Chapter 16

50 0 0
                                    

"I'm so excited! Gosh maghahanap ako ng pogi roon."

Nandito kami ngayon ni Kate sa condo ni Cassy. Sinamahan ko siyang nag-empake para sa outing namin sa Boracay bukas. Naka-empake na kasi ako at si Kate, siya na lang ang hindi. Dito na rin ang gamit namin ni Kate dahil ang plano namin ay dito kami matutulog sa condo ni Cassy para sabay na lang kaming pupunta sa airport bukas. Ang mga lalaki naman ay doon na lang daw magtitipon, basta sinabihan ko na sila na bawal late dahil kapag talaga may mahuli bukas ay lagot sila sa akin.

Naka-upo kami ni Kate sa kama niya habang tinitingnan siya na nasa lapag at nag-aayos ng gamit.

Tapos na ang graduation namin. Lahat worth it ng hirap. Ang next step namin ni Cassy ay ang pag-intern at pagkuha ng license. Ilang taon na lang, kakayanin ko 'to.

"Pogi ka diyan! Baka mamaya may magalit," saad ko. Ngumisi kaming dalawa ni Kate.

Inirapan niya ako. "Sino naman magagalit? Basta maghahanap ako doon, mas maganda kung foreigner ang mahanap ko."

"Sino daw?" Nagkatinginan kami ni Kate at sabay na natawa. "Naku Cassy ang galing magbigay ng advice sa akin, hindi mo naman na-aapply sa sarili mo." Umiling-iling ako.

"Hindi ko alam ang tinutukoy mo," maang-maangan pa siya at patuloy sa pag-aayos ng gamit.

"Scammer ng taon is awarded to Cassandra. May pa hindi alam effect pa," panay ang asar namin ni Kate sa kaniya.

"Ay true, hindi raw alam ang tinutukoy beh. Naging bitter siya bigla. Ano nga ulit nangyari beh? Kwento mo nga," malaki ang ngisi ni Kate habang inaasar si Cassy.

Ang isa ay pikon na pikon na at halatang pinipigilan lang ang sarili na patulan kami. Padabog nitong nilalagay ang mga gamit sa maleta.

"Nahiya naman ako sa hindi pinapansin. Siya na nga babae siya pa nirereject," sagot pabalik ni Cassy at ngumisi sa akin.

Ngumuso naman ako. Ako na ngayon ang pinunterya niya.

"Tapos ang isa diyan, may pag-asa pa ba beh? Ano kaya pa? Taas nga ng sa'yo hindi mo nga maabot-abot." Si Kate naman ang hinarap niya at ginantihan.

Dahil ang isa ay hindi naman mabiro kumuha siya ng unan at hinampas kay Cassy na palaban din kaya kumuha rin siya ng unan at naghampasan sila. Tawa lang ako nang tawa habang tinitingnan sila na pikon na sa isa't isa.

Nananahimik lang ako nang bigla akong hagisan ni Cassy ng isang unan.

"Hoy ikaw, ano tatawa ka lang diyan? Parang walang atraso ah," bigla niya akong hinampas ng unan niya kaya ang binigay niya sa akin ay iniharang ko sa harapan ko.

Bigla siya tinulungan ni Kate na ako ang hampasin kaya napahiga ako sa kama habang ang lakas na ng tawa ko at rinig na sa buong unit ni Cassy.

Dahil panay ang sugod nila sa akin nahulog na ako sa kama. Panay pa rin ang tawa ko at tumayo para makaganti. Ngumisi ako at sumampa sa kama para hampasin din sila.

"Hala ayan na si dragona!" natatawang sigaw ni Cassy nang sinugod ko sila.

"Dragona ka diyan!" Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ng sobrang lakas. Rinig na rinig ang lakas ng paghampas ko sa kaniya kaya malakas na tumawa si Kate nang makitang sumama ang mukha ni Cassy

"Aray naman, humanda ka talaga Elaiza!" Tumayo siya at hinampas hampas ako.

Para makaganti ay tumayo na rin ako at ganoon din si Kate. Panay ang paggantihan namin at napuno ng sigaw at tawanan ang buong unit ni Cassy. Ang ingay naming tatlo kapag nagsasama, sayang at wala si Ina dahil pagkatapos ng exhibit noong nakaraan at umalis kaagad siya. Sabi kasi niya madami pa siyang kailangan gawin doon, bibisita lang daw ulit siya dito kapag maluwag ang schedule niya.

Just a Chance (Aces Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon