"Asher, where are you na?" Bungad ko kaagad nang sagutin ni Asher ang tawag ko.
Siya kasi ang kasama ko papunta ngayon sa Merands at susunduin niya raw ako para siya na rin ang maghahatid sa akin pauwi. Ayaw niya akong hayaang magdala ng sasakyan dahil baka raw malasing ako.
"On the way. Ang atat mo. Nagmamadali ka bang makita si ano roon?" I heard him chuckled on the other line.
"Ano? Hindi kaya. Wala na akong pakialam doon sa kaniya, gusto ko lang naman kasi talagang makabonding kayo." Mahaba kong paliwanag kaagad at huli na nang marealize ko na ang defensive pala ng sagot ko.
"Woah woah. Wala naman akong sinabing pangalan pero may tinutukoy ka na at defensive pa masyado ang sagot. Tsk tsk tsk, ikaw Ela ha." Hindi ko man siya nakikita pero alam kong nakangisi na ito ngayon.
Napairap ako habang naririnig ang tawa niya.
"Ewan ko sa 'yo, bilisan mo na anong oras na oh. Bye," bago pa siya makapagsalita ulit pinutol ko na ang tawag at bumaba para hintayin siya sa gate.
Nagpaalam muna ako kila Mommy at Daddy bago umalis at pinayagan naman nila ako. Naghintay ako sa labas ng gate namin at ilang sandali lang ay dumating na si Asher.
Bumaba siya ng kotse niya.
"Kanina ka pa naghihintay?"
"Nope. Kakalabas ko lang actually."
"Mabuti naman, tara na."
Iginiya niya ako papunta sa kotse niya pinagbuksan ako ng pinto.
"Thanks."
Nang umalis na kami habang nagdadrive siya ay nag-uusap kami.
"Dapat pala sumunod akong Paris."
"Why? May trabaho ka kaya."
"'Yon na nga eh. Kung wala lang talaga akong trabaho susunod ako, sayang."
"For what reason?" Tinaas baba ko ang kilay ko para asarin siya.
"Para maglibot sa mga art galleries doon syempre at mga museum."
"Sus pakipot pa." Ngumisi ako.
"Lakas mo na mang-asar pero kapag ikaw inaasar pikon naman."
"Ano? Hindi kaya!"
"Kita mo 'yan, kasasabi ko lang." Napailing siya.
"Psh." I just rolled my eyes and he continued driving until we've reached Merands.
9 PM pa lang pero marami nang tao sa loob at ibang banda pa ang kumakanta dahil 10 PM pa ang Aces Band.
Inalalayan ako ni Asher papasok sa loob at hinanap namin sila Ezi. Nakakahilo pagkapasok pa lang dahil sa mga ilaw at malakas na sound, dagdagan pa ng amoy ng alak at napakaraming tao na sumasayaw sa dance floor dahil rock ang pinapakanta ng banda sa stage.
Nahirapan pa kami ni Asher hanapin ang table nila Ezi kaya nagpatulong na kami. Kilala naman kasi ang Aces Band sa mga bars dahil nga naggi-gig sila kaya tinuro sa amin ng bouncer kung nasaan sila.
And to my surprise, Ian is also there sitting on a couch while his right hand has a glass of whiskey and he's playing with it while his other hand is on the couch's head rest. He looks hot as he smiles while listening to his friends.
Pinilig ko ang ulo ko at sila Ezi ang tiningnan. I'm admiring him again and giving him praises. Sabing ayaw ko na eh, tama na Ela, bawal marupok.
"Yow, tagal niyo naman." Tumayo si Klyde para salubungin kami.
"Tagal ni Asher eh."
"Magkasama pala kayo?"
"Ah oo, sabi niya kasi delikado raw kapag magdadala pa pa ako ng sasakyan tapos malasing ako mamaya. Mas mabuti raw kung siya na lang susundo sa akin para siya rin ang magbahatid."
BINABASA MO ANG
Just a Chance (Aces Band Series #1)
RomanceAces Band Series #1 First chance, second chance, o kahit ilan pa 'yang chance, hindi natin sinasayang 'yan kung mayroon man para lang maabot o makuha ang mga gusto natin. Chance na pinaghihirapan natin na makuha para sa isang bagay kagaya ng kapataw...