Chapter 5

107 5 5
                                    

Matapos ang nangyari sa mall, ilang araw akong hindi muna lumapit kay Ian. Kahit na kating kati na akong magpapansin sa kaniya pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto ko munang siguraduhin na hindi niya girlfriend ang babaeng 'yon.

Noong mga nakaraang araw hindi pa ako ready na malaman ang totoo kaya naman umiiwas pa ako, saka na lang siguro kapag handa na akong malaman na girlfriend niya 'yon, at kung hindi man edi tuloy ang laban.  Ayaw ko lang namang mapagkamalang retri kaya hinay hinay muna.

"Hoy kanina ka pa tulala diyan" tinabig ni Cassy ang kamay ko na nakapatong sa mesa kung saan pinapatong ko din ang ulo ko kaya naman muntik na akong mauntog. Kanina pa pala kasi ako nakatulala sa pagkain ko habang nilalaro 'yon gamit ang kutsara.

"Cassy!" pinaghahampas ko siya. Dito pa naman kami sa canteen maglulunch at mabuti na lang walang nakakita.

"Ano?" natatawa niyang tanong. May patawa-tawa pa siya eh siya lang naman ang dahilan kung bakit muntik na akong mauntog. "Kanina ka pa kaya tulala, hindi kusang pupunta 'yang pagkain sa bibig mo"

"Psh" inirapan ko siya at nagpatuloy na lang sa pagkain. Medyo nawalan na ako ng gana kaya hindi ko inubos 'yon, tsaka lumamig na eh.

"Oh, 'di mo ba 'yan uubusin?" tiningnan niya ang plato ko.

"Busog na ako" sumandal ako sa upuan at pinagcross ang kamay sa dibdib.

"Eh hindi pa kaya 'yan nangangalahati" tinuro niya ang pagkain ko.

"Busog na nga ako"

"Ewan ko sa'yo" nagpatuloy na lang siya sa pagkain habang ako naman nagcellphone muna, dahil alam ko mamaya pa talaga 'yan matatapos kumain.

"Ikaw na mauna" narinig kong saad ng isang babae sa kasama habang naglalakad papunta sa gawi nila Ian na kumakain. Napatigil ako sa pagcecellphone at bumaling sa kanila na tumigil sa tabi ng table namin ni Cassy. Nasa right side kasi ang table namin at isang table ang pagitan kila Ian na nasa left side naman.

Tahimik na kumakain ang lima, himala nga dahil hindi sila ngayon nag-aasaran.

"Ikaw na" siniko siya ng isa.

Napabuntong hininga na lang ako, parang artista naman ang limang 'to. Kahit mga schoolmates namin halos mamatay na kapag nakita ang lima.

"Sabay na lang tayo" ani ng babae.

"Sige na nga" magkahawak kamay silang lumapit sa table ng lima.

"Uhm, pwede magpapicture" pinakita ng babae ang phone niya kaya napabaling ang atensyon ng lima sa kanila.

"Sure" si Ezi kaagad ang sumagot. Inayos pa nito ang buhok na para bang magulo na eh hindi naman. Kahit kailan hindi mo kasi makikita ang limang 'yan na marumi, palaging nakaayos ang buhok, walang kusot ang uniform, ang bango ng hininga na para bang toothpaste siguro ang iniinom nito, tapos ang bango pa na parang ang pabango ay niligo na.

Tumayo ang isang babae sa harap at hinawakan ang camera paharap para mag group selfie sila. Si Ezi, Reighn at Klyde nakatingin sa camera at nakangiti habang si Ian at Xean naman ay nakatutok lang sa kinakain at walang pakealam sa nagaganap sa paligid nila.

Napailing na lang ako at binalik ang tingin sa phone ko. Baka mamaya hindi ako makapagpigil at lapitan ang lima lalo na at miss ko na silang makasama.

"Ela" tinapik ni Klyde ang balikat ko nang madaanan nila ang table namin, palabas na sila ng cafeteria.

Nginitian ko lang siya ng tipid.

"Una na kami" saad ni Ezi kaya tumango lang ako.

Naglakad na sila at noong dumaan si Ian sa table namin umiwas kaagad ako ng tingin.

Just a Chance (Aces Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon