Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakarecover sa ginawa ni Ian. Naglalakad kaming dalawa ngayon papunta sa bahay nila habang nakahawak siya sa kamay ko. Nakatutok lang ang tingin ko sa kamay naming magkahawak dahil hindi pa rin ako makapaniwala na aayain niya akong gawin ang report kasama siya.
Parang hindi siya si Ian, dahil kahit kailan hindi niya ako pinapansin. Ayaw niya akong makasama kaya naman hindi ko ineexpect na siya pa mismo ang mag-aaya sa akin.
"Hoy! Ayos ka lang?" Tumigil muna siya saglit kaya naman napatigil rin ako. He looked at me with so much concern on his eyes.
"Huh?" 'Di ko masyadong nakuha ang sinabi niya dahil kanina pa ako lutang.
"Sabi ko, ayos ka lang ba?"
"Ah, o-oo," tumingin ako sa kaniya.
"Mabuti naman," nagsimula na ulit siyang maglakad habang nakahawak pa din sa kamay ko.
Tiningnan ko siya mula sa likod. Lakad pa lang, halatang pogi na agad kaya ang hirap abutin.
Siguro inaya niya lang talaga ako, hindi dahil gusto niya akong makasama, kundi dahil sa report. Tama, siguro nga dahil lang doon, ayaw ko nang mag-isip pa ng ibang dahilan baka lalo lang akong umasa sa wala. Kung ano-ano pa kasing dahilan ang naiisp ko, alam ko namang ginawa niya lang 'to para sa report, siya kasi ang tipo ng lalaking mahalaga ang pag-aaral. Ako lang talaga ang nag-iisip ng kung ano-ano, na baka nafafall na siya kaya niya ginagawa 'to.
Overthinking is killing me. Ang hilig kong mag-isip ng mga bagay na mas lalo lang nagpapasakit sa puso ko.
Nang makarating sa bahay nila doon niya lang binitiwan ang kamay ko at pumasok kaagad tapos binati si Tita Iza. Naabutan namin itong kumakape sa living room.
"Hi Mom," pumunta ito kay Tita hinalikan niya ito sa pisngi. Mommy's boy.
"Hey baby. How's school?" Niyakap siya ni Tita.
"Ayos naman, daming pinagawa."
"Awww, magpahinga ka muna at lulutuan kita ng paborito mong meryenda," ginulo ni Tita ang buhok nito. Ang cute nilang dalawa tingnan.
Nang tumngin ito sa likod ni Ian saka niya lang napansin na doon pala ako kaya tumayo siya at niyakap ako.
"Elaiza! I miss you baby, mabuti at dumalaw ka dito," ang higpit ng yakap niya at halos hindi na ako makahinga.
"Go...od af...ter...non Tita," nahihirapan kong saad dahil aobrang higpit ng yakap niya, halatang namiss niya talaga ako.
"Ohh sorry," dali-dali itong humiwalay sa akin. "Napadalaw ka hija?" tanong niya at nilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng taenga dahil nagulo nang yakapin niya ako.
"Ahh, gagawa po kasi kami ng report ni Ian," sabi ko.
"Oh, so ano pang hinihintay niyo? Pag-usapan niyo na," hinawakan niya ako sa kamay at gano'n din si Ian tapos hinila papunta sa taas kung saan ang study room nila. "Pasok na, at gawin niyo na 'yan, magluluto ako ng meryenda niyo." Marahan niya pa kaming tinulak papasok at sinarado kaagad ang pinto. Hindi pa nga ak nakakasagot sinara niya agad, si Tita talaga oh.
"Mommy," pahina nang pahinang sabi ni Ian dahil naisara na ni Tita ang pinto.
Napatingin ito sa akin maya nagtama ang mga tingin naming dalawa at umiling-iling siya, tapos naglakad na papunta sa isang upuan at umupo. Nilapag din nito ang bag niya sa lamesang nakaharap sa kaniya.
Nanatili akong nakatayo sa pinto at nakatingin sa kaniya. Hindi alam ang gagawin.
"Mag-uusap lang tayo ngayon kung ano ang gagawin tapos bukas natin sisimulan an paggawa ng report." Sabi nito at may kinuha mula sa bag niyang libro at binuklat.
BINABASA MO ANG
Just a Chance (Aces Band Series #1)
عاطفيةAces Band Series #1 First chance, second chance, o kahit ilan pa 'yang chance, hindi natin sinasayang 'yan kung mayroon man para lang maabot o makuha ang mga gusto natin. Chance na pinaghihirapan natin na makuha para sa isang bagay kagaya ng kapataw...