"Elaiza Velasquez, with honors. She has the average of 92.2 percent for the school year 2016-2017." Tawag ng emcee.
It's our graduation today at nawala lahat ng excitement ko sa mga nakalipas na araw dahil sa sinabi ni Ian that after the graduation they will leave. Kung noong una ay excited na excited ako para sa araw na ito, biglang naglaho ang lahat at parang ayaw ko na itong maganap pa. Pagkatapos kasi nito, aalis na sila at ibig sabihin no'n ay ilang taon ko siyang hindi makikita.
Yes, I was trying to stop my feelings to him, because of what happened. I told myself to stop already, but I still don't know why I felt a sting on my chest when I heard that he's leaving. Sabi ko noong una makokontento na ako sa pagtatanaw sa kaniya mula sa malayo, at naging masaya naman ako na tahimik lang akong inaadmire siya. Pero ngayon parang mas pinapalayo siya sa akin at sinasabing mas hindi ko na siya maaabot.
Maybe we aren't destined for each other. Kapag malapit ko na siyang maabot, saka naman siya mapupunta muli sa taas at kailangan ko ulit siyang abutin. Nakakapagod na.
"Let's go Ela." Nakalagay na ang kamay ko sa braso ni Daddy para maka-akyat na kami sa stage. "I'm so proud of you sweetie," he whispered while we are walking.
Narinig ko ang palakpakan ng mga tao habang sinusuot ni Daddy ang medal ko sa akin. Malaki ang ngiti ko dahil hindi man ako ang may pinakamataas na average, my parents are still proud of my achievement, at higit sa lahat masaya ako dahil nalagpasan ko na ang journey na ito. Ngayon, ready na akong harapin ang iba pang mga pagdadaanan ko katulad na lamang ng college life ko.
Masaya ako habang bumababa kami ni Dad sa stage. Ang ibang kaklase ko na ang sunod na tinawag. Ako lang ang naka with honors sa amin ng mga kaibigan ko, mas mataas kasi ang average nila sa akin, sila Cassy, Asher at mga kabanda ni Ian ay with high honors. Pero ayos lang 'yon, kahit naman na hindi kasing taas ng mga kaibigan ko ang average ko ay alam ko naman sa sarili ko na ginawa ko na lahat ng best ko para ma-achieve ito.
"Adrien Hermosa, with highest honor. He has the average of 98.2 percent for the school year 2016-2017." Dumagundong ang buong court dahil sa lakas ng palakpakan ng mga tao dahil sa taas ng nakuhang average ni Ian.
Si Tita Iza ang kasama niyang umakyat sa stage, makikita talaga sa mukha nito kung gaano siya kaproud sa anak na nakakuha ng pinakamataas na average sa buong batch namin. Hindi lang naman kasi gwapo at talented si Ian kaya madaming nagkakagusto sa kaniya pati na rin ako, he's very studios at may plano talaga siya sa buhay. He's serious when it comes to his studies which made him look more attractive.
After the ceremony ay inaya ako ng mga kaibigan ko with their parents to celebrate at Batangas. Kasama naming lahat ang parents namin sa kaniya-kaniyang sasakyan papunta sa restaurant na kakainan namin doon.
Hindi naman ako makatanggi dahil nakakahiya. Celebration namin itong magkakaibigan dahil finally natapos na namin ang high school kaya kailangan ay nandoon din ako.
Kasama namin ang buong Aces Band at mga magulang nila, si Cassy naman ay kasama rin ang parents niya. Si Asher ay sinama ko na rin with his parents . He became part of my journey in high school, kaya naman walang masama kung isasama namin siya sa celebration.
Nang makarating sa Batangas ay bumaba kaagad kaming mga bata sa kaniya-kaniyang sasakyan at sama-samang pumasok sa restaurant. Umupo kami sa napakahabang lamesa dahil kasama pa namin ang mga magulang namin.
Si Asher at Cassy ang katabi ko. Panay ang tawanan ng mga lalaki habang inaalala kung ano ang mga kalokohan na mga pinanggagawa nila during high school.
"Natatandaan ko pa nga na may harap-harapang nireject si Reighn na babaeng nasa kabilang section noon eh. Sobrang dami pa namang nakatingin no'n," natatawang sabi ni Klyde.
BINABASA MO ANG
Just a Chance (Aces Band Series #1)
RomanceAces Band Series #1 First chance, second chance, o kahit ilan pa 'yang chance, hindi natin sinasayang 'yan kung mayroon man para lang maabot o makuha ang mga gusto natin. Chance na pinaghihirapan natin na makuha para sa isang bagay kagaya ng kapataw...