Chapter 27: Sampaloc
"Why do you believe that? Butterflies in your stomach? Really? Saa'ng libro mo yan nabasa?" Tanong sa akin ni Vincent.
I chuckled. Pagkatapos kung sabihin kong anong nararamdaman ko kapag nakikita ko si Jannelyn tumawa na lang siya dahil sa sinabi ko. Hindi naniniwala. Hindi pa kase nag ka-crush. Andito kami ngayon sa classroom namin, hindi pa dumadating si Tanda ang adviser namin.
"How does butterflies in your stomach happen? Maybe you're having bowel problems?!" He shout. Hindi ko na lang siya pinansin. Panira talaga 'tong lalaki 'to. Hopeless love kase kaya walang alam.
Masama bang maniwala sa mga naririnig ko kay Jannelyn? Lagi ko naririnig yun sa kanya pero hindi ko naman alam kung naramdaman naba yun ni Jannelyn.
"Ayan yan ang napala mo kay Jannelyn." Ngumuwi sa akin si Vincent. "Kumain ka kaya nang kalamansi kung maramdaman mo pa yan." Sabay ikot nang mata niya.
"Ang mga taong mahilig kumain nang mapait ayan napapala sa mga taong walang love." Singit ni Jannelyn. "Wag kang lumapit sa kanya, Eli. Mawawalan ka nang lovelife diyan." Tinaasan nang kilay ni Vincent si Jannelyn at tumakbo sila sa classroom parang mga bata.
Tumawa na lang ako at tinuon ang tingin ko sa papel. Mag te-test na kami mamaya. Sana makapasa ako.
"You being a devil na, ha?!" Sigaw ni Jannelyn kay Vincent.
"Aw.." Komento ni Vincent kay Jannelyn.
"Aso ka nga. Nakalimutan ko." Sabay ikot ni Jannelyn sa mata niya. Masama ang tingin ni Vincent sa kanya at hinabol siya.
Nakatayo ako sa harapan nang tree house kung kailan lang ako nandito. Gumanda na ang tree house dahil sa mga dekorasyon ni Jannelyn hindi ko lang din alam kung anong plano nang babaeng yun dahil mahilig naman sa mga bagay na bago niya lang nakita.
"O, ikaw pala yan." Napalingon ako kay Junjun na nasa gilid ko at kagat ang labi. "Anong ginagawa mo dito? Kasama mo ba si Jannelyn?" Sumingkit ang mata ko.
"Hanggang ngayon ba may gusto ka parin sa kanya?" Tanong ko.
"Ha?" Nagugulahan niyang tanong pero mga ilang sandali bigla na lang tumawa. "Ano ka ba?! Ang seloso mo, Elias! Halaka! Akala ko ba nangliligaw ka pa?" Tanong niya.
Tumango ako. "Pero magiging boyfriend niya na ako." Mayabang sabi ko.
"Magiging palang," Sinamaan ko siya nang tingin. "Hayyst! Bahala ka. Pero eto lang ang masisiguro ko, Elias wag mong ipalala ang nararamdaman mo sa kanya baka ikaw lang ang masaktan." Tugon niya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit ba lahat nang tao binibigyan ako nang isang babala dahil sa feelings ko lang kay Jannelyn, ha?" Nagugulahan kong tanong.
"Kung babala ang tingin mo doon. Kung ganun yun ang isipin mo." Tugon niya. "Kumain ka na. Hindi ka pa daw umuuwi. Hanggang kailan ka ba dito?" Nagugulahan niyang tanong at tinalikuran ako.
"Hanggang sa magsawa ako." Tugon ko.
Hindi ako umuuwi mauuna sa bahay namin o sa condo ko. Wala akong planong umuwi. School, uwi sa tree house lang ang talaga ang plano ko para masiguro ko na makikita ko si Junjun. Natatakot akong mawala nanaman siya katulad sa ginawa niya noon.
At saka curious din ako kung ano ba talaga ang katotohanan kung bakit niya ginawa yun.
Hindi ko lang magawa dahil kailangan kong ihatid si Jannelyn sa work niya. Binabantayan ko din siya sa bar dahil dun ang trabaho niya. Hindi nga lang gaano ka taas ang sweldo. May pina-plano ako pero hindi ko parin nagagawa nga kase parang mahirap yun.
Naghihintay parin ako sa sagot niya. Kahit pwede naman agad ako manligaw sa kanya pero mas maganda may permiso diba? Para mas sure? Sasagutin sana ako! Hindi sana 'to magtagal! Kainis naman! Bakit kase ako nagkakaganito? Kahit gusto ko naman main-love? Wala kang talaga ako magawa sa nararamdaman ko!
"Ano ba yun?" Takang tanong ko. Nagulat na lang ako na hila hila ni Jannelyn ang kamay ko papunta kung saan. "Ano bang problema mo, ha?" Takang tanong ko.
Binitawan niya ang braso ko at tumingin sa akin. "Ahmm..may kailangan kase ako sayo pero sana mabigay mo kung anong kailangan ko. Wala na kase ako mahihiraman, Eli. Ikaw na lang."
"Sige. Ano ba yun?" Takang tanong ko.
"Pwedeng humiram sayo nang 20, 0000?"
"Ano? I mean— anong gagawin mo dun sa pera?" Tanong ko sa kanya.
"Ano kase.... nagkasakit kase yung nanay ko. Wala akong pambayad sa hospital pwede bang tulungan mo ako? Babayaran ko naman, eh! Pwede naman ako maging Bodyguard mo! O kahit ano! Gagawin ko lahat nang gusto mo!" Sigaw niya.
Napangiti ako. "Sige. Tutulungan kita pero ang sabi mo gagawin mo kahit anong gusto ko diba?" Taning ko. Tumango siya agad. "Okay. Pero nasa'n ang nanay mo? Okay lang ba siya? Sa'n hospital siya ngayon?" Sunod sunod kong tanong. Dahil bigla na lang ako nag-alala sa Mama niya.
Ngumiti siya sa akin. "Okay lang naman si Mama. O-operahan na siya mamaya." Sabi niya. "Pero hindi siya o-operahan kapag hindi pa ako nakabayad. Pag hindi ako nakabayad mamatay si Mama." Tumakas ang luha niya.
"Kung ganun kailangan natin magmadali. Kukunin ko ang pera sa bahay namin— I mean uuwi ako. i-text mo na lang sa akin yung address nang hospital. Ako na ang bahala sa bayaran." Tugon ko.
"Salamat, Eli."
"Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa akin?" Taning ko sa kanya.
"Ayaw ko lang may nakaka-alam nang ibang tao na nahihirapan ako. At saka wala naman din ako magagawa, eh. Kailangan ko lang talaga ng tulong, kaya ikaw ang una kong napuntahan." Napangiti ako. "Salamat talaga, Eli."
"Always, Jannelyn." Niyakap ko siya. "Pero sana gawin mo yung pangako ko ha?"
"Na ano?"
"Naga gagawawin mo lahat nang gusto ko." Sagot ko.
"Yes. Pero sana legal yan." Tumawa lang ako. Ngumiti ako hanggang sa naka-uwi ako.
"Anong—" Napatigil si Mama sa paglakad dahil sa nakita niya ako sa harapan niya. Nakataas ang kilay niya at ang mga mata parang walang tulog. "Nasaan ka galing? Ilang araw ka nang hindi umuuwi, Elias!" Sigaw niya.
"I'm sorry." Tugon ko. Pero pagtingin ko sa kanya halata sa mukha niya nagulat. Anong nakakagulat?
"What?" Talang tanong niya. Pero gulat na gulat parin siya pero napalitan yun nang ngiti. "Awesome." Bulong niya at umalis na sa harapan ko.
"Nag alala sayo si, Tita. Sa'n ka ba galing ha? Kahit si Papa nag alala sayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya na nasa likuran ko.
____________________________________________________________________________
:)
BINABASA MO ANG
Living With Purpose (Young Mafia Series #1)
RomanceYoung Mafia Series #1 (COMPLETE) There is no certainty of what he is fighting for, he does not even know if he will be happy with its result. There is no certainty of Jannelyn's love for him but even so, he still wants to fight his love for Jannelyn...