Chapter 25

101 2 0
                                    

"Whooo! Everybody let's party, party!"

Ang ingay dito sa loob ng club. I'm with Aces Band having fun here. Ako lang ang babae pero kampante pa rin naman ako kasi sila ang kasama ko.

Busy ako noong nakaraan. Tadtad sa trabaho at sa bahay. I need to have fun to at least lessen my stress for a while.

Nang makauwi kasi ako galing flight mula Thailand, kahit na may nangyari na hindi ko iniiwasan habang katawagan ko si Ian, I still talked to him. Dapat nga siya ang nag-eexplain at maghahabol dahil asawa niya ako at alam niyang mali ang ginawa niya. Pero hindi, masyadong mataas ang pride niya at ako pa ang unang kumausap sa kaniya.

But he's Ian, kaya kahit pinansin ko pa siya, hindi naman niya ako pinansin pabalik. I tried to talk to him but whenever I ask something, I didn't receive any answer.

Kahit kailan, wala akong napapala kapag siya ang kausap ko. He really don't want me na kahit may nagawa pa siyang mali, parang wala lang 'yon sa kaniya. Hindi big deal dahil ano nga? Arranged marriage nga lang pala ang lahat.

Uminom lang ako nang uminom habang ang mga kaibigan ko ay nakabantay sa akin. Dito rin si Asher. We are all dancing on the dance floor.

Nakapalibot sila sa aking lahat. Hindi nila pinapayagan na may lumapit na ibang lalaki sa akin kaya nagawa ko ang gusto ko.

Hindi na sila nag-abalang magtanong pa kung bakit ako ganito ngayon, pero alam nilang may kinakaharap ako. They understand that it's not easy for me to open up the topic. Ang ginawa kang nila ay maging sandalan at icomfort ako.

"I think it's enough." Inagaw ni Asher ang alak sa akin. "Ang dami mo nang nainom. It's not good anymore Lai. Come with me, let's sober up first."

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at marahang hinila palabas ng club. Ayaw ko pa sana, gusto ko pang maliwaliw sa loob dahil kahit papaano nakalimutan ko ang mga kinakaharap ko.

Pero masyadong seryoso si Asher ngayon kaya napasunod na pang ako. Tsaka, alam kong napadami na ang inom ko. It's not healthy anymore.

"Kaya mo pa?" He asked when he noticed that I cannot walk properly.

Pagewang-gewang akong naglakad kasunod niya. Lahat na lang ng nakikita ko umiikot.

"Bakit ba kasi umiikot ang mundo?! Kita nang naglalakad ako, nahihilo tuloy ako. Kapag matumba ako dito, lagot talaga sila sa akin. Sila ang patutumbahin ko sa susunod!" Sigaw ko pa nang malakas pero wala namang nakarinig kundi si Ian lang dahil sa lakas ng sound sa loob ng club.

Nang makalabas kami pinaupo niya ako sa upuan sa labas ng club.

"'Wag kang makulit diyan. May bibilhin lang ako, babalikan kita." Sabi niya at naglakad papasok sa isang convenience store.

Pinikit ko na lang muna ang mata ko habang wala pa siya. Para na akong nasusuka dahil sa hilo pero kaya ko pa namang tigilan.

"Cassy!" Sigaw ko bigla. Wala na ako sa tamang pag-iisip kaya kung ano-ano na lang ang ginagawa ko. "Bakit naman kasi umalis ka! Kita mo lasing ako ngayon pero walang nag-aalaga sa akin. I miss you na! Uwi ka na! I need you now!" Dinilat ko ang mata ko at nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ko.

"Stop shouting. People are looking at you, they think you're crazy. Damn Elaiza Velasquez, you really is a mess when drunk." Napatingin ako kay Asher na kakabalik lang at may dalang dalawang canned juice.

"I'm not drunk." Umirap ako.

"Kakasabi mo lang na lasing ka. Ikaw na nga mismo umamin. Hay naku! Lasing ka nga, kahit kakasabi mo lang hindi mo naman naaalala." Napasapo siya sa noo niya.

Just a Chance (Aces Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon