Chapter 39

95 2 0
                                    

May sumundo sa amin ni Ian na van at dinala kami sa daungan kung saan sasakay ng speedboat papunta sa resort kung saan kami magsistay dahil nasa isang isla ito.

Nang makarating sa resort sinalubong kami ng mga staff ng hotel at dinala sa villa na naka-book sa amin.

Hapon na dito nang makarating kami kaya nagpahinga na lang muna kami. Nagbihis na rin kami at inayos ang mga gamit namin.

"Asawa ko, tired ka?" Tumabi si Ian sa akin habang nakahiga ako sa kama.

"Medyo," sagot ko habang nakatingin sa kisame.

Umusog siya papalapit sa akin at niyakap ako. Hinalikan niya rin ang pisngi ko kaya hinayaan ko na lang siya.

"Tulog muna tayo." Ramdam na ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa balat ko sa bandang leeg.

"Hmmm."

"Bukas I'll get a lot of pictures of you. Ang ganda mo eh, mas maganda pa sa lugar na ito."

Napatingin naman ako sa kaniya.

"Kahit h'wag na. I'm not photogenic."

"Hindi ka lang kasi mahilig magpapicture at mag-ayos kaya akala mo hindi ka photogenic. Tingnan mo bukas, I swear you will be more confident kapag makikita mo kung gaano ka kaganda."

Tipid naman akong ngumiti at umiwas ng tingin. I hope I can still be confident with myself after what happened. Dahil kasi sa nangyari noon panay na ang tanong ko sa sarili ko kung hindi ba ako maganda kaya hindi niya magawang pansinin ako.

Nakatulog na lang ako habang siya ay yakap-yakap ako at nang magising ay madilim na ang paligid.

Tatayo na sana ako kaya lang napatigil ako dahil nakayakap pa rin pala si Ian sa akin at tulog din. Dahan-dahan ko tuloy na inalis ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko para makapag-ayos na. Nagugutom na ako eh.

Naligo muna ako dahil feeling ko ang lagkit ko na dahil sa byahe namin kanina. Pero habang naliligo nabigla ako nang may pumasok.

Hindi ko pala nalock ang pinto kanina. Napapikit na lang ako. Mabuti na lang may glass door ang sa shower kaya hindi ako makikita sa loob.

"Naliligo ka?" Tanong ni Ian.

"A-ah oo eh," Nauutal ko pang sagot dahil hindi ko alam ang gagawin. Parehas kaming nasa loob ng isang C.R. ngayon.

"Ako next ah."

"S-sige."

Nagmadali na tuloy akong maligo kahit na hindi naman ako gano'n kabilis maligo. Ang awkward lang kasi talaga na nasa loob kaming dalawa ng C.R. kaya gusto ko nang makalabas agad.

Nagsuot muna ako ng bathrobe bago lumabas at nakita kong nakasandal siya sa countertop ng sink.

"Tapos na ako. Ikaw na," hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya at dahan-dahang tumabi lang para makapag-blower ako ng buhok.

Nakasandal pa rin siya sa countertop at hindi umaalis habang ako ay nakatingin na sa salamin.

Hindi ko pa nasisimulan ang pagboblower nang tumayo si Ian sa likod ko at nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko kaya hindi ako nakagalaw.

"Ang bango mo." Sininghot niya ang buhok ko at bigla namang lumakas ang kalabog ng puso ko.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at dahan-dahang hinarap sa kaniya. Kinuha niya rin ang hawak kong blower at nilapag ito sa countertop pagkatapos ay binalik niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko.

Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil nasa mismong harapan ko siya. Natatakot nga ako baka makita niyang namumula na ako at marinig niya kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko.

Just a Chance (Aces Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon