Chapter 10

72 1 0
                                    

Halos matumba ako sa kinatatayuan ko dahil nanghina ako. Tulo lang ng tulo ang luha ko at pinipigilan ang paghikbi para hindi nila ito marinig. Patuloy pa rin sila sa pag-uusap at sa bawat salita na binibitawan nila ay para iting pana na tinutusok ang puso ko.

"Patay na patay si Ela na kahit sa isang laro ay kay dali mong napaikot." Saad ni Reighn. Rinig na rinig ko ang tawa nila maliban kay Klyde, Xean at Ian. I know Ian won't laugh, masyado siyang seryoso, pero masaya 'yan ngayon dahil nanalo siya sa pustahan nila.

"Dapat hindi niyo na tinuloy 'yan eh, Ela is a good friend to us tapos pagpupustahan niyo lang." Sabat naman ni Klyde.

Napahawak ako sa bibig ko para mapigilan ang paghikbi.

"Yes she's our friend, sadyang maganda lang pagpustahan lalo na at patay na patay siya kay Ian eh." Saad ni Ezi.

"Pero mali pa rin Ezi." Si Xean na ngayon ang sumabat.

"Paano kapag malalaman ito ni Ela?" tanong ni Klyde.

"Hindi niya naman malalaman kung walang magsasabi. Kaibigan pa rin naman natin siya pagkatapos nito." Sagot ni Ezi.

"Paano na dahil aasa 'yan kay Ian?" Si Xean naman ang nagtanong.

"Edi umasa siya," rinig ko ang tawa ni Ezi. "May gusto si Ian kay Amira kaya wala na siyang maaasahan kay Ian."

Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko habang pinipigilan ang sarili na hindi gumawa ng ingay. Ayaw kong malaman nila na nalaman ko ang kalokohan na pinanggagawa nila. Yes I treated them as my friends, kaya nga hindi ko inaasahan na magagawa nila ito sa akin.

"Oh Ela why are you still here? You should go inside, they are waiting for you." Narinig ko si Tita Iza kay dali-dali kong pinunasan ang mukha ko.

Agad ko siyang hinarap at ngumiti ng malaki, she's walking towards me.

Bigla namang natahimik sa loob ng music room at alam kong narinig nila si Tita dahil napalakas ang boses nito.

"Ahh, may namalimutan kasi ako sa bahay Tita. I'll go home po muna." I excused. "Alis muna ako Tita."

"Huh? Ano na-" hindi ko na pinatapos si Tita at tumakbo na pababa.

Nang makarating ako sa gate nila Ian ay nakasalubong ko pa si Cassy na nasa labas ng gate. Nagulat siya nang makita ako.

"Oh? Aalis na ba?" tanong niya nang huminto ako sa harapan niya.

Saka ko naman narinig ang pagtawag ni Reighn sa likuran ko. Hindi ko sila magawang harapin dahil sa nalaman. "Ela, wait!"

Ngumiti lang ako kay Cassy. "Ahh oo paalis na, susunod na lang ako dahil may nakalimutan ako sa bahay."

"Daanan na lang kaya natin. Maaga pa naman." Tumingin pa ito sa relo niya.

"Huwag na, umalis na kayo. Susunod ako promise." I assured her. "Ito nga pala ang banner na ginawa ko kagabi, ikaw na lang muna ang magdala." binigay ko ito sa kaniya.

"O-okay?"

"Ela!" rinig kong sigaw ni Ezi.

Lumampas ang tingin ni Cassy sa akin at tiningnan ang nasa likuran ko. Nagpadali na ako para hindi nila ako makausap.

"I need to go na. Susunod na lang ako." Tumakbo na ako paalis.

"Ela sandali lang!" Narinig ko pa si Klyde na sumigaw.

Hindi ko na sila pinansin pa at patuloy lang sa pagtakbo. Doon na tuluyang lumabas ang mga luha ko kaya naman nang makalayo na ay huminto muna ako para punasan ito. Hindi ko na nakaya pa ang mga narinig kaya naman kailangan ko munang magpahangin.

Just a Chance (Aces Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon