mo magpa check up. 'Yong huli mong check up isang taon na di'ba?" Umirap ako sa kanya. "Umiiral naman niyang pagiging takutin mo sa doctor."
"Hindi ako takot sa doctor, ha?!" Singhal ko. "Eh, kase naman Kuya bakit pa sa hospital kung saan nagta-trabaho ang ex mo ha? Gusto mo lang ta ako gawing excuse para makita siya." Napa ikot ang mata ko sa kanya.
"Ikaw! Tadyakin ko yang mga mata mo! Ano bang pinagsasabi mo? Sinabi 'to ni papa sa akin. Hindi mo ba alam na sobrang busy ako?" Sabi niya.
Tinalikuran ko siya habang nakatingin lang sa nag dadaan nang mga tao kung saan kami ngayon sa hospital.
Napalipat ang tingin ko sa babaeng nagla lakad na May kasama siyang doctor. Nagsasalita yung kasama niya na doctor habang siya'y umiikot lang ang mata.
Familiar siya......
Sa mata niyang umiikot. Nagtama ang mga mata namin dalawa. Hanggang sa nilagpasan niya na ako.
Nang mga oras na yun hinarap ko si Kuya para tingnan ang babae. Naka mask yung babae! Mata niya lang ang nakita ko! Nagtataka lang ako parang nakita ko na ang matang yun...yung tipong mata na maganda kung maka ngiti.
"Ano tinitingin mo?" Nagtataka niyang tanong na kababago niya lang kausap dun sa nurse. "Tara na? Para di mag duda. Hindi tayo sa ex ko magpa pa check up, okay? Sa kaibigan ko na pangit." Diin tugon ni Kuya.
"Phew..." Sinundan ko na lang siya.
"Pagsasakit nang tiyan? Sigurado ka ba?" Nagkibit balikat na lang ako kay kuya. "Ni hindi pa mga kita nakitang sumakit ang tiyan mo! Niloloko mo ata ako!" Umirap lang ang ako.
"Ano ba talagang sakit mo? May nararamdaman ka ba?" Takang tanong nang doctor na kaibigan ni Kuya.
"Wala naman ako sakit. Sa tingin ko naguguluhan lang ako dun sa kaibigan ko na may sakit daw ako sa ulo. Saltik daw? Alam mo yung saltik?" Tanong ko sa doctor. Nagulat na lang akong tumawa si kuya na malakas.
"Haha! Oo nga, nakalimutan ko nga may saltik ka nga! Hayy naku! Saltik na lang hindi mo pa alam?! Elien ka ba?!" Takang tanong ni kuya.
"Kuya, alam ko anong saltik. Pero nagtakaka lang talaga ako wala naman ako sakit sa ulo baka kase yung pangalan nang sakit ko ay 'Saltik'." Tugon ko.
Napabuntong hininga si Kuya at napalingon dun sa kaibigan niyang doctor habang tumatawa. "Oo, alam ko na saltik talaga ang pangalan nang sakit mo sa ulo." Sabay ikot nang mata niya. "Tara na.." Kinuha niya ang coat niya at tumayo.
"Nakakatawa yang kapatid mo, Daniel. Sige, busy din kase ako, eh." Tumango si kuya.
"Sige, Salamat, Lea. Sorry ha? Nadamay pa kita dahil sa pagka saltik nang kapatid ko." Napalingon agad ako kay kuya. "Patawad talaga." Umiling siya at humakbang para umalis nasa officina nang doctor na kaibigan niya.
"Sabi ko naman sa kanya wala akong sakit,eh." Bulong ko. "Ayaw kaseng maniwala." Umiling na lang ako at nilingon ang doctor na nasa harapan ko ngayon nakangiti.
"Kung may nararamdaman ka wag kang mangambang sabihin sa akin." Tumango ako.
"Sorry pala kanina. Ayaw kaseng maniwala ni Kuya, eh. Humihingi ako nang sorry.." Sabay yuko ko sa kanya.
"Ano ka ba?! Hahahah, sanay na ako sa kuya pero parang mag kapatid nga talaga kayo alam mo na...." Tumawa siya. Tumawa na lang din ako at nag paalam na.
"Paano mo nasabi yun? Hayyst! Tara na nga, mag alala naman si Tita at si Papa." Tinalikuran niya ako at sumakay sa kotse. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni kuya. Nag alala bakit naman sila mag alala?
Humakbang ako pero bigla na lang sumakit ang tiyan ko. "Ahhh.." Bulong ko.
"Okay ka lang, Elias?" Tanong sa akin ni Jannelyn. "Kanina pa kita napapansin parang may masakit sayo." Umiling ako. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa papel na nasa harapan ko ngayon pero bigla na lang parang may kinurot sa tiyan ko
"Ahh.." Bulong ko. Bakit sumasakit ang tiyan ko? Napahawak ako sa tiyan ko.
"Okay ka lang ba talaga? Eli.." Hindi ko kayang sagutin si Jannellyn. "Ano bang masakit sayo? Tiyan mo? Gusto mo bang idala kita kay, Dr. Rojas?" Umiling ako
"Wag na. Umalis ka na. Okay lang ako." Bakit ba nag alala siya sa akin? Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Nilagpasan ko siya pero pag hakbang ko palang sumakit na talaga ang tiyan ko!
"Okay ka lang? Eli!" Sigaw niya pero nawalan na ako nang malay.
Pagmulat ko sa mata ko. Hindi ko maintindihan sumasakit parin ang tiyan ko pero hindi 'to katulad kanina. Parang may sakit nanaman ako sa tiyan.
Nangnyanyari 'to kapag hindi ako sa oras kumakain.
"Eli! Gising ka na!" Isang boses nag pagaan nang loob ko. Nilingon ko ang nasa tabi ko na naka upo.
Nag alala ang mata parang gustong malaman kung okay lang ba talaga ako hindi ko maintindihan ang nararamdaman niya pero pakiramdam ko nag alala siya.
"Eli! Okay ka na ba? M-medyo masakit parin ba yung tiyan mo? Anong masakit sayo?" Sunod sunod niyang tanong.
Hindi ako naka sagot dahil sa kinuha niya ang kamay ko at may ginawa siya na bigla na lang ako na ang palad niya ay nilagay niya sa noo ko.
"Mababa na ang lagnat mo. Stable na din ang pulso mo. Kanina halos kabahan talaga ako bakit ba sumakit yung tiyan mo kanina?" Tanong niya. "Ano bang masakit sayo? Sumagot ka nga!" Sigaw niya.
Umupo ako hindi ko kayang umupo kaya't tinulungan niya ako. "Okay lang ako medyo sumasakit pa yong tiyan ko. Ano bang nangyari? Sinong nagdala sa akin dito?"
"Eh, sino pa edi ako!" Sigaw niya. "Hayyst. Sa tingin ko may ulcer ka. Katulad pala tayo dalawa nung isanga araw lang ako nagpa check up may ulcer din ako mabuting naagapan agad ang sakit mo." Tumango lang ako.
"Si Dr. Rojas?" Takang tanong ko na walang doctor sa clinic.
"Wala nga pala si Dr. Rojas kaya wala ako nagawa kundi bigyan ka na lang nang gamot at ipababa ang lagnat mo. Siya nga pala, Eli may ganito ka ba talagang sakit? Ulcer?" Tumango ako sa tanong niya. "Taon taon ba 'to?" Tumango din ako.
"Sa tingin ko kailangan mo na magpa check up talaga sa doctor wala kase si Dr. Rojas sa sunod pa daw yun Linggo uuwi. Tinawagan ko na ang Kuya mo papunta na siya."
Tumango ako at uminom nang tubig. "Salamat. Salamat Jannelyn."
"Kung nagpapasalamat ka talaga may kapalit." Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Wag mo na akong iwasan." Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Kung ganun napapansin niya ang pag iwas ko sa kanya?
___________________________________________________________________________
:)
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomansaYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...