Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
––– JUST A CHANCE –––
"Elaiza!" Sigaw ni Adrien mula sa taas ang nakapagbulabog sa ginagawa kong project para sa client ko.Napatayo ako nang makita siyang madilim ang tingin sa akin. Here we go again. Ano na naman kaya ang ginawa kong mali?
Hindi ako makasagot dahil sa takot. Alam ko naman na galit na naman siya sa akin eh. Walang araw na hindi siya ganyan sa akin noon. Para kasi sa kaniya ako ang nagiging hadlang sa mga gusto niya sa buhay. Hindi ko naman hiniling na makasal sa kaniya. Oo gusto ko siya noon pa, pero kahit kailan ayaw ko siyang pagkaitan ng kalayaan, sadyang inarranged marriage lang talaga kami ng mga magulang namin.
"Ano na naman 'to?!" Sigaw niya ng makalapit sa akin.
Napaatras ako habang siya ay naglalakad papalapit sa akin.
"Wala akong ginawa Adrien." Ilang ulit akong umiling habang nanginginig na.
Nakakatakot ang mukha niya ngayon. He's really mad and I don't like where this is going.
"Ah wala talaga ha!" Napapikit ako sa sobrang takot. "Ano na naman bang pumasok sa kukote mo at pati si Amira dinamay mo na naman. Bakit mo na naman siya tinakot na hiwalayan ako. Akala ko ba ayos na sa atin na maging girlfriend ko siya!"
What the heck?! Tinakot?! Ni hindi ko nga pinakialaman ang babaeng 'yan at hindi ko nga alam na sila na pala dahil para ngang wala rin siyang pakialam kay Ian. I won't waste my time on her. Sinisiraan niya pala ako kay Ian.
Tapos ano sasabihin na tinatakot ko na hiwalayan niya na si Ian? Baka nga gawa-gawa niya lang 'yon para mahiwalayan na si Ian dahil may iba na siyang lalaki. Ayaw lang niya na sa kaniya sumama ang tingin ni Ian kaya ako ang ginamit niya para sa akin na magalit si Ian.
Mautak talaga.
"Wala akong ginawa Adrien, promise." I don't know why but suddenly I wanted to cry and I'm just fighting the urge to do it.
Pero ayaw niya akong paniwalaan kaya hindi ko na napigilan ang bunganga ko.
"Oh bakit sa akin mo sinisisi lahat? If you are a couple you should know on how to fix each other's misunderstanding, hindi 'yong pati ako na nanahamik dito ay ako ang sisisihin mo. Kung mahal ka niya, then she should know on how to trust you. If both of you are a couple you should act like a couple and not just fucking dating! Mahal niyo ang isa't isa hindi ba? Eh bakit hindi niyo mapakita sa isa't isa. Sasabihin mo pa na ako ang may kasalanan? Kasama ba ako sa relasyon niyo para sabihin mo 'yan? Ang tanda niyo na pero kung umasta kayong dalawa parang mga teenager at mandadamay pa ng iba!"
Naaawa na ako sa sarili ko. Ako na lang palagi ang kawawa, ako na lang palagi ang may kasalanan, ako na lang palagi ang pinagbubuntungan ng galit. Wala naman talaga akong kasalanan pero ako ang palaging sinisisi, ako ang may mali, ako ang dinadawit.
Loving Ian was the greatest mistake I've did in my entire life. Kung sana hindi ko na lang siya nakilala noong mga bata pa kami, kung sana hindi ko na lang siya ginustong maging kaibigan at nilapit-lapitan hanggang sa nahulog na lang ako bigla sa kaniya, kung sana hindi na lang ako pumayag sa arranged marriage na ito, edi sana masaya ako ngayon, hindi nasasaktan, buo pa rin, matatag pa rin, hindi nagpapakatanga, at higit sa lahat, hindi ako magagalit sa sarili ko, hindi ko sisisihin ang sarili ko.
Sana hanggang ngayon hindi ko naubos ang pagmamahal ko sa isang tao hanggang sa wala nang natira para sa sarili ko na hindi ako kayang mahalin pabalik, pahalagahan, at respetuhin.
Nanatili akong nakatungo at siya naman ay nasa harapan ko na halatang galit na galit na dahil ang kamay niya nanginginig na, parang kahit anong oras kaya niya akong saktan.
"Sorry, pero wala talaga akong ginawa." Nilabanan ko ang mga titig niya sa akin.
At nabigla ako nang hinawakan niya ang kamay ko at dahil sa lakas niya, nang bitiwan niya ako na-out of balance ako at tumama ang ulo ko sa dulo ng lamesa. Napahawak ako dito at kumalat ang dugo sa kamay ko at tumulo pa ito sa sahig.
Hindi ko na maramdaman ang sakit sa noo ko kahit na dumdugo na ito dahil mas masakit ngayon ang puso ko. Ito na talaga ang huling pagkakataon na magpapakatanga ako sa'yo Adrien. Hinding hindi na ako magmamaka-awa sa'yo na mahalin ako pabalik. Narealize ko na may mga bagay talagang kahit gustong gusto mo hindi mo makukuha kung hindi para sa'yo.
Nagulat siya nang makita ako pagkatayo ko na puno na ng dugo ang mukha.
Sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero iniwas ko ito. Tiningnan ko siya gamit ang mga mata kong naluluha na puno ng sakit at pighati.
Sinaulo ko ang mukha niya dahil ito na ang huling pagkakataon na titingnan ko siya nang ganito ako kalapit sa kaniya. Mapait akong ngumiti at tumango-tango.
"Finally, salamat sa lahat ha. Ngayon narealize ko na kung bakit kahit kailan hindi hinayaan ng tadhana na magkagusto ka sa akin pabalik. It's because I don't deserve a person like you, and now that I have already realized it, you also don't deserve someone like me especially my love for you. Hindi naman nasayang, at least may mga natutuhan din ako at narealize kagaya ng hindi lahat ng bagay na gusto mo makukuha mo dahil mas deserve mo ang mas best pa roon. Loving you was a great experience, pero hanggang experience lang talaga, you don't deserve to be a lifetime."
After that, I walked out. Leaving him looking dumb.
BINABASA MO ANG
Just a Chance (Aces Band Series #1)
RomanceAces Band Series #1 First chance, second chance, o kahit ilan pa 'yang chance, hindi natin sinasayang 'yan kung mayroon man para lang maabot o makuha ang mga gusto natin. Chance na pinaghihirapan natin na makuha para sa isang bagay kagaya ng kapataw...