"Good morning world!"
Ang laki ng ngiti ko at bumangon na. Masigla kong inayon ang kama ko bago maligo at mag-ayos.
Ngayon pupunta ako kila Ian para lutuan siya ng breakfast. Sobrang aga ko ngayong nagising para maabutan siya.
Kagabi nagalit ko yata siya kaya naman kailangan kong bumawi. Syempre pampagood points 'yon.
Kumakanta pa ako habang naliligo at nang matapos ay nagbihis ako ng pink hoodie at black leggings ko.
Nang bumaba ako ay kumakain sila Mom at Dad ng umagahan.
"Good morning po." I greeted them.
"Good morning Ela," bati ni Ma'am.
"Good morning my princess. Where are you going today?" Si Dad naman.
"Come here, kumain ma muna." Sinenyasan ako ni Mommy na lumapit sa kanila at sumabay.
Umiling ako. "Kila Ian na lang po ako kakain Mom, doon ako ngayon pupunta."
"Oh," Mom looked at me teasingly.
"Okay take care. Support kami ng Mommy mo." Tinaas pa ni Dad ang kamao niya.
Natawa naman ako. "Thanks Dad," I winked.
"Hindi pa rin talaga sumusuko ang anak ko." Napangiti si Mommy.
"Of course Mom, ako pa ba." I am really comfortable talking to them like this.
Naiintindihan kasi nila ako. Alam nila na nasa ganitong edad na ako kaya ko 'to nararamdaman. They also experienced this so they already understand me.
"I'll go na po," kumaway ako at lumabas na ng bahay.
Nagdrive ako papunta sa bahay nila Ian, tinatamad kasi akong maglakad at nagmamadali ako dahil baka gising na siya. Gusto ko na ako ang maghahanda para sa breakfast niya kaya kailangan kong agahan habang hindi pa siya gising.
Nang dumating ako roon nasa kusina si Ina at umiinom ng tubig. Bagong gising lang siya, sila Tito at Tita naman ay nakaayos na at paalis papuntang trabaho.
"Ela!" Tumakbo papunta sa akin si Ina nang makita niya akong nakatayo sa living room nila. "Good morning. Why are you here?"
Niyakap niya ako kaya namam niyakap ko siya pabalik. Nang kumalas siya at ngumiti ako.
"Good morning Ina." I greeted her. "Lulutuan ko sana si Ian ng breakfast ngayon dito, pambawi man lang."
"Talaga?" Nanlaki ang mata niya at napatakip sa bibig. "Ang swerte naman ng kapatid ko. Kailan ko kaya mahahanap ang para sa akin."
"Naku maswerte ka diyan, ako ang maswerte sa kaniya. 'Yon nga lang, ayaw niya pa rin sa akin." Natawa na lamang ako. Hindi na ako nasasaktan sa mga ganoon dahil nasanay na ako.
Nang tingnan ko sila Tita ay nakikinig pala sila sa akin dahil parang kinikilig pa siya. Narinig niya na ipagluluto ko si Ian kaya ganiyan siya, malakas ako kay Tita eh. Suportado kaya ako niyan pagdating kay Ian.
"Good morning Ela," bati ni Tito at Tita sa akin.
"Good morning po Tito, Tita." Nginitian ko sila.
"O siya aalis na kami, Ina ikaw na bahala dito. Ela alis muna kami bantayan mo na lang si Ian." Bilin ni Tita.
"Yes Mom," sagot naman ni Ina at lumapit sa kanila para humalik.
"Sige na aalis na kami." Lumabas na sila ni Tito.
"Take care po," pahabol ko pa.
"Tulungan kita, dali na bago pa magising 'yon." Hinila niya ako papuntang kusina nila.
BINABASA MO ANG
Just a Chance (Aces Band Series #1)
RomanceAces Band Series #1 First chance, second chance, o kahit ilan pa 'yang chance, hindi natin sinasayang 'yan kung mayroon man para lang maabot o makuha ang mga gusto natin. Chance na pinaghihirapan natin na makuha para sa isang bagay kagaya ng kapataw...