Chapter 40

113 4 0
                                    

I woke up seeing Ian's arms wrap around me. Napatingin naman ako sa katawan ko sa ilalim ng kumot at napapikit, I am only wearing my underwear. Hindi man lang siya nag-abalang bihisan ako kagabi matapos ang nangyari.

Napatingin naman ako kay Ian na tulog pa rin sa tabi ko. He's topless kaya kita ang ganda ng katawan niya.

Napatingin ako sa mata niya, ilong, at labi. Ang gwapo niya. Napangiti na lang ako dahil ganitong view ang nakita ko pagkagising ko. Hindi ako magsasawa sa ganitong view.

Sinubukan kong tumayo pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin at dahan-dahan niya ring minulat ang mga mata niya.

"Let's stay like this na lang muna. Ngayon lang kaya tayo ganito, sinusulit ko lang." Ang boses niya halatang bagong gising pa lang at hindi pa mulat na mulat ang mata.

Napahiga naman ulit ako ng maayos at yumakap sa kaniya. Napangiti ako habang inaamoy siya, na-adik na ako sa amoy niya.

"Masakit?" Tanong niya.

Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. Napatingin siya sa ilalim ko kaya nagets ko rin kaagad ang tinutukoy niya. Agad namang uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi.

"Medyo." Sagot ko. Hindi nga ako halos gumagalaw dahil masakit.

We did it four times last night. Ang una sa jacuzzi hanggang sa dinala na niya ako sa loob ng villa at sa kama tinuloy.

"Kawawa naman asawa ko." He gave me a smack.

"Kawawa raw pero nantatsansing ka eh." Kinurot ko ang braso niya.

"Syempre pambawi naman." Sabi nito at hinalikan ulit ako. Wala akong nagawa kundi halikan siya pabalik hanggang sa hindi ko namalayan na may nangyari na naman.

"Sabik lang talaga asawa ko, pasensya na." Aniya habang hinihingal pa sa taas ko at ganoon din ako. "Ilang taon kong hinintay 'to 'no."

"Ewan ko sa 'yo." Napairap ako at sinubukan kong tumayo pero napabalik din sa pagkakahiga ulit nang makaramdam ng sakit.

"Hala, sorry." Agad akong dinaluhan ni Ian.

"Ayos lang. H'wag ka ngang magsorry, ginusto ko rin naman." Sabi ko kaya napangisi siya.

"Let's take a bath na nga lang." Tumayo siya at binuhat ako ng pa-bridal style papasok ng banyo.

After namin maligo at mag-ayos kumain na kami ng brunch sa restaurant ng resort sa labas dahil magtatanghali na rin naman.

I'm already wearing my two-piece bikini na color blue at pinatungan ko lang muna ito ng maong shorts at see-through top. Si Ian naman nakasuot ng white plain t-shirt at board shorts na blue.

"Hindi muna ako kakain ng marami, mamaya bloated pa tingnan ang tiyan ko." Ani ko habang kumakain.

"Tss, panigurado marami mamayang titingin sa 'yo. Dapat talaga kitang bakuran."

"Sira," natawa ako sa reaction ni Ian na parang bata at ayaw agawan ng laruan.

Kaunti lang nga ang kinain ko at nang natapos ay pumunta na kaming beach. Dala-dala ni Ian ang camera niya dahil kukuhanan daw niya ako ng picture.

"Kuhanan na kita ng picture, ganda mo eh." Sabi niya sa akin nang mahinto kami sa magandang part ng beach.

"I'll remove my clothes muna."

"Sige na habang wala pang tumitingin." He went in front of me, sa likod niya tuloy ako naghubad ng maong shorts at see-through top na suot ko. May bikini naman ako sa loob pero syempre medyo awkward kung basta lang ako maghuhubad doon.

Just a Chance (Aces Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon