Chapter 3

86 8 8
                                    

"Ela," tumakbo si Cassy papunta sa akin. "I missed you. So, how's your vacation?"

I'm now a high school student and Cassy is my best friend. Nakilala ko si Cassy noong elementary at simula no'n naging magkaibigan na kami. During my elementary days hindi ko pa rin nakukuha ang loob ni Ian. Kahit anong pilit ko na maging kaibigan niya at mapalapit sa kaniya itinataboy niya pa rin ako.

"It was fun," sagot ko sa tanong niya. "Wala namang bago, New York pa rin." Every vacation kasi sa New York kami pumupunta ng parents ko para bisitahin ang grandparents ko.

Semestral break namin noong nakaraan kaya pati si Cassy nagbakasyon din kasama ang pamilya niya sa probinsya kung saan nakatira ang grandparents niya.

"Pasok na tayo, baka malate pa tayo sa first class natin." Pag-aaya niya at hinawakan ang kamay ko para hilahin papasok.

Habang naglalakad shinare niya sa akin ang mga ginawa nila sa probinsya. Hopefully I can go there someday, I need a break from this stressful city, I need some fresh air and a peaceful place to relax.

"Alam mo ba may crush na ako doon, kaibigan ng pinsan ko," pagkukwento niya. "Ang gwapo niya beh," niyugyog niya ang balikat ko at parang kilig na kilig habang iniimagine ang itsura ng crush niya sa isipan.

She's always like that everytime she has a crush or when talking about a guy.

"Lahat naman nang namemeet mo na lalaki gwapo para sa 'yo," saad ko.

"Gosh, hindi kaya." She denied and rolled her eyes. "Ikaw nga 'di pa rin kinacrushbabk." Inismiran ko tuloy siya. Natamaan ako do'n ah.

Yes, she knows that I like Ian. I realized that I like him when we were Grade 3. Siguro dahil sa kakahabol ko na maging kaibigan siya nahulog ako. Pero hanggang ngayon, kahit anong papansin ko sa kaniya hindi niya ako binibigyang pansin. Basta kahit anong mangyari hindi ako susuko, makukuha ko rin siya.

"H'wag mo nang ipaalala, please." Inirapan ko siya. I accept na hindi niya ako magugustuhan, pero malay natin soon. O kahit hanggang friends man lang, ayos na rin naman ako roon.

"Marupok ka rin eh," saad niya. "Tinataboy ka na nga ng tao hinahabol mo pa rin."

"Hindi mo pa kasi naranasan magmahal," ngumuso ako.

Iba kasi ang feeling kapag talagang in love ka na sa isang tao. Lahat gagawin mo para sa taong 'yon kahit na sa ikakasira mo pa. Iba 'yon sa admiration lang kagaya ng mga crush na 'yan.

"Tss, kapag ako nagmahal 'di ako tutulad sa'yo," she said and smirked.

Talaga lang huh? Tingnan natin kapag talaga nahulog ang isang 'to lagot siya sa akin. Kakainin niya rin lahat ng sinabi niya.

Nang makarating sa classroom wala pa ang lecturer namin kaya nag-usap pa kami ni Pat, pero habang nag-uusap napalingon ako sa pinto nang magtilian ang mga kaklase ko. Kapag may klase naman talaga ganyan sila sa tuwing papasok ang grupo nila Ian. Yes, may mga kaibigan siya, actually kabanda. Sumali si Ian sa banda na 'yan noong nagsimula kaming maging high school, at dahil do'n nagkaroon siya ng mga kaibigan.

Mahirap kaibiganin si Ian kaya hindi ko nga alam paano siya pinag-tiyagaan ng mga kabanda niya. Sobrang suplado kasi.

"Hi Ian," bati ng isa kong kaklase na babae.

Sa limang miyembro ng banda nila, si Ian ang may pinakamaraming fans. Hindi naman katakataka dahil gwapo siya, matalino, talented, kahit ako nga nahulog. Kaso, masyado siyang seryoso at tahimik, wala siyang pinapansin maliban sa mga kaibigan niya.

"Excuse," 'yan lang ang tangi niyang sinabi at nilagpasan ang mga nagkukumpulan kong kaklase.

Nadaanan nila ang upuan ko kaya binati ako ng mga kaibigan niya maliban sa kaniya na diretso lang naglakad patungo sa upuan niya.

Just a Chance (Aces Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon