"THE LAST CHANCE"
I focused myself on my studies nang umalis na kami ng bansa. Sinubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral para kapag umuwi ng Pilipinas may mapapatanuyan ako sa kanila... sa kaniya.
I have friends here but not like the friends I have in the Philippines. Cool lang kami, hindi masyadong close at nagsasama lang sa school dahil mga kaklase ko sila. I somehow miss my friends... my band mates.
Si Ina busy rin sa pag-aaral niya sa Arts. Nagbago na nga siya eh, ibang-iba na sa Ina noong una namin siyang natagpuan. She's more matured now, umiba rin ang iba niyang features.
Nagtataka nga lang ako kung bakit masyado siyang passionate sa ginagawa niya. Not that I question her skills because I know that she loves art, pero kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Para bang may isa pa siyang rason kung bakit ito ang napili niya.
Masaya nga rin ako dahil walang lalaking umaaligid sa kaniya. I want her to focus on her studies first because I know that she have dreams. Napapaisip nga lang ako kung bakit hindi talaga siya nagpapaligaw like other girls, kakaiba. Hindi sa gusto ko itong mangyayari pero parang wala siyang ganang mag-entertain ng iba.
"I gotta go," pagpaalam ko sa mga kaklase ko sa aviation dahil papauwi na ako.
Sumakay ako sa kotse ko at dumiretso na sa bahay namin. Napagod ako dahil kanina marami kaming inaral.
We have a house here in Florida, actually it's our grandparents from my mother side that owned this house. We're living with them.
Nasa living room sila Mommy at parang seryoso ang pinag-uusapan nila ni Daddy nang makarating ako sa bahay.
"Is there a problem?" I walked towards them and kiss them in the cheeks.
"We've got an evidence kung bakit nawala si Ina back then." Sabi ni Mommy.
Napaupo tuloy ako sa isang couch para makapag-usap kami ng maayos. Ang tagal na ng incident na ito pero hindi pa rin ito nawawala sa isipan ng pamilya namin at hindi tumitigil si Daddy para malaman ang pinakadahilan ng pagkawala ni Ina kahit na nahanap na namin siya.
"Ano po 'yon?" Curious kong tanong. Pinaghawal ko ang dalawa kong kamay dahil kinakabahan ako sa maaari kong marinig, para kasing hindi ito maganda.
"May possibly na sangkot ang mga Velasquez dito. Pero hindi pa naman further na inaakusahan ko sila, we still have no concrete evidence. I still need to know everything. Para lang kasing may kinalaman sila dahil may nakakita na roon sa amusement park ang isang bodyguard nila nang mga oras na nawala si Ina." Saad ni Daddy, seryoso siya.
Hindi ako nakapagsalita. Bakit sa lahat sila pa? Malaki ang tiwala ko sa kanila, close na kaming lahat. At mahal ko ang unica hija ng mga Velasquez. They better have a good reason if ever this will be proven as the truth.
Pero nang mapatunayan 'yon, nagalit ako. Sinira nila ang pamilya namin na dapat ay masaya. Kaya dahil din doon kahit mahal na mahal ko si Ela, nadamay siya sa galit ko. Importante kasi si Ina sa akin. Hintayin nila ang pagbabalik ko, they will literally pay. We don't deserve what happened to us, we were innocent kids.
"Good job Hermosa," pagpupuri ng instructor namin isang araw habang nasa field kami at nag-aaral magpalipad ng eroplano.
Ilang buwan na lang babalik na ako ng Pilipinas. I miss them already especially her... pero dahil sa mga nalaman ko, ewan ko na lang kung kaya ko pang harapin sila ng pamilya niya.
BINABASA MO ANG
Just a Chance (Aces Band Series #1)
RomanceAces Band Series #1 First chance, second chance, o kahit ilan pa 'yang chance, hindi natin sinasayang 'yan kung mayroon man para lang maabot o makuha ang mga gusto natin. Chance na pinaghihirapan natin na makuha para sa isang bagay kagaya ng kapataw...