"Miss Velasquez, you're late," saad ng lecturer namin nang makarating ako sa room.
Nalate ako dahil nanatili pa ako kanina sa tabi ng trash can kung saan tinapon ni Ian ang binigay ko. Hindi ko kasi kanina napigilan ang pagtulo ng luha ko, ang sakit dahil nageffort ako pero hindi niya man lang iyon inaappreciate.
"Sorry, Miss," napayuko ako.
"Go to your seat now!" Saad niya na para bang kakainin ako ano mang oras.
Pumasok na ako at pumunta sa upuan ko.
"Hoy, saan ka galing?" pasimple akong tinanong ni Cassy habang hindi ito nahahalata ng guro namin.
"Miss Cassandra," sabi ko nga wala talagang takas kahit pasimple mo pang kausapin ang katabi mo. Masyadong strikto kasi ang guro namin.
"Sorry, Miss," nakayukong saad ni Cassy.
Nagpatuloy na sa pagtuturo ang guro namin at mabuti na lang dahil walang quiz ngayon. At nang matapos ang klase namin ngayong hapon nagka-ayaan kami ni Cassy at ng mga kaibigan ni Ian na kumain sa isang fishball-an.
"Ba't ka nalate kanina?" Tanong sa akin ni Cassy habang naglalakad kami palabas ng campus.
Inangkla niya pa ang dalawa niyang kamay sa braso ko. Nasa likod namin ang lima, mabuti at napilit nila si Ian.
"May pinuntahan lang."
"At saan naman?"
"Wala ka na do'n."
"Hoy bestfriend ba talaga kita? Sumesekreto ka na ata sa akin eh," inalis niya ang kamay niya sa braso ko at pinagcross ito sa dibdib niya.
Napatigil tuloy ako sa paglalakad para makausap siya.
"Sige na ikukwento ko mamaya," kinuha ko ang kamay niya at hinila siya. Gutom na ako kaya atat na atat na akong kumain.
"Hoy kayong lima bilisan niya nga sa paglalakad," sigaw ni Cassy sa likod. Ang bagal kasing maglakad ng lima.
"Makadali naman isang 'to," saad ni Klyde.
"Ay aba, gutom na kaya ako," napamaywang si Cassy. "Sama-sama pa kasi eh," mahina niyang wika na hindi maririning ng lima sa likod.
"Hindi naman katakataka na gutom ka dahil palagi naman Cass," pang-aasar ni Reighn.
Inirapan na lang sila ni Cassy at pinagpatuloy ang paglalakad.
Nang makarating sa fishball-an ang haba ng pila, kaya si Cassy todo reklamo na naman.
"Kayo kasing lima eh, sabing bilisan maglakad, ayan tuloy madami ng nauna." Dinuro-duro niya pa ang lima.
Hinawakan ko ang kamay niya dahil nakakahiya.
"Ano ka ba, pumili ka na lang." Bulong ko sa kaniya.
"San pinaglihi yang kaibigan mo Ela?" Tanong ni Ezikel.
"At bakit naman?" Tanong sa kaniya ni Cassy at nagpamaywang.
"Masyadong maputak yang bibig mo eh," natawa silang lima sa sinabi ni Ezi habang ako pinipigilan ang pagbulalas ng tawa dahil baka hambalusin ako ni Cassy.
"Hala Xean ipagtanggol mo naman si Cassy," siniko pa ni Reighn si Xean na ngayon ay natatawa sa sinabi ng kaibigan.
Umiwas ng tingin si Xean at ganon din si Cassy. Sus ang torpe naman ni Xean dalat pormahan na niya si Cassy eh. Bagay pa naman silang dalawa.
"Ang init na," pinaypayan ni Cassy ang sarili gamit ang panyo niya. "Bukas pa ata aagos ang pila."
"Malapit na naman wag ka kasing magmadali," ani ko.
BINABASA MO ANG
Just a Chance (Aces Band Series #1)
Storie d'amoreAces Band Series #1 First chance, second chance, o kahit ilan pa 'yang chance, hindi natin sinasayang 'yan kung mayroon man para lang maabot o makuha ang mga gusto natin. Chance na pinaghihirapan natin na makuha para sa isang bagay kagaya ng kapataw...