Chapter 27

93 1 0
                                    

"Ela, are you okay?" Bungad kaagad sa akin ni Cassy nang sagutin ko ang video call niya.

Dalawang araw na ang nakalipas simula noong nagkasagutan kami sa restaurant. At dahil nga may mga nakakilala kay Ian, mabilis na kumalat and issue. Someone posted the video of our confrontation, and now it became a big issue on the internet. Marami ang nakisawsaw, and it's not helping anymore, it just made things worst.

Mas gumulo ang buhay ko. Hindi ako tinitigilan ng mga tao sa mga tanong nila, at nadamay pa ang mga kaibigan at pamilya ko. Ang malala pa ay nagkaproblema ang Aces Band kaya hindi pa muna sila nakaka-gig ngayon, sila rin kasi ay inuulan ng mga fans ng tanong tungkol sa amin ni Ian dahil dati siyang miyembro nito.

Dalawang araw na rin akong hindi makalabas ng unit ko dahil baka hindi kami tigilan ng mga tao. Hindi ako umuwi sa bahay namin nila Ian, I don't want to see him right now. Pinagbawalan din ako ng mga magulang ko na umalis muna ngayon dahil delikado, hinihintay lang namin na humupa ang issue muna.

"I don't know." I shrugged.

I'm not even sure if I'm okay or not. Half of me says that I'm fine, hindi naman kasi ako nagpapaapekto sa mga tao sa paligid ko, but another half of me says no dahil sa sitwasyon namin ni Ian. I'm worried dahil baka mas lalo siyang magalit, dahil sa akin na naman ay nagulo ang buhay niya.

"Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin? Ang tagal na pala nito." Umakto pa siyang nagtatampo.

I let out a heavy sigh. "I'm really sorry Cass, pamilya lang kasi talaga namin ang nakamaalam, ayaw ko naman na hindi sumunod sa gusto ni Ian. He wants to keep this private kaya hindi na ako nagkwento pa. Ayaw ko kasing mas magkaroon ng gulo." Malungkot akong ngumiti sa kaniya.

"Ano ka ba. I understand naman, no need to say sorry. Now that I know, sana pala hindi na ako umalis, wala ka tuloy nakakasama diyan at walang nagcocomfort sa'yo, kailangan ko kasi talagang umalis."

"Ayos lang. We can still talk naman, kahit malayo ka kahit papaano a gumagaan pa rin ang pakiramdam ko kapag kausap ka."

"I understand that you want to keep things private right now, pero ang about lang sa ngayon between you and Ian, hindi pa rin naayos?"

"Hindi na yata maayos ito, mas lumalala pa nga dahil sa nangyari. Dalawang araw ko na siyang hindi kinakausap, hindi rim ako umuwi sa bahay naming dalawa. I don't know if this is right, pero kasi ngayon, nagalit talaga ako kay Ian dahil sa ginawa niya. Para kasing hindi niya man lang pinahalagahan ang marriage namin, kahit kaunting respeto lang sana. I only want his respect to me as his wife, even if he hates me sana man lang nirerespeto niya ako, pero he never showed it to me, I'm just nothing to him." My eyes get blurry again because of my tears.

Hindi na yata ako natigil sa kaiiyak, kahit noong nakaraan pa. Hindi pa rin nauubos ang mga luha ko. Ang sakit na kasi sa dibdib.

"Girl, he don't deserve you anymore. Ian is my friends also, pero sobra na ang ginagawa niya sa'yo. Stop being tanga na. You love him, I know that, pero hindi rin sa lahat ng oras ang puso natin ang dapat nating sundin, gamitin mo rin ang utak mo. You have the rights to get mad at him, it's normal, ikaw nga nagagalit lang sa kaniya habang siya may sama na ng loob sa'yo. See thay Ela? Ang ginagawa niya nga sa'yo mas malala pa, wala kang kasalanan dahil wala pa nga 'yan sa kalingkingan ng mga kasalanan niya. Stop it na Ela, ayaw kong nakikita kang nasasaktan pa."

"I'll stop naman, I'm already getting tired, sinasagad ko lang. Kaunti na lang susuko na rin naman ako, I'm just giving him some chances if he'll grab it, kung wala pa rin, then I'll set him free."

Napabuntong-hininga si Cassy. "Sus Sinabi mo 'yan noon, pero tingnan mo ngayon siya pa rin. Ang rupok mo naman."

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Marupok ako, noon pa man dahil mahal ko eh. Hindi naman natin napipigilan ang puso kapag tumibok na ito, hindi rin natin ito natuturuan kung kanino dapat tumibok.

Just a Chance (Aces Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon