Chapter 33

145 2 0
                                    

It was a great trip. I've explored a lot of things in two months, I've finally gave time for myself, and I started loving myself.

Kung noon tinatanong ko pa ang sarili ko kung may mali ba sa akin kaya hindi man lang ako kayang gustuhin mo mahalin ni Ian. Pero sa loon ng dalawang buwan na 'yon, napagtanto ko na hindi sa akin ang mali. Walang mali sa akin, kung tutuusin nga para sa akin the best na ako kung magmahal, sadyang kay Ian ang may mali dahil hindi niya 'yon napapansin.

He never paid attention to me, and now, I'll do the same. I'll forget him and act like I don't even know him and he never existed in my life. He doesn't even care about me so I know he won't mind. After all I'm just nothing to him so if ever I'll ignore him he won't even notice it.

"Merci," I thanked the one that assisted me while I'm going to the airport to go home in the Philippines now.

Hinintay ko ang flight ko at nang tinawag na kami tumayo ako.

"Phew, I'm now going home which means I'll face everything again." I whispered to myself while looking at the window of the airplane.

Nakatulog ako at nagising ilang oras ang makalipas. While reading a magazine a flight attendant went to me pushing a trolley.

Binaba ko muna ang magazine na binabasa at tiningnan siya para maka-order.

"Coffee or tea, Ma'am?" She smiled at me.

"Coffee please."

Pagkatapos niya akong bigyan umalis na siya at pumunta sa ibang passengers habang tinutulak ang trolley.

Uminom lang ako ng kape habang nagbabasa at makalipas ang ilang oras lumapag na kami sa NAIA. 6 PM na nang bumaba kami ng eroplano dahil ang flight ko kanina ay 4 AM.

Dala-dala ang mga luggage ko sinalubong kaagad ako ng mga kaibigan ko nang makita ako.

"Lai!" Tumakbo si Asher papunta sa akin para salubungin ako ng isang yakap. Atat na atat, hindi pa nga ako nakakalapit sa kanila nauna na siya.

"Miss you." Binitawan ko ang mga bagahe ko at niyakap siya pabalik.

"Mabuti hindi mo ako nakalimutan," umakto siyang umiiyak.

"Ulol! Alis na, kadiri ka."

Binitawan niya ako at umatras. Ngumuso naman siya at masama akong tiningnan. Pinagkrus pa niya ang braso sa dibdib niya na parang nagtatampo.

"Umalis ka lang ng dalawang buwan ganiyan ka na sa akin. Parang others ka na, I hate you! Fake friend ka." He acted like a child.

"Ewan ko sa 'yo. Ano na namang nasinghot mo? Tumakas ka na naman sa mental. Haysttt, tsk tsk tsk." Napailing ako.

"Hoy ang sama mo na ah!"

Tinawanan ko na lang siya at binati ang iba kong mga kaibigan. Sila na mismo ang pumunta sa gawi ko at hindi na hinintay na ako pa ang pumunta sa kanila.

"Saan pasalubong ko?" 'Yan kaagad ang salubong sa akin ni Ezi.

Grabe, ganito ba talaga mga kaibigan ko?

"Ako rin, Ela? Kahit alikabok lang ng Paris." Nakisali rin si Reighn.

"Wow. Grabe ha, wala man lang bang 'I miss you Ela' 'Welcome back Ela' o 'di kaya 'Ela kamusta ka na?' muna diyan? Sinundo niya lang ba talaga ako para sa ganiyan?" Tinaasan ko sila ng kilay.

"Oo, alam mo naman kaagad kasi na miss ka namin kaya no need na para sabihin 'yon, obvious na kaya straight to the point na tayo 'no."

"Ewan ko sa 'yo, Ezi." Inirapan ko siya.

Just a Chance (Aces Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon