Paulit-ulit kong pinukpok ang ulo ko nang maalala ang mga ginawa ko kagabi. Kagigising ko lang at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga kaibigan dahil sa nangyari. Mas lalo pang sumakit ang ulo ko dahil sa kakainom kagabi. Gusto ko nang iumpog ang sarili sa pader dahil sa kahihiyan.
Sabi ko na nga ba dapat hindi na ako umiinom eh. Kapag talaga naaalala ko siya ay hindi ko na mapigilan ang sarili at kung ano-ano na lang ang ginagawa.
Nahihiya tuloy akong magpakita ngayon lalo na kay Asher dahil sa mga pinagsasabi ko sa kaniya. Sana hindi umiba ang pakikitungo niya sa akin. Baka bigla na lang siya umiwas sa akin dahil sa awkwardness.
Napatakip ako sa mukha ko. Nagdadasal na sana ay kalimutan nila ang ginawa ko kagabi at hindi nila ako pagtawanan. Ito ang pinakanakakahiya kong ginawa kapag lasing ako. Si Asher ba naman ang sinabihan ko ng mga ganoon.
"Sana ikaw na lang ang minahal ko," ngumuso ako.
"E-ela," bahagya siyang lumayo pero hinawakan ko pa rin siya.
"Sana ikaw na lang ang naunang dumating, baka ngayon masaya ako," biglang nanlabo ang mata ko dahil sa luha. "Bakit siya pa kasi! Nakakainis! Malabo ba ang mata ni kupido at hindi alam kung kanino ako ipapana?!"
"Oh god!" Napasapo sa noo si Asher. "You need to go home lady, enough of the dramas." dahil wala na akong lakas ay nakawala siya.
Habang nagdadrive siya ay panay ang mura niya dahil sa mga pinagsasabi ko hanggang sa nakatulog ako dahil sa kalasingan.
"Shit Ela! Hindi ko na talaga uulitin 'yon!" Napasabunot ako sa buhok ko.
Kumuha ako ng unan at hinampas-hampas ito sa kama ko. Ayaw ko na talagang lumabas ngayon. Hindi ko alam kung kaya ko ba silang harapin.
Pero wala rin akong nagawa dahil kailangan kong pumasok. Mabuti nga at kahapon ay tapos na ang exams namin. Ngayon ay magfafinalize na lang kami ng mga requirements. After that ay gagraduate na ako. Finally after five years matatapos na lahat ng paghihirap ko. After that ay sabay din kami ni Cassy na kukuha ng license para matatawag ko na ang sarili ko na Architect Elaiza Velasquez. Dalawang taon pa, nakaya ko nga ang limang taon, ngayon pa ba ako susuko kung kailan malapit na.
Tumayo na ako at inayos ang kama ko. Lutang ako hanggang sa matapos akong maligo at mag-ayos. Patuloy pa rin ang pag-iisip ko kung paano ko pakitutunguhan si Asher mamaya.
Nang bumaba ay kumain kaagad ako. Soup ang inihanda ni Manang dahil alam niyang may hangover ako ngayon.
"Naku Ela, mabuti nga at wala ang Mommy at Daddy mo ngayon dito. Lagot ka talaga kapag nalaman nila ang ginawa mo kagabi at mga nagdaang gabi." Patuloy ang pagsermon sa akin ni Manang habang kumakain ako.
Napanguso na lang ako dahil hindi ko naman siya kayang sagutin at alam kong mali rin ang ginawa ko.
"Sorry na po. Ngayon lang naman eh,"
"Dapat hindi ka nagpasobra, alam mo naman na hindi mabuti 'yan 'di ba." Nakapaywang ito sa harap ko. "Mabuti nga at kasama mo si Asher kaya naihatid ka niya. Inabala mo pa siya dahil bumalik pa siya dito para lang naihatid ang kotse mo."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Manang. Nakakahiya na talaga. Ang dami kong kasalanan sa kaniya ngayon. Bakit kasi hindi ako nag-isip na may dala pala akong sasakyan kaya hindi ako pwede maglasing.
"Paano po siya nakauwi kagabi?" Tanong ko kay Manang.
"Kasama niya si Cassy na dala ang sasakyan ni Asher habang si Asher ang may dala ng sasakyan mo kaya pagkatapos niyang ihatid ang sa 'yo ay sabay na silang umuwi." sagot ni Manang. "Ihahatid din daw kasi ni Asher si Cassy dahil walang sasakyan na dala."
BINABASA MO ANG
Just a Chance (Aces Band Series #1)
RomansaAces Band Series #1 First chance, second chance, o kahit ilan pa 'yang chance, hindi natin sinasayang 'yan kung mayroon man para lang maabot o makuha ang mga gusto natin. Chance na pinaghihirapan natin na makuha para sa isang bagay kagaya ng kapataw...