"Okay push Lily, push!" Sabi ni Abigail habang pinapairi ang kaibigan. It's one in the morning at heto sila ngayon sa Ospital. Siya agad ang kinontak ni Micheal ng pumutok ang panubigan nito ng dis oras ng gabi.
"Uugghhh!" Malakas ko namang ire habang nakahawak sa kamay ni Micheal. Im expecting that giving birth will be painful like this pero mas masakit pa pala sa inaakala ko! Hindi ko maipaliwanag!
"Nakikita ko na Lily! Nakikita ko na! Push again! Yes! Push!" Sabi ulit ni Abigail, halos kinse minutos na sila dito pero nahihirapan si Lily umire mula pa kanina.
Huminga muna ako ng malalim at mahigpit na kumapit pa sa kamay ni Micheal, i saw him sweating at ganoon din ako. "Ugghhh!" Malakas kong ire ulit.
"There you go! Heto na ang baby niyo!" Nakangiting sabi ni Abigail habang hawak ang baby nila Micheal at Lily. "It's a baby girl Lily!"
"Aaaah! M-meron pa Abby! Shit! Uggghh!" Sabi ko naman
ng muling humilab ang tiyan ko.
Agad tiningnan ni Abigail ang puwerta ni Lily, at laking gulat niya na meroon pa ngang isang ulo na nakita siya doon. "You have twins?" Hindi makapaniwalang sabi ni Abigail. Agad niyang binigay sa attending nurse na naroon din sa kuwarto ang unang baby na lumabas. "Push again Lily! Lalabas na ang baby niyo! Lalabas na!"
Kinakabahan at malamig ang pawis na nakatingin si Micheal kay Abigail. We have twins? Shit! Good job sperm cell! Mayabang niyang sabi sa sarili, at tiningnan muli ang asawa na halos namimilipit na naman sa sakit, balewala ang kuko nito na bumabaon sa braso niya. Kita niya kung gaano ito nahihirapan sa panganganak. "Come on sweetie, you can do it!" Hinalikan niya pa ito sa noo.
"Ayan na Abby! U-ggghh!" Hirap na hirap na sabi ko.
"It's a bouncy baby girl again Lily!" Sabi ni Abigail na karga na naman ang pangalawang sanggol na inire ng kaibigan. "Oh my god!" Shock is all over her face when she look again on Lily's vagina. "I guess you have a triplets!" Binigay ulit ni Abigail ang sanggol sa nurse na naroon. Itinaas niya pa uli ang telang nagtatakip sa ibabang parte ni Lily. "Diyos ko Lily umire ka ulit!"
Napatingin na ako kay Micheal, are we really having a triplets? My god masasakal niya ako dahil hindi ako nagpa ultrasound! "P-pagod na ko Micheal, Abby.." Naiiyak na sabi ko habang namimilipit sa sakit.
"Don't sleep! Come on Lily, kaya mo yan! Push again! Sige na push!" Muling sabi ni Abigail na nakapatong ang isang kamay sa may puson ni Lily.
At muli akong umire ng malakas kasabay ng aking pagsigaw sa loob ng labor room. "Ayan na Abby!!"
Agad kinuha ni Abigail ang pangatlong sanggol na nilabas ni Lily. Ito ang unang beses na nagpaanak siya ng triplets sa tinagal-tagal niyang maging doktor! Abd it's really unbelievable specially normal delivery lang ito at hindi via cesarean section. Pero nahindik si Abigail ng tumingin ulit siya sa puwerta ni Lily. "Ay putangina! Meron pa Lily!!" Malakas na sabi niya ng makita na naman ang isa pang ulo sa bukana nito.
Doon na nawalan ng malay si Micheal at humandusay sa sahig, they are having a four babies, a quadruplets!
●●●●●●●
Masayang tinitingnan ni Micheal ang apat na sanggol na mahimbing na natutulog sa tabi ng asawa. They have a three baby girls and one baby boy. Sino bang mag-aakala na makakaapat agad sila ni Lily? Maski siya ay hindi pa din makapaniwala.
"Hayppp yan, anong klaseng titeee ba ang meron ka Micheal? Tangina isang anakan lang apat agad!" Pagod na sabi ni Abby.
"Abigail Cristine!" Mabilis naman na saway ni Gerald sa asawa.
"Mi loves tingnan mo naman kase isang anakan lang nito ni Lily apat agad." Paliwanag naman ni Abigail. "Tsaka first time ko ito magpaanak ng quadruplets ano! Tapos kaibigan ko pa." Paliwanag naman ni Abby.
Napangiti ako sa sinabi ni Abigail, ilang beses na akong nag-pasalamat sa kanya simula kanina ng magising ako. Maski ako ay hindi pa din makapaniwala na apat ang anak namin ni Micheal. Kaya pala noong nag-bubuntis ako ay napakabigat ng tiyan ko dahil apat pala sila!
"Basta congratulation sa inyong dalawa, Lily Micheal." Sabi ni Gerald. "Ninong ako sa apat ha? O siya iwan muna namin kayo dito, alam kong pagod pa itong si Lily."
"Thank you din pare, iuwi mo na yan si Abigail at pumapasma na naman ang bibig." Natatawang sabi ni Micheal.
"Siraulo to! Wala ka ngang ambag kanina sa labor room eh. Hinimatay ka pa! Loko may cctv doon hihingi ako ng kopya para makita nila Eros." Naiinis na sagot ni Abigail, buti na lang at nasa Ospital din si Gerald kaya tinawag niya ito kanina ng himatayin si Micheal para buhatin palabas.
Namumula naman ang mukha ni Micheal sa sinabi ng kaibigan. Aba kahit sino naman hihimatayin kanina, yung dalawa pa nga lang ang naiire ni Lily kanina ay sobrang saya niya na tapos naging apat pa!
"They are sleeping peacefully sweetie." Sabi ni Micheal sa asawa na mukhang pagod na pagod pa din hanggang ngayon. Sobrang bilib siya dito dahil nakayanan ng asawa ang manganak ng apat na sanggol. At sobrang saya niya kanina ng tawagan ang mommy at kapatid niyang si Elisha, maski ang mga ito ay hindi din makapaniwala na quadruplets ang anak nila! At maya-maya siguradong nandito na din ang mga ito sa Ospital.
"I love you Lily, and thank you for giving birth this four babies.."
"Handa ka na ba sa gastusan Micheal? Apat yan." Mahina at may pag-aalala kong tanong sa kanya. I know Micheal will be a good father and provider for us pero hindi talaga namin ineexpect na apat ang isisilang ko.
"Don't worry about it, ako ang bahala sayo at sa mga anak natin." Seryosong sabi ni Micheal, buti na lang talaga at nakabili din siya ng lupa sa tabing dagat sa bayan ng Caspir kaya mauumpisahan na ang construction ng plano niyang Resort doon. Ngayon kailangan niyang mas mag-pursige lalo pa at apat ang anak nila ni Lily.
"Salamat Micheal." Hinawakan ko ang kamay nito, wala akong mahihiling pa dahil binigay na ng diyos ang pamilyang gusto ko. Kung hindi dahil sa lalaking ito na nasa tabi ko hindi magbabago ang buhay ko. "Mahal kita, mahal na mahal."
THE END.
