Chapter 26

82 2 0
                                    

Simula noong umalis si Ian, umalis na rin ako ng bahay. I stayed on my condo all day. Ngayon na nga lang ulit ako nakauwi dito, hindi kasi ako madalas nagsistay dito.

Bumili ako ng pagkain sa isang convenience store bago ako magtungo dito para may makain ako sa lunch.

I busied myself watching movies the whole afternoon until I fell asleep. Nagising na lang ako ay madilim na. It's already seven in the evening.

Pinatay ko ang TV na kanina pa pala bukas dahil nakatulog ako. Nagsuot ako ng hoodie ko at lumabas para bumili ng dinner ko. May convenience store naman malapit dito kaya maglalakad na lang ako.

I planned to stay in my condo tonight. Siguro bukas na lang ako uuwi. Ayaw ko pang makita si Ian. Ayaw ko pa munang makasama siya matapos ang ginawa niya sa akin. Palagi na lang niya ako pinapaasa at natatakot na rin ako para sa sarili ko dahil baka hindi ko na makayanan ang sakit.

Natatakot ako dahil unti-unti nang nauubos ang pagmamahal ko para sa sarili ko dahil binigay ko na kay Ian lahat.

Habang naghahanap ng makakain napatingin ako sa lalaking kapapasok lang ng convenience store. Napangiti ako nang makita siya at agad na lumapit sa kaniya.

"Asher!" Tawag ko sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

Halatang nagulat pa siya noong una pero niyakap din ako pabalik.

"Lai, bakit dito ka? Malayo sa inyo 'to ah." Tanong niya kaagad nang kumalas ako sa pagkakayakap naming dalawa.

"I'm staying on my condo right now. Ikaw bakit dito ka? Malayo rin sa inyo 'to ah." Tinaasan ko siya ng kilay.

Masyadong malayo ang lugar na ito sa mga bahay namin. Kaya nga minsan lang ako pumupunta sa condo ko dahil hindi naman ako palagi nandito. I just bought that unit for future purposes.

"Ah ano... may ginawa lang." Balisa niyang sagot. Halatang may tinatago, nacurios tuloy ako bigla.

"Sus, ano 'yon? Nagsisinungaling ka eh." Ngumisi ako.

"Wala nga," pagdedeny niya pa.

Hinayaan ko na lang siya dahil wala naman akong mapapalang sagot sa kaniya.

"Sige na nga. Samahan mo na lang ako maghanap ng makakain, gutom na talaga ako." Hinila ko siya sa lalagyan ng mga pagkain.

"Ito masarap 'to." Kinuha niya ang isang sandwich na naka-pack.

"Dinner Asher, dinner. Hindi meryenda."

"Ay sorry naman. Tao lang, nagkakamali rin minsan."

Natawa na lang kaming dalawa. Kumuha na lang ako ng isang meal at ganoon din siya. Napunta kami sa section ng nga chips kaya kumuha na rin ako.

"Nag-away kayo 'no?" Bigla niyang tanong kaya napatigil ako.

Hinarap ko siya at mapait na ngiti.

"Wala naman yatang pagkakataon na hindi kami nag-aaway."

"Ayos lang 'yan," tinapik niya ang balikat ko. "Sabi natin 'di ba hangga't kaya pa, walang sukuan."

Napabuntong-hininga ako. "I don't know if I still can. Parang unti-unti ko nang narerealize na baka hindi nga kami para sa isa't isa."

"Basta, kung ano man ang mangyari, dito lang ako palagi." Ngumiti siya.

"Uuwi ka na after nito?" Tanong ko na lang para maiba ang topic.

"Siguro."

"Wala ka na bang gagawin?"

"Wala naman."

Just a Chance (Aces Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon