Chapter 13

54 1 0
                                    

"Hoy Ela bilisan mo naman! Malelate na tayo oh!" Bulyaw ni Cassy sa akin habang tumatakbo sa hallway. It's our finals kaya nagmamadali siya habang ako ay hindi magawang tumakbo dahil natapilok ako kahapon at masakit pa rin ito.

It's our last year in college and we both took Architecture. It's a five year course kaya ang mga kaibigan namin tapos nang mag-aral at kami hindi pa. Hindi ko masasabing masaya ako pero hindi rin naman ako malungkot na ito ang kinuha ko. Wala na akong pakialam kung gusto ko ito o hindi, basta makita ko lang na proud ang parents ko sa akin ay ayos na ako.

"Sandali, masakit nga ang paa ko." Reklamo ko dahil nagmamadali siya at hindi man lang iniisip na masakit ang paa ko.

Natapilok ako kahapon sa club kung saan may gig ang Aces Band dahil sa dami ng tao. Simula nang umalis si Ian sa banda ay napadalas na ang pagdalo ko sa mga gigs nila. Natutuhan ko na rin ang uminom at magparty dahil 'yon ang nangyayari sa tuwing may gig ang banda.

"Bahala ka diyan, anong oras na oh!" Hindi na niya ako hinintay pa at nauna nang pumasok sa room namin. Iika-ika pa akong naglakad dahil sobrang sakit ng paa ko.

Hindi man lang kasi ako inalalayan ng napakabait kong kaibigan. Hindi pa naman magsisimula pero parang isang oras na siyang late kung makadali. 

Nang makapasok sa room ay dumiretso na kaagad ako sa upuan ko na katabi ni Cassy. Nang magtama ang tingin naming dalawa matapos akong umupo ay inirapan ko siya.

"Attitude si ate girl, ba't kasi magpapakalasing kaya nahulog ang isang paa sa kanal." Mahinang bulong niyo pero alam kong sinasadya niyang iparinig sa akin.

"Eh kasi naman ang isang ate girl hindi marunong umalalay sa kaibigan kaya nagkaganoon." Pagpaparinig ko rin sa kaniya.

Natawa siya ng sarkastiko. "Eh 'di ba may Asher ka na." Matalim niya akong tiningnan.

Lahat na lang talaga ng nakakakita sa amin ni Asher ay pinagkakamalang magjowa kami. Hindi ko naman gustong umiwas dahil matalik na kaibigan ko siya. Hinayaan ko na lang kung ano ang iisipin ng iba, basta hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya.

"Cassy!" sinamaan ko siya ng tingin. Mabuti na lang at nasa likod ang upuan namin kaya hindi namin makukuha ang atensyon ng iba namin kaklase. "He's just a friend, wala nga sigurong gusto 'yon sa akin eh. Close lang talaga kami."

"Ahh talaga ba? Sige, magpakamanhid ka lang Elaiza." Sagot naman nito.

Hindi ko siya magets. Totoo naman kasing magkaibigan lang ang turing namin ni Asher sa isa't isa. Ang weird naman kung mas hihigit pa doon dahil para ko na nga siyang kapatid.

Hindi na kami nagbangayan pa nang dumating ang professor namin.

It was a typical day at school and after that we eat lunch at a restaurant near our school. Pumunta rin si Asher para may kasama raw siyang kakain.

"Nakakapagod," reklamo kaagad nito pagkaupo sa lamesa.

"Hindi ko talaga alam ang isasagot kanina, nireview ko naman 'yon kagabi pero nakalimutan ko." Sabi ko naman.

"Ahh bahala na, basta tapos na." Sagot ni Cassy at sumandal sa likod ng upuan.

May lumapit na waiter kaya sinabi na namin ang oder at habang naghihintay ay nag-usap-usap pa muna kami.

"Mamaya nga pala, sa Verdey Club ang Aces Band. Pupunta ako kasama si Kate, dapat pati ikaw." Sabi nito sa akin.

"Sure, kailangan ko rin 'yan dahil nakakastress na kung puro aral lang ako." Sagot ko.

"Sama ako," sabi naman ni Asher.

"Tapos na ba ang ginagawa mo sa exhibit? Baka mamaya hindi mo na naman nagawa tapos maglalakwatsa ka lang." Tanong naman ni Cassy sa kaniya na nakataas ang kilay.

Just a Chance (Aces Band Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon